Gising Alecxie
×××
“Alecxie, nasaan ka na bang babae ka?” iritang sambit ni Ron. Ang baklang manager ni Alecxie.
Marami itong hawak na artista pero si Alecxie ang pinaka sikat kaya ito ang baby niya. Pero dahil nga ito ang pinakasikat na alaga niya ay ito rin ang pinaka pasaway. Palagi nalang nitong pinasasakit ang ulo niya.
Katulad ngayon. Ang tagal na niya itong tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang telepono.
“Babaita ka, humanda ka talaga sa akin kapag nakita, kita.”
Nang makita niyang naglalakad na si Alecxie palapit ay nagmamadali niya itong sinalubong. Wala siyang paki kung sikat pa ito pero kailangan niya itong hampasin.
Katulad ng nais niya ay binigyan niya ng malakas na hampas sa balikat si Alecxie na agad napasimangot.
“Ano ba. Ang aga aga mo namang manakit, Ron.” sermon dito no Alecxie habang hinahaplos ang parte ng katawan na dinapuan ng kamay niya.
“Gaga, anong maaga? Alam mo bang tanghali na ha? Bruhang 'to! Gumising ka na!”
Gumising?
Gising na! Gising!
“Gising na Alecxie! Gising!”
Uubo-ubong nagmulat ng mga mata si Alecxie. Nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa paningin niya. Ang dami niyang naririnig na nagbubulungan pero kinailangan pa niyang sanayin ang mga mata sa liwanag bago makakita ng maayos.
Pinagala niya ang tingin sa paligid nang malinaw na ang paningin. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ang mga dalaga't binatang nakapalibot sa kaniya. Tila makaluma ang mga suot nila. Ang mga lalaki ay mayroong mga panyo sa leeg na nakikita niya lang na isinisuot ng mga nagko-cosplay. Ang mga babae naman ay parang dadalo sa sagala na ang lalapad ng mga suot na gown na ang daming ruffles. Para silang makalumang tao. Noong panahon pa ng mga prinsesa at prinsepe. Napuno tuloy ng pagtataka ang mukha niya.
Hindi ko naman alam na may mga tao palang hindi alam ang salitang fashion.
Teka, nasaan ba siya?
Kanina lang ay gabi pa kaya bakit bigla na lang naging umaga na? At ang mga batang ito? Saan sila nanggaling? Hindi ba nasa yate sila?
Napa-aray na lang si Alecxie nang bumagsak ang ulo niya sa lupa. Bigla kasing tumayo ang lalaking kanina lang ay pinapatungan ng ulo niya ang mga hita.
“Ano masaya ka na ba at pinagkakaguluhan ka na ng mga tao, ha Seren?” tanong ng lalaki habang nakatingin sa kaniya ng masama.
Ang amo ng mukha nito kahit parang masama ang timpla. Kulay itim ang buhok nito. Kapansin-pansin ang mahahaba nitong pilikmata na tila nang-aakit kapag gumagalaw.
Siya ba ang kausap ng lalaki?
Hindi naman Seren ang pangalan niya. Atsaka mas bata ito sa kaniya ng mga limang taon; sa tantiya niya kaya bakit hindi man lang ito magpakita ng paggalang. Hindi ba siya nito kilala? Isa siyang sikat na artista.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...