CHAPTER 23: Main Characters Dilemma

5.4K 184 3
                                    

“Grabe, ang gwapo ni Prinsepe Cassian ano?”

“Oo nga. Hindi ko nga akalain na may kapatid pala si Prinsepe Magnus na kasing gwapo niya.”

Tama nga ang hula ni Alecxie. Mukhang mag-aaral na nga roon si Cassian. Mukhang alam na rin ng mga tao ang pagiging magkadugo nila ni Magnus. Which is nakapagtataka.

Paano naman kasi iyon nangyari, gayong ayaw nga ng hari na ipaalam na may anak siyang katulad ni Cassian.

“Pero napansin mo ba ang kulay ng mga mata niya? Magkaiba ang mga iyon, hindi ba?”

“Dahil sa mga matang iyon, kaya siguro siya itinago ng kaniyang ama.”

“Ano ba ang problema sa mga mata niya? Ang ganda ngang tingnan ng mga iyon e.”

“Ano ka ba. Ang sabi kasi ng ilan, ang taong may ganoong kulay ng mga mata ay magdudulot ng malaking pagbabago sa kaharian. Baka natatakot lang ang hari na mapasama ang nasasakupan niya.”

“Ganoon?”

Parang tsismosa lang na palihim na nakikinig si Alecxie sa mga kaklase niyang nag-uusap. Tamang-tama dahil wala pa ang unang guro nila ay may pagkakataon pa na mag maritesan ang mga ito. At dahil gusto niya ring malaman ang latest na issue ay talagang pinipilit niyang ibukas ng maayos ang mga tainga niya.

Pero oo nga...

Paanong nangyari na hinayaan ng hari na pumasok rin sa paaralang iyon si Cassian? Siguradong iyon ang pinakahuling hahayaan nitong mangyari. Ayaw na ayaw kaya nitong may makaalam na may anak itong isinumpa; that's what he called him.

Ano kaya ang nangyari?

Curious talaga siya kaso hindi niya alam kung paano iyon aalamin. Imposible namang sabihin ni Cassian ang ginawa nito. Pero malakas ang pakiramdam niya na may matindi itong ginawa para lang mapapayag ang ama.

Mabilis na umangat ang ulo ni Alecxie nang matanawan na may mga paang pumwesto sa harapan niya. Hindi niya alam ang mararamdaman niya nang makitang nakatayo roon ang lalaking iniisip niya lang. Bigla tuloy tumahimik ang paligid nila. Lahat ng mata ng mga estudyante naroon ay napunta na nasa kanilang dalawa ni Cassian. Malamang nagtataka ang mga ito kung ano ang ginagawa roon ng prinsepe.

Pero hindi lang naman sila ang nagtataka. Maging siya ay napapaisip rin kung ano ba ang ginagawa doon ng binata.

“P-Prinsepe Cassian—” Hindi pa natatapos ni Alecxie ang sasabihin niya nang hawakan ni Cassian ang kamay niya at sinimulan siya nitong hilahin palabas ng classroom.

Nalilito man ay nagpatianod na lang siya. Ayaw niya naman kasing magwala at baka masamain iyon ng binata. Hangga't maari ay gusto niyang maging mabait dito dahil na rin sa pakay niyang pagliligtas dito.

Kaya lang. Paniguradong isang malaking issue ang ginawa nito. Lalo pa't ito ang topic ng buong klase nila. Baka isipin ng mga kaklase nila na may relasyon sila.

Dinala siya ni Cassian sa isang kwarto na walang laman maliban sa mga gamit na pang musika. Para iyong music room. Mayroong eleganteng piano sa isang sulok at may mga nakaayos na iba't ibang instrumento naman sa kabila. Ang daming gamit na pang musika ang naroon pero hindi naman niya alam gamitin. Hindi naman kasi siya isang musician, pero gusto niyang maging.

May binili nga siyang piano na halos kasinlaki ng naroon pero idinisplay niya lang iyon sa condo niya. Wala naman kasi siyang time na mag-aral niyon. Masyado siyang busy kaya hindi niya iyon naharap. Gusto pa naman niyang matuto na tumipa ng keyboard.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon