CHAPTER 22: New Student

5.6K 165 6
                                    

“Where have you been, Cassian?”

Napatigil sa paghakbang si Cassian at agad napalis ang ngiting nakapaskil sa labi niya nang makita si Magnus na nakaharang sa daraanan niya.

Ngayon lang ito naging enteresado sa mga pinaggagawa niya. Ngayon lang kasi siya nito tinanong kung saan siya galing. Mukha ngang inabangan pa talaga siya nito sa hallway kung saan naroon ang kwarto niya.

“Kamahalan... Hindi ko naman alam na importante na rin pa lang malaman mo ang mga lugar na pinupuntahan ko. Are you perhaps threatened with me? Iniisip mo ba na may ginagawa ako para agawin ang posisyon mo bilang susunod na Hari?”

Natawa siya ng mapakla. Kahit kailan ay hindi niya iyon magagawa. Kahit sabihin na medyo naiinggit siya sa kapatid dahil sa mga nangyayari sa buhay nito ay hindi niya magagawang agawin ang anumang bagay na laan para dito.

Maliban na lang siguro pagdating sa babae. Dahil alam niyang pagdating sa bagay na iyon ay hindi niya kayang magpaubaya.

Lalampasan na sana ni Cassian si Magnus pero hinawakan naman nito ang braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad at walang buhay na napatingin sa gawi nito.

“Nagkita ba kayo ni Lady Seren?” tanong ni Magnus.

Natawa lang si Cassian sa tanong nito. Mariin niyang hinawakan ang kamay ni Magnus na nakahawak sa braso niya at tinanggal iyon mula sa pagkakahawak nito.

“Yes. Nagkita nga kami. And I don't see that as a problem. Good night little brother.” Tapik pa niya sa balikat ng kapatid bago ito tuluyang nilampasan.

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

“Aalis ka sa paaralan?” may pag-aalalang tanong ni Ohru.

Nakasakay sila ngayon sa karwahe at papasok na sa paaralan. Since wala itong matutuluyan ay naisip niyang pag panggapin na lang ito bilang malayong kamag-anak. Iyon ang sinabi niya sa lahat ng naroon sa bahay nila. Mukha namang pinaniwalaan siya ng mga tauhan. Kahit paano ay mas mukhang kapani-paniwala naman kasi ang naging pagku-kwento niya. Lahat rin ng sinasabi niya ay sinasakyan ni Ohru kaya sa tingin niya wala iyong problema.

“Hindi mo pa nababasa ang librong ito, ano? Itong libro na kinaroroonan natin?”

Umiling-iling naman si Ohru. “Ano ba ang ending nito?”

“This girl.” Mabagal na iniangat ni Alecxie ang mga kamay at malungkot iyong pinagmasdan. “Mamamatay ang babaeng ito. Kung hindi ko siya tutulungan ay paniguradong mangyayari din sa kaniya ang nangyari sa akin.”

“Kaya naisip mong iwasan ang mga taong magiging dahilan ng pagkamatay mo.”

“There is no other way.”

Malungkot na napabuga ng hangin si Ohru. Kung may magagawa lang ito para kay Alecxie.

“We need to find your soulmate.”

“Sigurado ka talagang nandito siya ano?”

“Yeah. Iyong hourglass ang may gawa ng pagpunta mo dito kaya sigurado ako. Nandito rin ang soulmate mo. That's how, that thing works.”

“Ok, sabihin na natin na nandito rin siya. And then what? Ano naman ang gagawin natin kapag nahanap natin ang unknown soulmate ko na 'yon?”

“We're going to make sure na magkakamabutihan kayong dalawa. That way, malaki ang chance na makaalis kayo dito ng maayos.”

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon