“Basta. Gusto ko lang naman na mag-ingat ka.” Talikod na ni Elizabeth.
Napakunot na lang ang noo ni Alecxie habang pinagmamasdan ang paglayo nito.
Ano ba iyon? Concern ba ito sa kaniya? Or she was just playing tricks on her?
Alam niya naman na mabait ang character na si Elizabeth, pero hindi ba iyon pwedeng magbago? Dahil nagbabago na ang kwento ay posible rin na nagsisimula na nitong mabago ang pagkatao nito.
Hay ewan! Malapit na siyang maloka.
Kasalanan itong lahat ng pagdating ni Margareth e. Sino ba kasi ito? Bakit bigla na lang itong dumating?
Napabuga na lang ng malalim na hininga si Alecxie. She was tired. Kanina pa punong-puno ng kung anu-anong isipin ang utak niya kaya gusto na rin niya munang magpahinga.
Habang naglalakad palabas ng green house si Alecxie ay isang lalaki ang nakatawag ng pansin niya. Dahil sa kulay abuhin nitong buhok ay napalingon siya dito. Naroon rin ito sa loob ng green house. Nakaupo ito sa ilalim ng isang mataas na punong lampas sa bubong na salamin. Pinaglalaruan pa nito ang kamay na tila si Sipderman na nagpapalabas ng sapot mula roon. Halatang stress ito sa ginagawa. Mula sa pwesto niya ay rinig niya ang paminsang pagmumura nito.
“Ohru?”
The guy in the bar? Siya ba talaga iyon? Hindi nagbago ang mukha nito kaya nakilala niya.
Dali-daling lumakad si Alecxie patungo sa kinaroroonan ng lalaki. Buhat ang dulo ng kaniyang damit ay mabilis siyang humakbang upang lumapit dito. Nang makatayo na siya sa harapan ng lalaki ay halos lumuwa ang mga mata niya nang makitang si Ohru nga iyon. Nakasuot rin ito ng kasuotan na katulad ng mga sa lalaki. In fairness, mas lalo itong naging gwapo dahil doon. Para itong prinsepe. Kung hindi niya nga lang ito kilala ay baka naging ilag siya dito dahil na rin paniguradong iisipin niya na mula ito sa maharlikang pamilya.
“Ikaw nga!” Duro ni Alecxie sa mukha ng lalaki.
Nagtataka itong napaangat ng tingin nang marinig ang sinabi niya. Ganoon na lang ang gulat nito nang makita siya. Doon palang ay alam na niyang tama nga ang hinala niya. It was really Ohru, dahil nakilala siya nito, base sa ekspresyong nakapaskil sa mukha nito.
“Alecxieeeee...” Bahagya pang garagal ang tinig ni Ohru.
Nakilala siya nito kahit iba na ang mukha niya. Does that mean na alam nito ang nangyayari sa kaniya?
Tuwang-tuwa itong tumayo para yakapin siya. Sa gulat ay hindi siya kaagad nakapag react. Pero, hindi naman sila close kaya nagtataka siya kung bakit parang ang saya-saya nito na nakita siya.
“Ano ba! Makayakap ka naman.” tulak ni Alecxie sa binata na agad namang napasimangot.
Nang maglayo ang mga katawan nila ay doon niya napansin na parang kagagaling lang nito sa pag-iyak. Bahagya pa kasing namumula ang sulok ng mga mata nito. Bakas rin sa mukha nito na wala itong maayos na tulog. Bahagya kasing nanlalalim ang mga mata nito.
“Ikaw ang dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na ito, hindi ba?” tanong ni Alecxie.
Agad namang tumango si Ohru at tumitig sa kaniya ng malungkot.
“It was because of that hourglass pendant, right?”
Muling tumango si Ohru bilang tugon sa tanong niya.
“Wait, patay na ba ako? Kaya ako napunta sa katawan ni Seren ay dahil kaluluwa na lang ako? Na reincarnate ba ako para bigyan ng pagkakataon na mabuhay? Tell me, I wanted to know.”
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...