CHAPTER 15: Pamilihan

6.5K 253 7
                                    

Parang bata na first time makapasyal si Alecxie. Punong-puno ng excitement ang mga mata niya. Bawat magagandang bagay na makita niya ay nilalapitan niya at pinagmamasdan ng mabuti. Talagang binubusog niya ang mga mata.

“Ingat Lady Seren, lumayo ka diyan sa—” Napatakip na lang ng bibig si Mattie nang matapakan niya ang isang butas sa lupa na may tubig.

Dahil doon ay natalsikan ng putik ang suot niya. Nang makabawi mula sa pagkabigla ay may pag-aalalang lumapit sa kaniya si Mattie. Agad nitong ineksamin ang kalagayan niya. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkabahala sa nangyari.

Ang akala ata nito ay magagalit siya. Ganoon kasi si Seren. Mabilis uminit ang ulo nito at ayaw na ayaw nito ang nadudumihan. Kaya nga nagulat ang mga katulong nang sabihin niya na sasama siya sa pamilihan. Hindi kasi iyon ginagawa ni Seren.

“Patawad Lady Seren, hindi ko kaagad napansin ang butas.” Yuko ni Mattie sa ulo.

Nang mag-angat ito ng tingin ay sinalubong ito ng ngiti ni Alecxie. “Ano ka ba, kaunting dumi lang naman ito.”

Mabuti na lang at naisipan niyang magsuot ng simpleng bestida, kagaya ng suot ni Mattie. Dahil hindi iyon gaanong mabigat at nakagagalaw siya ng maayos. Kung pwede nga lang ay mag pantalon na lang siya. Pero wala naman siyang ganoon sa drawer niya. Nanghiram nga lang siya ng damit kay Mattie.

“Gusto ’nyo na po bang bumalik sa karwahe?”

“At ano? Para ma miss ko ang ganito ka gandang lugar? No way!” Isinukbit ni Alecxie ang kamay sa braso ni Mattie, tsaka ito hinila para magpatuloy sa naudlot nilang paglakakad.

Kanina pa nabubusog ang mga mata niya sa nakikita. Sa totoo lang ang dami niyang gustong bilhing mga bagay na roon niya lang nakita. Ayaw niya lang na mag waldas ng pera sa wala. Oo at marami nga silang budget ni Mattie pero iniisip niya na iyong mahalalaga lang ang bibilhin niya. Balak niya rin kasing itabi ang ilan sa allowance na ipinapadala ng magulang ni Seren tuwing isang linggo. Lalo pa’t naiisip niya na baka may paggamitan siya ng pera sa lugar na iyon.

Nagpasama siya kay Mattie sa palengke dahil gusto niyang bumili ng tela para sa isusuot niya okasyon sa palasyo. Nang makuha niya kasi ang imbetasyon ay na-excite siya. First time niyang dadalo sa isang totoong royal event kaya hindi niya palalampasin ang bagay na iyon. Syempre kailangan niyang mag mukhang isang prinsesa.

Pero dapat talaga ay damit ng yari ang bibilhin niya pero ang sabi ni Mattie ay may mananahi daw ang pamilya kaya tela na lang ang kailangan at ang mananahi na lang  daw ang bahala kaya iyon na lang ang bibilhin nila.

Pagkatapos mamili ng mga kailangang tela ay inaya niya si Mattie sa kinaroroonan ng mga pagkain. Ayaw pa sana siyang dalhin sa gawing iyon ng palengke ni Mattie dahil masyado daw na magulo sa gawing iyon at tanging mga katulong lang ang nagpupunta. Ayaw nitong mabahuan siya at mas madumihan pa kaya pilit itong tumatanggi sa sinasabi niya, pero sa huli ay napilit niya rin ito.

Trust me. Sanay ako sa mabahong palengke Mattie.

“Lady Seren, sinabi ko naman sa iyo na kung may kailangan ka sa gawing ito ng pamilihin ay iutos mo na lang sa akin at ako na lang ang bibili para sa’yo.” Hila ni Mattie sa braso niya paalis doon.

Totoo ngang maingay sa gawing iyon ng palengke. Ang daming nagtitinda ng iba’t-ibang uri ng buhay na hayop sa pinaka bukana. May mga manok na naka-kulong. May baboy damo, kambing at baka na nakatali. Mayroon ding kabayo. At iyong mga hayop na hindi niya alam ang tawag. Ang dami.

Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya rin ang mga iba't-ibang prutas at gulay na tinitinda. Lahat iyon ay nasa gilid ng daan at nakapatong lang sa maliliit na lamesa.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon