“Aba, ganiyan rin kami noong bagong kasal nitong asawa ko. Halos ayaw maghiwalay. Nakikita ko sa mga mata ninyo na mahal ninyo ang isa't-isa. Sana magtagal ang pagsasama ninyong dalawa.”
Ngiti lang ang naging tugon ni Cassian sa sinabi ni Dorothy. Simula kanina, hindi nawawala ang ngiti na nakapaskil sa labi nito. Parang ang saya saya nito sa set up nila. Gustong-gusto ata na tinatawag na asawa niya.
Sa totoo lang ay gusto niya rin iyon. Pakiramdam niya ay naglalaro sila ng bahay-bahayan ngayon. Na miss niya nga talaga ang binata.Pagkatapos ng masayang hapunan ay dinala na sila ng mag-asawa sa kwartong bakante. Madalas daw na may naliligaw sa kagubatan at natatagpuan ang tirahan nila kaya palaging nakahanda ang silid na iyon.
Mabait ang mag-asawa. Halata na nagmamahalan talaga sila. Kahit matatanda na ay makikita mo pa rin ang malasakit nila sa isa't-isa. Magaganda na ang buhay ng mga anak nila pero pinili nila na manirahan sa lugar na iyon dahil mahalaga sa kanila ang memoryang hatid ng bahay na iyon. Doon kasi sila nagkakakilala na dalawa. Sa totoo lang, ang cute ng kwento nila.
Nang silang dalawa na lang ni Cassian sa kwarto ay dumiretso na sa kama si Alecxie. Ang daming nangyari ng araw na iyon kaya naman gusto na niyang magpahinga.
“Teka, saan ka pupunta? Hindi ka pa matutulog?” sita niya kay Cassian nang makita na lalabas pa ito.
Tumingin ito sa gawi niya. Parang bigla itong nailang sa presensiya niya.
“Ah... H-hindi pa kasi ako inaantok. S-sige na. Magpahinga ka na. Alam ko naman na napagod ka. Lalabas lang ako at magpapahangin.” pagdadahilan ni Cassian.
Halata naman na umiiwas lang ito na magkasarilinan sila. Bumalik na nga talaga ang Cassian niya. Ganito kasi ito noon sa kaniya. Kapag nagpapaliwanag ay nauutal pa na parang hindi alam ang sasabihin.
“Please stay...”
“H-ha?”
Oo nga pala. Hindi pa ito gamay sa salitang english. Nawala sa isip niya. Baka hindi nito alam ang sinasabi niya. Kaya tatagalugin niya na lang.
Mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo si Alecxie para lapitan si Cassian. Sinimulan niya itong hilahin patungo sa kama.
“Ang sabi ko huwag mo akong iwan dito ng mag-isa. Natatakot pa rin ako.” Tinulak pa niya pahiga ang binata.
“P-pero.”
Pagkatapos itong mapahiga ay hinila niya ang kamay nito at umunan sa balikat nito.
Haysss... Matagal na niyang gustong subukan ang bagay na ito. Ang malaman kung ano ang pakiramdam nang mahiga sa mga bisig nito. Now is her chance. Hindi niya ito palalampasin 'no.
“Salamat ulit sa pagdating mo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi ka dumating. Takot na takot talaga ako.”
Nanatiling tahimik lang si Cassian. Dahil gusto niyang makita ang mukha nito ay pumihit siya ng higa para harapin ito.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang makailang ulit na paglunok nito ng laway. Natutuyuan yata kaya hindi rin makapagsalita.
Pagkatapos siya nitong halikan kanina lang ay parang hiyang-hiya ito ngayon. Kaloka.
Speaking of halik. Napagawi ang tingin niya sa labi ng lalaki na kagat kagat nito.
Cassian kissed her.
Hindi siya nakaalis sa lugar na iyon kaya malamang na hindi ang binata ang soulmate niya. May dulot iyon na kaunting lungkot sa kaniya pero naisip niya na hindi naman iyon mahalaga. Ilang beses na siya nitong iniligtas kaya kahit hindi pa ito ang soulmate niya ay hindi niya ito planong layuan o ipagtabuyan katulad ng una niyang ginawa. Nagkamali siya sa bagay na iyon at pinagsisisihan niya iyon.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...