Excited kong nilibot ang tingin sa buong villa na pansamantala naming tutuluyan ni Jetzon. We are on our honeymoon. After the wedding ay dumiretso na kami sa pagbi-byahe patungo dito sa isang private island resort na si Jetzon mismo ang pumili.
It was located in some parts of Visayas. Medyo malayo pero napaka worth it ng view.
Nakamamangha ang ganda ng tanawin sa lugar na iyon. Itong villa na ni-rent namin ay may infinity pool sa likod na bahagi. Kung saan tanaw ang dagat at kakahuyan sa ibaba. First time kong makapunta dito at masasabi ko na babalik ulit ako.
One week daw kaming mananatili dito para masulit ang bakasyon. Pero duda ako na bakasyon lang ang planong sulitin ng asawa ko.
Asawa ko...
Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maisip ang salitang iyon. Totoo na kasi ito. This time, talagang mag-asawa na kami ni Jetzon. And now, I know na ako lang ang kaniyang reyna at wala akong kahati sa kaniya.
"Gutom ka na ba asawa ko? Pahahatid na ba ako ng lunch?" tanong ni Jetzon mula sa loob ng villa.
Bahagya kong inikot ang ulo ko upang makita siya na patungo na sa gawi ko. Nang makalapit ay tumayo siya sa likuran ko at tsaka ako niyakap. Pagkatapos ay sumilip siya sa ibaba.
Mula sa kinatatayuan namin ay tanaw ang malawak na dagat sa ibaba. Kasama na ang mga punong nasa paligid. Sobrang nakare-relax iyong pagmasdan. Malamang ang tanawin na iyon ang dahilan kung bakit may kamahalan ang renta ng tinutuluyan namin.
"Ang ganda dito, ano?" aniko.
Nararamdaman ko namang ipinatong ni Jetzon ang baba niya sa balikat ko. Mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin. Halos manuot sa balat ko ang hininga niya na nagdudulot naman sa akin ng kakaibang saya.
"Yep. Pero wala pa ring tatalo sa ganda ng asawa ko." tila kinikilig nitong sabi.
Ewan pero simula ng makasal kami ay para itong sira na palaging binabanggit ang salitang 'asawa ko'. Kung mayroon man sa aming dalawa ang sobrang in-love, sa tingin ko ay siya iyon. I love him but I think, he love me even more.
Ramdam ko iyon simula pa noong una at hanggang ngayon. Kahit si Cassian pa siya o si Jetzon ay pareho lang ang pagmamahal na pinapakita niya.
I must be a very good girl, para maging mabuti sa akin ang langit. Having him is the best gift I ever received. Aaminin ko, napaka swerte ko sa kaniya.
Kumalas ako sa pagkakayap ni Jetzon at humarap ako sa kaniya pagkatapos ipinalupot ko sa leeg niya ang dalawa kong kamay. Tapos nag pa beautiful eyes pa ako. "Sino ngang maganda?"
Inilapit naman ni Jetzon ang mukha niya sa mukha ko at pinagdikit ang mga ilong namin. Tapos muli niya akong niyakap. Wala siyang iniwan na espasyo sa pagitan namin kaya ramdam ko ang mabilis na pagtambol ng dibdib niya. Same as mine. Mukhang pareho lang na nagwawala ng sandaling iyon ang mga puso namin dahil sa labis na tuwa at sa pagmamahal.
"Hey lovers."
Sabay kaming napalingon ni Jetzon sa gawi ng nagsalita. Awkward kaming naghiwalay nang makita na naroon si Ohru.
"Hoy! Paano ka nakapasok dito?" tanong ni Jetzon dito.
Iyon din ang gusto kong malaman.
"Ang tapang nito ah. Parang hindi ko tinulungan ah..." Lapit ni Ohru kay Jetzon sabay akbay dito.
"Kailan pa tayo naging close?" Tulak naman ni Jetzon kay Ohru.
"Edi hindi close. Uhmmmpp..." Nguso ni Ohru sabay lapit naman sa akin.
Aakbayan sana ako nito pero hinila ako ni Jetzon palayo kaya napailing na lang si Ohru.
"Apaka damot naman neto." bulong ni Ohru pero sapat na iyon para marinig naming pareho.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...