CHAPTER 74: Good Morning

1.9K 60 2
                                    

“Good morning.” Cassian greeted me.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko siyang nakaupo sa couch na nasa gilid ng kama ko. He was sitting there while looking at me. Naka di-kwatro pa ito.

Kanina pa ba siya doon? Pinagmamasdan niya ba ako habang natutulog? Why is he here at this hour?

Ang dami kong tanong na gustong isatinig pero hindi ako makapili ng sasabihin kaya sa huli para akong naputulan ng dila. I just froze there and watched him straight.

Mayamaya tumayo si Cassian at lumakad palapit sa akin. Umupo siya sa gilid ng kamang inuupuan ko. Pagkatapos ay pinanliitan niya ako ng mata na parang may nagawa akong masama sa kaniya na gusto niyang ipabawi sa akin.

“Hindi ka man lang ba mag go-good morning sa akin ha? Hindi mo talaga alam ang salitang paggalang ano?” sermon niya.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo dit—”

Isang mahinang pitik sa noo ang nakapagpatigil sa pagsasalita ko. Agad akong napasimangot. Ang mga kilay ko ay bigla na lang nagsalubong, pero halata namang walang pakialam doon si Cassian na nakipagtitigan lang sa akin na para bang tinatakot ako.

Tsk! Akala niya ata uubra siya sa akin. Porket isa na siyang hari ngayon.

“Let's start again. Good morning.” ulit niya.

I rolled my eyeball. “Alam mo ang aga-aga mong mambulabo—”

Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko nang muli akong pitikin sa noo ni Cassian. Asar kong hinaplos ang noo ko. Nakakadalawa na siya ah!

Asar! Ano ba ang akala niya sa noo ko?

“Good morning...” for the third time, he repeated.

Muli kong pinaikot ang eyeball ko.

Nakita kong pipitikin niya na naman sana ang noo ko kaya sinalubong ko na ang kamay niya na naka-angat sa hangin. I grab his hand and hold it real tight. Ibinaba ko iyon.

“Oo na. Wait lang. Aissst... Nakakaasar naman e.” pagsuko ko.

Ngumiti naman si Cassian. I can see how happy he is to hear that coming from me.

“Good morning.” Cassian repeated.

“Good morning, Cassian. Good morning, Kamahalan. Kataas-taasang, kagalang-galang na mahal na Hari—”

Napamulagat na lang ako at muli akong napatigil sa pagsasalita. This time it was not Cassian's finger that stopped me from talking. It was his lips. He covers mine with his.

Sandali lang iyon. Pero nang maghiwalay ang mga labi namin ay para akong nakaramdam ng hiya at nakagat ko ang labi ko.

Is this his new hobby now? Kissing an innocent girl.

I blushed thinking of that. Patuloy lang ako sa mahinang pagkagat sa labi ko dahil pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti.

“See you later on the Empire Palace, Milady.” he added. Bago tumayo ay hinalikan niya pa ako sa noo. Nakita ko rin ang pag ngiti niya bago tumalikod.

Ang saya ng loko oh. Porket naka isa lang.

I touch my lips. Kahit wala na roon ang labi ni Cassian ay parang nararamdaman ko pa rin iyon. Weird, dahil ang pakiramdam ko ay first time ko pa lang na mahalikan.

After Cassian left the room, mayamaya lang ay pumasok na ang ilang tagasilbi. Ang dami nila. Humilera sila sa harapan ko. At in-sync na nag bow.

“Lady Seren, nandito po kami para pagsilbihan kayo ngayong araw.” halos sabay sabay nilang sambit.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon