CHAPTER 59: How He Fell

1.9K 63 4
                                    

Napatingin si Magnus sa tauhan na nakaupo sa kaniyang harapan nang maramdaman ang pagtigil ng sinasakyan nilang karwahe. Binabagtas nila ng mga sandaling iyon ang pamilihin. Patungo sila sa bahay nina Elizabeth upang bumisita sa dalaga.

Kung kailan pa naman nagmamadali ay tsaka may kaguluhan sa daraanan nila.

“Teka, bakit tayo tumigil?” tanong niya.

Agad na binuksan ng kaniyang tagasilbi ang bintana ng karwahe para makasilip sa labas at alamin ang naging dahilan ng pagtigil nila. Pero dahil hindi makapag-intay ay binuksan niya na rin ang bintanang nasa gilid niya para makita mismo ng mga mata ang nangyayari.

“Mukhang may mga nakawalang hayop.” sambit ng tagasilbi niya.

Hindi makapaniwalang napatitig si Magnus sa isang babae na kasama ng ilang nanghuhuli sa mga nakawalang manok. Tumatakbo ito na parang walang pakialam sa mga putik na dumikit sa balat at suot nitong damit. Her hair was a little bit messy. Pawisan na rin ang noo nito, but it looks like she isn't bothered by it.

She looks so happy. She was running around and following those chickens. Para lang itong naglalaro.

Nang makahuli ng isa ay tila nagbubunyi pa nitong itinaas ang hawak. She was like a child having the best day ever.

And her smile. It caught his whole attention.

Kailan niya ba huling nakita ang ganoon katamis na ngiti nito? It was genuine.

Nang maramdaman ni Magnus na nagsimula na ulit umandar ang sinasakyan ay parang ibig niya pang tumutol. He was enjoying watching Seren's that time. Kung pwede lang, panoorin niya ito maghapon.

That day.

It changed everything.

“Bakit mo ako gustong makausap, Prince Magnus?”

Bumalik sa tamang wisyo si Magnus nang marinig ang boses ni Elizabeth. Naupo ito sa harapan niya. Pinatawag niya ito para sabihin ang napag desisyunan niya. But while looking at her. Parang hindi kayang sabihin ng bibig niya ang laman ng utak niya.

He still has doubts.

Tila naglalaban parin ang isip niya. He was not that sure if Seren was the best choice for him.

Ano ba talaga ang nararamdaman niya sa dalaga?

Dati siguradong sigurado siya sa nararamdaman niya para kay Lady Elizabeth. But after seeing Seren on that market, she realizes something. She also likes her. Or she loves her too?

Gusto niyang paniwalaan na sa isang tao lang titibok ang puso niya pero ngayon naguguluhan na siya.

Lady Elizabeth was too good to be true. Napakabuti ng puso nito. Ito ang taong palagi na lang nariyan para damayan siya. She was his first love.

But Seren. She always does things in her own ways. She's unpredictable. Recently she changed a lot. Kung dati ay palagi lang itong nakabuntot sa kaniya, ngayon ay hindi na niya ito mahagilap. He kinda misses her presence.

He tried to be with her sometimes pero dahil kay Cassian ay hindi niya magawa.

Until he heard the news about Cassian's wedding. Alam niyang pagkakataon na niya iyon na makalapit muli kay Seren, pero tila may pumipigil pa rin sa kaniya.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon