Mayamaya lang may dumating na mga tagasilbi sa kwartong kinaroroonan ko. Sinamahan nila ako sa tutuluyan ko.
Dinala nila ako sa isang bahay na triple ang laki sa condo ko. Mayroon iyong tanggapan at isang silid. Sa gilid ng bahay ay may hallway na patungo sa isang garden.
Nakakamangha.
“Kung may kailangan po kayo, Lady Seren ay tawagin 'nyo lang po ako. Ako po si Ana. Isa sa iyong personal na tagasilbi.”
“Ako naman po si Marta.”
“Ako naman po si Elisa.”
Halos sabay sabay na yumuko ang tatlong tagasilbi na kasama ko sa bahay na iyon.
Ang dami nila. Akala mo nama'y ang dami kong iuutos.
Pero sabagay... Nakita ko kanina, anim ang tagasilbi na kasama ni Margareth. Tatlo nga lang itong sa akin, kaya dapat pa yata akong mag demand kay Cassian. Aba.. Alangan namang magpatalo ako sa Margareth na 'yon.
Sampu. Sampu ang hihingin kong tagasilbi. Wala lang. Jamming jamming lang kami sa kwarto kapag wala akong iuutos.
Nang maisip ko iyon ay natawa ako sa sarili ko.
Of course I won't do that. Hindi sa bagay na iyon ko gagamitin ang kapangyarihan ko, kung mayroon man.
I can't believe what I just saw, kaya napatigil ako. Tumayo ako at lumakad patungo sa garden. To my surprise, I can see flowers in one color. The yellow tulips I loved. Nagkalat iyon sa loob ng garden.
How did Cassian know it was my favorite?
Noon pa man palagi ng ganito ang dala niya kapag nagbibigay siya sa akin ng bulaklak. Maybe he saw me looking at them when I first entered the Fordham garden in school. Nakakatuwa.
Mayroon din doong gazebo na may mga upuan at lamesa. Perfect iyong tambayan.
“Ang ganda...” I whispered.
“Nagustuhan 'nyo po, Lady Seren?” tanong ni Ana.
I nodded. Talagang nagustuhan ko kasi iyon.
“Alam 'nyo po ba na ang mahal na Hari mismo ang personal na nag-aalaga sa mga bulaklak na iyan. Tuwing umaga ay narito siya para tingnan kung wala bang namamatay sa mga nakatanim dito.” paliwanag ni Elisa.
I looked at her. “Really?”
“Ngayon, alam ko na kung bakit. Para pala ito sa inyo.” ngiti ni Elisa.
Ito siguro iyong sinasabi ni Argus na pinaghandaan daw ni Cassian. Siguro miss na miss niya na ako...
Naupo ako sa bench na nakita ko. Malayo pa iyon sa gazebo. Gawa iyon sa kahoy at may malambot na sapin. Mayroon din iyong bubong. Pagkatapos kong pumitas ng isang bulaklak ay isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan.
I smell the flower.
Habang nakapikit ay bigla kong naalala ang sinabi ni Cassian kanina.
“This is the real me, Seren. You can leave if you want to. Ayokong dumating ang oras na pati ikaw ay magawa kong saktan.”
He was giving me my freedom. Dapat sunggaban ko kaagad iyon pero hindi pwede. Hindi ko gustong iwan si Cassian. Not now. Ramdam ko kasi na kailangan niya ako ngayon.
I am sincere in helping him. Gusto kong tulungan na maging isang mabuti at huwarang Hari siya. And I also want to change his title as a King. Gusto kong sumunod ang mga tao sa kaniya hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa respeto.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...