“Seryoso ka ba? Gusto mo akong gawing kabit ha?”
Cassian looks confused about what I said.
Hindi ba uso dito ang salitang kabit?
But of course. It is the King's right to have a legal other wife. Hindi nila alam ang salitang kabit.
Consorts are women who can marry the King but have no political power. They are considered wives and are usually noble women. Her children can also be considered as an heir but not a Prince or a Princess.
Masarap lang pakinggan pero kabit pa rin iyon.
Ayokong maging isang kabit!
Sino ba ang babaeng papayag sa ganoon? Magiging pangalawa lang sa taong inuuna niya...
“Ayoko...” I answered.
Halata naman sa mukha ni Cassian ang pagkabigla. His lips parted.
“What? Hindi mo ba alam kung ano ang mga makukuha mo kapag pumayag ka sa gusto ko ha? Pwede ka ng bumalik sa klase ng buhay na nakasanayan mo. You can visit your parents again. Tapos ayaw mo?”
“Ah huh. Ayoko.”
Malakas na hinampas ni Cassian ang lamesang nasa harapan namin kaya bahagya akong napapikit.
Napaka bugnutin naman.
Ano bang gusto niya? Umu-oo na lang ako kaagad? My gosh! Hindi ko pinangarap na matawag na kabit no!
“Seren!” he shouted. Halata sa mukha niya ang matinding pagtutol.
Ramdam kong umiinit na rin ang ulo niya. Kung mayroon lang yelo sa lugar na iyon baka nilublob ko na ito sa timba ng yelo.
“Akala mo ba, porket isa ka ng Hari ay makukuha mo na ang lahat ng gusto mo ha?” I shouted back.
Hindi porket mahal ko siya ay mapapasunod niya na lang ako ng ganoon. Meron din naman akong paninindigan no.
Para naman siyang natigilan sa sinabi ko. He bit his lips. Halatang nagpipigil ito ng galit. Maybe he doesn't want to use his whole power at me. Siguro natatakot siyang makagawa ng bagay na pagsisisihan niya, kaya pilit niyang kino-kontrol ang sarili.
Nang makita kong nagsimula ng maglabas ng dugo ang kinakagat niyang labi ay agad ko iyong hinampas ng marahan.
“Itigil mo nga 'yan!”
He stop. Halatang nagulat siya sa ginawa ko and he stay still.
I examined his lips. May maliit na iyong hiwa. Hindi ako makapaniwala na dahil sa galit ay nawawalan siya ng kontrol sa sariling katawan.
I touched his lips. Alam kong masakit iyon, kaya gusto ko sanang mas makita ng mabuti.
Kaya lang, bigla namang hinawakan ni Cassian ang kamay ko. Napatigil tuloy ako at nagtaas ng tingin para makita ang mukha niya.
Doon ko lang napagtanto ang ginagawa ko.
We had an eye contact battle. Hindi ako makakurap habang titig na titig lang sa mga mata niya. And then I saw him starting to move forward. Naisip ko na ang plano niya but I didn't do anything to stop him.
He grabbed my waist and kissed me. Medyo nalalasahan ko pa ang dugo sa labi niya pero hindi ko iyon pinansin. Mas nanaig sa akin ang kakaibang pananabik. Ipinikit ko pa nga ang mga mata ko para namnamin ang halik na iyon.
We shared one hot kiss. Ramdam ko ang pananabik sa ginawa niyang paghalik. It was the sweetest kiss I've ever tasted. I miss doing it with him. Matagal na rin akong walang nahahalikan. My last kiss, was our last kiss.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...