Grabe nagpapanggap lang pala na mabait ang Margareth na 'yon. Ang akala niya ay kaibigan niya ito, iyon pala ay sinisiraan siya ng kapag nakatalikod siya. Hindi siya makapaniwala.
Mukhang kailangan niyang maging maingat. Now that her enemy was starting to show their faces ay kailangan niyang maging alisto.
“Lady Seren, sandali.”
Napalingon si Alecxie nang marinig na tinawag siya ni Elizabeth. Humabol pala ito sa kaniya.
Tahimik niyang inintay na makalapit ito sa kaniya. Habang naglalakad ay napansin niya ang hawak nitong sobre.
“Nalalapit na ang kaarawan ko. Gusto kitang imbitahan. Sana makapunta ka.” Elizabeth said. Medyo hinihingal pa ito sa pagsasalita, halata ang ginawa nitong pagtakbo.
Alanganin niya namang tinanggap ang iniabot nitong imbitasyon.
Naman. Kagagaling niya lang sa isang magulong party ay may isa na naman. Bakit naman siya iimbitahan ni Elizabeth sa party nito?
This is the first time na ginawa ito ni Elizabeth. Oo, mabait naman ang babae kay Seren pero kahit minsan ay hindi nito inimbitahan si Seren sa birthday party nito. Siguro dahil alam nito na gulo lang ang dala ng dalaga.
Kaya bakit ngayon? Hindi niya tuloy mapigilan na magduda sa intensyon nito. Baka katulad rin ito ni Margareth na may planong ipahiya siya.
“Pag-iisipan ko.” Pagkakuha sa imbetasyon ay tumalikod na rin si Alecxie.
Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad patungo sa kaniyang karwahe. Habang si Elizabeth ay sumunod naman sa kaniya. Nanatili itong nasa likuran niya lang pero hindi ito gaanong nalalayo sa kaniya.
“Gusto ko pa lang sabihin na hindi ako galit sa'yo,” rinig niyang sabi pa ni Elizabeth.
Bakit naman ito magagalit? Dahil sa tangka niyang paghalik kay Magnus?
Sabagay. Masama nga naman iyon tingnan dahil mag kasintahan ang dalawa. Mahirap na lang rin mag explain at sabihin na wala naman iyong malisya para sa kaniya.
Teka, bakit ba ito umaarteng mabait ngayon? Ang akala ba nito ay nakalimutan na niya iyong ginawa nitong pagpapakalat ng maling balita tungkol sa pagkakatalisod nito noong nakaraan. Psh!
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
“Bwesit talaga ang babaeng iyon!” Sa galit ay inihagis ni Margareth ang nadampot na flower base na nakapatong sa lamesa.
Nagkatinginan tuloy ang mga babaeng naiwan nang umalis sina Seren at Elizabeth. Iyong tatlo ay dali-daling tumayo at nagpaalam. Habang iyong apat na nakaaway noong nakaraan ni Seren ay nanatiling nakaupo. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.
“Lady Margareth, kumalma ka lang.” sabi ng isa.
“Kumalma?” Galit itong tinapunan ng tingin ni Margareth. “Nakita mo ba kung paano ako ipinahiya ng babaeng iyon, dito mismo sa sarili kong pamamahay ha?”
Muling dumampot ng madadampot sa lamesa si Margareth at hinagis iyon. “Ako dapat ang magpapahiya sa kaniya, pero bakit ganoon ang nangyari?” Parang bata itong nag ta-tantrums.
Lahat ng sunod na mahawakan nito ay pinaghahagis nito sa kung saan.
Nang marinig ng mga katulong ang ingay na nililikha ng pagwawala niya ay nagtakbuhan ang mga ito sa garden kung nasaan sila. Iyong ibang katulong na dumating ay tumayo sa likuran niya. Tanging si Margot lang ang lumapit para kuhain ang hawak niyang ihahagis na naman sana niya.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...