Ayaw sana ni Alecxie na makaharap si Lady Elizabeth dahil tiyak siyang magkaka-issue na naman sila kapag nagkataon pero hindi naman sumasang-ayon sa kaniya ang kwentong iyon kaya naman heto. Naging partner pa sila ngayon para sa isang assignment. Kailangan nilang magtulungan sa paggawa niyon kaya naroon sila ngayon sa silid-aklatan para mag research.
Literal na bumalik siya sa pagiging estudyante na kailangang magbasa at mag review para tumaas ang marka. Nagmumukha kasi siyang bobo. Ang daming tanong ng guro nila kanina na hindi niya masagot dahil na rin hindi niya iyon alam. Mukhang kailangan niya tuloy pagtuunan iyon ng pansin.
Ang sabi pa naman sa kaniya ni Mattie ay kailangan niya munang mag exam bago matanggap doon sa paaralang nahanap nito para sa kaniya. Baka mapahiya lang siya at hindi siya makapasa kaya naisip niyang manatili muna sa Steren Endowed School. Tutal naman ay mukhang nagbabago na talaga ang kwento. Sa tingin niya safe na ang pananatili niya roon basta hindi lang siya makikisawsaw sa relasyon nina Elizabeth at Magnus.
“Pasensiya ka na Lady Seren. Hindi ko talaga alam kung sino ang nagpasimula ng balitang kumakalat patungkol sa ating dalawa, pero huwag ka ng mag-alala dahil itinatama ko ang mga iyon. Sinasabi ko sa kanila ang totoong nangyari, kaya sana huwag mo na iyong isipin pa.”
Ano na naman ba 'to?
Nagbabait-baitan na naman ang bruha. Talagang plano ata nitong gawin siyang isang tunay na kontrabida. Napaka plastik e. Bait-baitan na naman dahil dalawa lang sila ngayon.
As if naman madadala pa siya sa ganitong pag-arte.
“Hay, ano ka ba. Kalimutan mo na lang iyon. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan tayong dalawa. Bahala na ang iba na gumawa ng kwento. Pasasaan ba at lalabas din ang katotohanan. Ang sabi nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag. Sooner or later mangangamoy din ang baho na nagtatago sa katawan ng isang bulok na tao.”
Sinadya niyang sabihin iyong huli bilang pagpaparinig na rin sa dalaga. Ewan niya lang kung tatablan ito.
“Tama ka nga.” Ngiti ni Elizabeth.
Mukhang nagkukunwari itong hindi naapektuhan sa sinabi niya. Kunyari hindi tinamaan. Galing umarte.
“Just forget about it. Halika na at gawin na natin ang takdang-aralin natin. Iyon naman ang ipinunta natin dito sa silid-aklatan, hindi ba?” pag-iiba na lang ng usapan ni Alecxie.
Ayaw niyang maging hindi komportable ang pagsasama nila ngayon dahil baka hindi lang nila magawa ng maayos ang assignment nila, kaya hangga't maari ay ayaw niyang pag-usapan ang anumang bagay na makasisira sa mood niya.
Siguro mas mag-iingat na lang siya. For all she knows, naghihintay na naman ng pagkakataon itong si Elizabeth para sirain siya.
Nang matapos na ang kailangan nila sa library ay nagpaalam kaagad sa kaniya si Elizabeth. Hindi na niya pinansin ang excuse nito, since wala rin naman siyang pakialam dito. Basta marami pa daw itong gagawin kaya nagmamadali na itong umalis. Ewan.
Nang mapag-isa ay naisipan ni Alecxie na mag-ikot ikot muna sa silid-aklatan. Hindi naman siya gaanong mahilig magbasa; sakto lang. Pero dahil nga wala namang mapaglilibangan sa lugar na iyon ay naisipan niyang humanap ng aklat na pwedeng paglaanan ng oras kapag bored siya.
Sa paglalakad ay isang bulto ng lalaki ang nakapagpatigil sa kaniya. Naroon siya sa pinakabukana ng isang pasilyo habang ang lalaki naman ay nasa kabilang dulo. May kinukuha itong libro kaya hindi nito ramdam ang presensiya niya. Tahimik niya lang itong pinanood. Bahagyang madilim sa gawi nito kaya hindi niya makita ang mukha nito pero sa hinuha niya ay kilala niya ang lalaki kaya naman inintay niya na humarap ito sa gawi niya upang mas mamukhaan pa ito.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...