“That necklace. You still have that?” Turo ni Ohru sa suot kong kwintas.
Hinawakan ko naman iyon at pinagmasdan. Yes I still have this. Iyong kwintas na may pendant na hourglass. Ibinigay iyon sa akin ni mama pagkagising ko. Ang sabi niya hawak ko daw iyon ng mailigtas ako.
“Yes.” tipid na sagot ko.
Nagkatinginan naman sina Emit at Ohru.
“Have you already met your soulmate, Alecxie?” sunod na tanong ni Ohru.
I shook my head. “No need. Wala na akong pakialam sa taong iyon.”
“No. You should find him.”
“Why?” kunot-noong tanong.
“Because the necklace was still here.”
Lalo lang dumami ang kunot na nakaguhit sa noo ko. Naguguluhan na kasi ako sa mga pinagsasabi ni Ohru. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto niyang ipunto.
“So? Dapat ba nawala ito?”
“Yes. Dahil kusa iyang maglalaho oras na tapos na iyan sa inyo.”
“Huh?”
“Kapag nag meet na ang mag soulmate at hindi nagkamabutihan o nagkamabutihan man. That necklace will be gone. Pero nasa iyo pa iyan. So it means na hindi pa tapos ang hourglass sa inyo. May chance pa kayo ng soulmate mo.” tila excited namang sabi ni Ohru.
Bigla pa nga itong tumayo at inilapag sa lamesa ang hawak na kutsara. “I will find him for you.”
“Huwag na. Ayoko na rin siyang makilala.” aniko.
“What if... Cassian was your soulmate?”
Iyon na naman. When I heard that name ay nabuhay na naman ang sakit na pinipilit ko ng tabunan ng kung anu-anong gawain.
The worst feeling isn't being lonely. It's being forgotten by someone you would never forget.
I made myself busy para lang hindi maisip iyon. Tapos ngayon ay ipapaalala lang iyon ni Ohru.
Ang lalaking ito talaga.
“Alam naman natin kung sino ang soulmate ko hindi ba. It was Magnus. Hindi ba't sa kaniya ko nakuha ang kwintas. Siya rin ang nagligtas sa akin sa lawa. Please... Don't give me false hope Ohru.” Walang gana akong tumayo. At tinalikuran ko na sina Ohru at Emit.
Wala na ako sa mood na makipag-usap. Ayokong umasa dahil tiyak na mas matatagalan lang ang magiging pagluluksa ko. Gusto ko na ring mag move on.
Dumiretso ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama.
I need to be more busy. Dahil kapag ganito ay pumapasok pa rin sa isip ko si Cassian. I need to go back to the life I used to live.
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
“Alecxie... Totoo nga, gising ka na.” excited na salubong sa akin ni Fiona.
He sounds excited but I don't believe that she is. Honestly. May excited ba na hindi man lang nakadalaw sa ospital nang magising ako?
Yayakapin sana ako Fiona pero inilagan ko siya. Tuloy-tuloy akong pumasok sa condo ko, na parang hindi siya nakikita roon.
Ang sabi ni Ronnie ay si Fiona daw muna ang gumagamit ng condo ko habang wala pa ako. What a clever girl. Hindi lang mang-aagaw. Manggagamit rin.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...