“Ano? Welcome party? Seryoso?” Hindi makapaniwalang tanong ko habang tinatanggap ang inaabot na imbitasyon ni Elisa.
It was an invitation from the Queen. Gusto raw ako nitong i-welcome bilang consort ng Hari. Actually it was part of the routine of being the King's consort. Ayaw man ng Reyna ay kailangan nitong maghanda ng isang welcome party para sa akin. I was part of the empire now, the third person who has power in this palace.
Mababa lang ako ng kaunti kay Margareth pero kahit paano ay may kapangyarihan na rin ako.
“Yes, my Lady. Darating daw ang ilang noble Lady mula sa iba't ibang pamilya.” Elisa explained.
Do I have to go?
Tumingin ako sa mga bulaklak na nasa malapit lang. I was at the gazebo, here in my garden. I am here to drink some tea at mag relax pero ito naman ang mang-iistorbo sa akin.
An invitation to welcome me in this place where I am not welcome. Kalokohan!
I smell something fishy. I knew Margareth, very well. For sure she has some kind of evil scheme at this party.
If I didn't go to this welcome party, I am sure sisiraan ako ni Margareth sa mga taong naroon. She is going to spread rumors about me. Katulad ng palagi niyang ginagawa. She will ruin my name so I can be a villainess in everyone's eyes. So she will gain sympathy. Dadami ang kakampi sa kaniya.
Kung pupunta naman ako, siguradong may nakahanda siyang plano. Katulad ng tea party na inihanda niya noon. Baka balak niyang ipahiya na naman ako.
Kahit alin pa ang piliin ko ay parehong makakaapekto sa akin. I just need to pick the best choice for me.
Napakatuso talaga ng babaeng iyon.
Well, may tatlong araw pa naman ako para mag-isip kung pupunta ba ako o hindi. Kailangan ko iyong pag-isipan ng mabuti.
After I drink some tea, naisipan kong maglakad-lakad sa palasyo. Dahil gustong sumama ng mga tagasilbi ko ay naisipan ko silang bigyan ng bawat utos. Hindi sila makatanggi kaya sa huli, nagawa ko ang gusto ko.
I walk alone. Namamangha ako sa mga nakikita ko. The Palace is one big land. Sa dami ng mga bahay na hiwa-hiwalay na nakatayo sa loob ng palasyo ay hindi ko masabi kung alin at ano ang mga iyon. Maliban na lang sa kinaroroonan ng opisina ni Cassian. Doon sa event hall na pinagdausan noon ng announcement ng engagement nina Magnus at Elizabeth. Pati na rin ang lugar na ginanapan ng kasal namin. Iyong tatlo lang ang alam ko, maliban doon ay wala na.
“Nakakaawa ang mahal na Reyna ano? Akalain mo, hindi niya alam ang plano ng Hari na pagpapakasal. Tapos hindi pa dumaan sa tamang proseso ang pagkuha ng consort ng Hari.”
“Oo nga nakakaawa ang Reyna.”
“At alam mo ba kung ano pa ang nalaman ko ha, akalain mo bang naghahanda pa ngayon ang mahal na Reyna para sa pag welcome kay Lady Seren. Pagkatapos ng ginawa ng babaeng iyon, mukhang tatanggapin pa siya ng bukal sa loob ng Reyna.”
“Ang bait talaga ng Reyna...”
“Sinabi mo pa.”
“Sa tingin mo ba pupunta si Lady Seren sa inihahanda ng Reyna?”
“Ang kapal naman ng mukha niya kung hindi. Pagkatapos mag effort ng mahal na Reyna ay sasayangin niya lang iyon. Wow ha. Siya na nga itong bigla-bigla na lang susulpot dito eh, siya pa itong magmamalaki.”
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...