“Totoo ba? Pinagtripan na naman ni Lady Seren si Lady Elizabeth?”
“Oo. Iyon ang balitang nakarating sa akin.”
“Sa tingin ko, hindi na talaga magbabago si Lady Seren. Napakasama ng ugali.”
“Kung gaano kaamo ang mukha niya ay kabaliktaran naman ang pagkatao niya. Nakakasuka.”
“Ang akala ko pa naman totoong titigilan na niya si Lady Elizabeth.”
“Baka bagong drama niya na naman iyon. Kunyari mabait na siya pero ang totoo, humahanap lang siya ng pagkakataon.”
Napabuga na lang ng hangin si Alecxie habang pinakikinggan ang mga bulungan ng ilang estudyante patungkol sa kaniya at kay Elizabeth.
Hindi niya alam kung ano na naman ba ang nagawa niya at parang masama na naman ang tingin sa kaniya ng lahat. Like the usual Lady Seren was.
Naging maayos naman ang pag-uusap nila ni Elizabeth kanina, kaya bakit may ganito na namang issue?
Naiinis na humakbang si Alecxie. Gusto niya sanang linisin ang pangalang niya kaya naman gusto niyang malaman ang problema. Gusto niyang tanungin ang tatlo patungkol sa pinag-uusapan nila.
Pero bago pa siya makalapit sa mga babae ay isang kamay ang pumigil sa kaniya. May humawak nang mahigpit sa braso niya. Nang tingnan niya kung sino ang may gawa niyon ay ang maamong mukha ni Cassian ang nasilayan ng mga mata niya.
Umiling-iling ito na parang pinipigilan siya at sinasabi na huwag niyang gagawin ang plano niya. Siguro naiisip nitong hindi iyon magdudulot ng maganda kaya nababakas niya sa mukha nito ang pag-aalala.
Sinimulan siyang hilahin ni Cassian palayo sa lugar na iyon. Doon siya nito dinala sa garden kung nasaan ang lawa. Iyong lawa na naging portal niya para makarating sa lugar na iyon.
“Kung anuman ang sasabihin mo, maniniwala ako sa'yo.” pagbubukas ng usapan ni Cassian.
Ano bang sasabihin niya? Tungkol ba ito sa issue nila ni Elizabeth?
“Ano ba ang balitang nakarating sa'yo?” Tigil ni Alecxie sa paglalakad.
Dahil doon ay napilitan ring tumigil si Cassian. Humarap ito sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata.
Para siya nitong binabasa. Nakikita niya rin sa mga mata nito ang pag-aalala.
“Sinaktan mo daw si Lady Elizabeth, kanina lang. Tinulak mo siya kaya natumba siya. Tumama ang paa niya sa pintuan kaya hanggang ngayon ay hindi siya makalakad ng maayos.” kwento ni Cassian.
Iyon ba talaga ang ginawang kwento ni Elizabeth sa lahat? Seryoso? Akala pa naman niya ay ayos na sila?
Peke lang pala ang mga ipinakita nito kanina.
At ano? Hindi pa daw ito makalakad? Grabe. Siya naman iyong tatanga-tanga tapos sa akin iyon isinisisi.
Hindi kapani-paniwala. Kunwari mabait kapag nasa harapan niya. Nungka, kapag wala na siya ay kung anu-ano naman ang ipinagkakalat nitong kwento.
Parang kontrabida lang ang peg nito. Siya dapat ang mabait kaya bakit sinisira niya ang sarili niya ngayon?
“Hindi totoo iyon.” matigas na sambit ni Alecxie. “Siya ang may gawa niyon sa sarili niya 'no. Natalisod siya sa may pintuan at nabitiwan niya ang mga librong dala niya. That's what happened. Tinulungan ko na nga siyang makatayo tapos ako pa rin ang masama ngayon? Edi wow. Grabe. Napaka ipokritang babae.” sabay reklamo niya.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...