CHAPTER 41: Heart To Heart Talk

2.9K 91 1
                                    

So, what happened?”

Napaangat ang tingin ni Cassian nang marinig ang boses ni Magnus. Mukhang iniintay nito ang pagdating niya. Naroon ito sa silid-aklatan kung saan siya mahilig tumambay kaya sigurado siya na inaabangan siya nito.

Malamang gusto nitong makibalita. May pagka tsismoso rin ang loko e.

“Owww... You look so sad, Cassian. Bakit? Hindi ba nagustuhan ni Lady Seren ang mga bulaklak?” may pang-aasar sa himig ng kapatid.

Sinamaan niya tuloy ito ng tingin. Habang si Magnus ay napatawa lang na parang hindi iyon iniinda.

“Ano ba kasing meron? Bakit naisipan mong maging delivery boy ha? Pwede ka namang magpunta at bumisita kay Lady Seren kung ibig mo kaya bakit kailangan mo pang gumawa ng dahilan para lang makita siya?”

Malungkot na naupo si Cassian sa nakitang bangko. Ipinatong niya ang mga paa sa isa pang bangko at isinandal ang likod sa sandalan. Kapagdaka'y nilingon nito si Magnus na lumakad naman palapit sa gawi niya. Hinila nito ang isa pang bangko na naroon at itinapat sa kaniya bago naupo.

“Matagal na rin tayong hindi nakakapag heart to heart talk na kagaya nito, right?” Magnus laughed.

Bumuga lang ng hangin si Cassian. Hindi siya sanay na ini-intorrogate kaya parang gusto niyang umalis na sa lugar na iyon. But on the other side, ibig niya rin na pakinggan ang mga sasabihin ni Magnus. Ngayon lang ulit sila nakapag-usap ng ganito dahil palagi lang itong busy. Dahil sa posisyon nito bilang crown prince ay halos hindi na ito nagpapahinga. Ang daming kailangan na kausapin, harapan. Hay ewan. Mabuti na lang talaga at ito ang kumuha sa pwesto niya.

“Ano? Wala ka bang sasabihin diyan Cass?” Magnus continued.

Cass? He called him by that nickname again. Kailangan nga ba iyong huli siyang tinawag nito sa ginawa nitong palayaw sa kaniya?

“Ano naman ang sasabihin ko sa'yo?” walang gana niyang sagot sa kapatid.

“Are you ready to talk?”

“Psh...”

Bigla ang pag seryoso ng mukha ni Magnus. Umayos ito ng upo at inilapat ang likuran sa sandalan ng upuan. “Kaya ba ilang araw mo na akong hindi pinapansin ay dahil iyon kay Lady Seren?”

“Ano bang sinasabi mo?”

“You saw us in the library, didn't you?”

Nang maalala iyon ay bigla na lang umigting ang panga ni Cassian. Kung bakit naman kasi pinaalala pa ni Magnus ang nakita niya. Balak niya na nga sana iyong ibaon sa limot. Hindi niya kasi maipaliwanag pero may bagay na sumasakal sa puso niya kapag naalala iyon.

Isa pa iyon sa pumupigil sa kaniya para lapitan si Seren. Malinaw naman na si Ohru ang dahilan ng paglayo niya sa dalaga pero nitong nakaraan nakita niya na kasama nito si Magnus. Nakita niya rin ang tangkang paghalik ng dalaga sa kapatid kaya may galit na namutawi sa kaniya.

Bakit si Magnus at hindi na lang siya? Bakit mas pinipili ni Seren ang ibang lalaki bukod sa kaniya?

Is he not worth it?

“What if I did? Would you explain yourself then? May pakakasalan ka na, kaya bakit hinahayaan mo si Lady Seren na umasa sa'yo?” He clenched his teeth.

Kung ibang tao lang ang nasa harapan niya ay baka sinapak niya na ito dala ng inis niya.

“It's not what you think it is. Isinauli ko lang iyong kwintas na napulot ko kay Lady Seren at gusto niyang magpasalamat sa akin. That's it.”

“By kissing you? Psh!”

“Did she kissed me? Nakita mo ba na lumapat ang labi niya sa labi ko?”

“I know what I saw. She tried to kiss you.”

“Did she? Why don't you ask her that?”

“Whatever...” Tumayo na si Cassian.

Si Magnus naman ay sinundan siya ng tingin. “Akala ko nga nung una ay ganoon. But thinking about it right now, I don't think that she had the intention to kiss me back then. I mean, she changed a lot. She stops following me like before. She even stops bothering Lady Elizabeth. She really doesn't like me, or should I say love me. So why whould she kiss someone that she didn't have feelings at all?”

Ewan. Hindi niya alam kung bakit iyon sinasabi ng kapatid niya ngayon. Parang kailan lang ay kontra ito sa paglapit niya kay Lady Seren, kaya bakit parang pabor na ito ngayon?

Does that mean? He was serious to Lady Elizabeth now?

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

Sa dami ng papel na ipinatong sa mesa ng tauhan na pumasok sa kwarto niya ay napabuga na lang ng hangin si Alecxie. Iyon na ang sinasabi ng mga magulang ni Seren na mga aplikasyon. Bawat papel ay may mga naka-drawing na larawan ng lalaki, kasama na ang mga hilig at achievements ng mga ito. Pati na rin ang katayuan nila sa buhay. Para iyong profile na may piling impormasyon.

Sa taas niyon ay talaga namang mauubos ang oras niya sa pagbabasa. Tinitingnan niya pa lang ay napapagod na siya.

Gagawa ba siya ng thesis? Bakit kailangan niyang maranasan ang bagay na iyon? Isa pa, hindi man lang ba naisip ng parents ni Seren na kagagaling niya lang sa sakit?

Dapat nagpapahinga pa siya. Baka mamaya ay mabinat pa siya.

Kailangan niya ba talagang gawin iyon? Pakakasal ba talaga siya sa lalaking hindi niya naman mahal?

Paano niya ba matatakasan ang bagay na iyon? If she was Seren tiyak nag ta-tantrums na ito, dahil si Magnus lang ang lalaking gusto nitong pakasalan.

Dapat ba siyang mag tantrums? Pero nakakatakot ang ama ni Seren. Kapag tinitingnan siya nito ay parang alam nito na ibang tao siya. Palagi na lang itong galit at mainit ang ulo. Nakakatakot.

“Ohru, are you there? Patulong naman oh.”

Speaking of Ohru. Ilang linggo na itong hindi nagpaparamdam sa kaniya. Nakalimutan na yata nitong magbasa. Baka na bo-bored na. Iyong pinakisuyo niya ay malamang na nawala na rin sa isip nito.

Where are you Ohru? Pinabayaan mo na ba ako?

Malungkot na ibinagsak ni Alecxie ang mukha sa lamesang kahoy na nasa harapan. Hindi pa man siya nagsisimula sa pagbabasa ay parang pagod na pagod na siya. Dapat talaga nagpapahinga pa siya e.

“Nakausap ko na ang ama mo. Pumayag na siya sa ipinaalam mo.”

Napabalik sa maayos na pagkakaupo si Alecxie nang marinig ang boses ng ina ni Seren mula sa likuran niya. Sa labis na tuwa ay nayakap niya ang ginang na ginantihan rin siya ng yakap.

“Talaga po? Pumayag na si ama na umalis kami ni Mattie?” paninigurado pa ni Alecxie habang lumalayo sa ginang.

“Oo. Pero gusto niya na pagbalik mo ay may ibibigay ka ng mga pangalan sa kaniya. Kahit paano ay gusto ng ama mo na ikaw ang pumuli ng pakakasalan mo kaya naman sana mag desisyon ka ng maaga. Alam mo naman ang ama mo, kapag nainip iyon ay tiyak basta na lang iyon magtuturo.”

“Okay. Salamat po.”

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon