The Villain
×××
Unti-unting lumapit sa kaniya si Cassian. Mula sa paglangoy ay naglakad ito ng mabagal sa tubig hanggang sa makarating sa mismong harapan niya.
Hindi alam ni Alecxie kung nakailang lunok ng laway na ba siya habang hindi nililihis ang tingin sa katawan at mukha nito. Pakiramdam niya kasi kung hindi niya iyon gagawin ay tiyak na tutulo iyon sa labi niya.
Cassian was a god. Hindi niya alam na ganito pala ito ka-gwapo. He has light brown hair. Ang walang buhay nitong mga mata ay tila nagpapakita ng kakaibang lungkot. Tila humihingi iyon ng tulong at nagsusumamo.
Katulad ni Magnus ay maroon din itong mahabang pilikmata. Malamang, dahil magkapatid sila. Pero si Cassian ay hindi ganoong sikat katulad ni Magnus dahil palagi lang itong nasa likuran lang ng kapatid. Ni hindi nga ito ipinakilala sa madla bilang anak ng mag-asawang Fordham, katulad ng ginawa nila kay Magnus.
Ito iyong character na hindi gaanong binigyan ng atensyon ng manunulat pero nagdulot ng malaking impact sa kwento.
“Maaari ba?” tanong ni Cassian. Buong-buo ang tinig nito dahil na rin sa may kalakihan niyong Adam’s apple.
Pasimpleng nakagat ni Alecxie ang pang-ibabang labi. Nakatayo ngayon sa harapan niya ang lalaki at halos ingudngod na nito sa mukha niya ang maganda nitong katawan kaya ano ba naman iyon sa kaniya. No big deal. Hindi naman siya nate-tempt na hawakan iyon.
Hay sino ba ang niloloko niya.
Cassian was standing in front of her. In flesh. Paano niya ito hindi gugustuhing hawakan.
Nang oras na iyon ay para siyang fan na gustong mayakap ang artistang paborito niya. Pinipigil niya lang ang sarili dahil alam niyang hindi iyon tama. Sa panahong iyon ay hindi normal ang pagyakap ng isang babae sa isang lalaki.
“Milady.” Marahang ibinaba ni Cassian ang tingin sa paanan niya.
Napayuko tuloy si Alecxie. Doon niya lang napagtanto ang nais nito, kanina pa. Pinaaalis pala siya nito sa pwesto niya dahil natatapakan niya ang damit nitong hinubad nang maligo.
Mariing napapikit si Alecxie. Ramdam niya ang pagkapahiya. Awkward tuloy siyang ngumiti sa binata.
“Pasensiya na.” Mabagal siyang umalis sa kinatatayuan.
Iyon nga lang, aksidente siyang nawala sa balanse dahil pabilog ang batong natapak niya. Mabuti nalang at mabilis na kumilos si Cassian na agad nahawakan ang bewang niya at hinila siya. Tuloy ay tuluyang nagkadikit ang mga katawan nila.
Tama. Nasa isang novel nga siya. Paano’y nagiging romantic ang lahat sa lugar na iyon.
At heto naman siyang nakararamdam ng kilig.
Oo. Ramdam niya ang biglang pagbilis ng pagpintig ng puso niya.
“S-salamat.” Nahihiyang lumayo si Alecxie sa lalaki.
Pinanood niya ito sa pagkuha nito ng damit at pagsusuot niyon. Kung may makakakita lang sa kaniyang babae ay iisipin na manyak siya. Lalo pa at naroon sila sa makalumang panahon na iyon. Pero, wala naman siyang ginagawang masama kaya bakit siya mahihiya? Isa pa, sino ang hindi makatitiis na titigan ang ganito kagandang nilalang?
Although may pagkakahawig sila ni Magnus ay mas lutang ang kakisigan ni Cassian dahil mas matured ang itsura nito kaysa kapatid. Malamang, dahil siya ang kuya.
“Ano ba ang ginagawa mo dito sa kakahuyan? Naliligaw ka ba?” tanong ni Cassian habang isinusuot ang sapatos nitong malapit ng umabot sa tuhod.
Ano ba ang sasabihin niya. Hindi niya iyon naisip kanina. Basta ang alam niya lang ay kailangan niyang pigilan ang pagkikita ng dalawa. Hindi na niya naisip ang pwedeng mangyari.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...