KABANATA 2

10.2K 220 15
                                    

Hourglass Pendant

×××

Malungkot na napatunghay si Alecxie sa madilim na kalangitan. Dapat ay nagce-celebrate siya ngayon dahil sa katatapos lang niyang project pero mag-isa lang siya. Busy ang boyfriend niya at ang nag-iisa niyang kaibigan na si Fiona ay hindi niya naman matawagan; dahil nakapatay ang telepono nito. Parang ang bigat tuloy ng dibdib niya.

Napatingin siya sa cake na nakapatong sa lamesang malapit lang sa pwesto niya. Dala iyon ni Kate kanina. Katulad ng palagi nitong ginagawa kapag may mga bagong achievement siya. Palagi nitong pinakikita na masaya ito para sa kaniya.

Napaka plastic!

Muli niyang ibinalik ang tingin sa labas. Naroon siya sa veranda upang magpahangin pero pakiramdam niya ay hindi naman iyon epektibo. Mahaba pa ang gabi at hindi pa siya inaantok kaya naisip niyang lumabas na lang.

Tamang-tama dahil mayroong bar na bagong bukas lang malapit sa condo niya. Gusto niyang mag-inom. Para kahit paano ay makatulog siya kaagad pag-uwi niya. Wala naman siyang taping bukas kaya ayos lang na magsaya naman siya ngayong gabi.

Suot ang simpleng makintab na dress at black stilettoes ay lumabas siya ng condo at dumiretso sa nasabing bar. Walking distance lang iyon kaya naisipan niyang maglakad na lang. Mabuti at walang pakialam sa kaniya ang ilang nakakapansin na isa siyang artista.

“The Hourglass Bar...” basa niya sa karatulang nakasabit sa itaas ng pintuan ng bar.

Unique name. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon ng hourglass sa mga nakalalasing na inumin pero wala na rin siyang paki dahil hindi naman ang pag-iisip doon ang pinunta niya sa lugar. Iyong alak ang gusto niya at ayaw niyang ma-stress sa kung anuman.

Dumiretso sa bar si Alecxie tsaka nag order sa bartender na naroon. Pag serve ng drinks niya ay pinaikot niya ang stool na inuupan para humarap sa mga taong nasa dance floor.

Everyone was in party mode. Lahat mukhang wala na sa sarili at pagsasaya lang ang nasa isip. Hindi niya alam kung ilan sa kanila ang katulad niya na malungkot rin dahil sa napaka simpleng bagay. Ewan niya ba kung bakit parang big deal sa kaniya ang ginawa ni Francis. Siguro medyo na disappoint lang siya dahil sa unang pagkakataon ay hindi na siya ang priority nito.

“You look stressed.”

Napalingon si Alecxie sa nagsalita. Isang binatang may kakaibang kulay ng buhok ang lumapit sa kaniya. Para itong koreano. Siguro ay nakilala siya nito kaya ang tamis ng pagkakangiti nito sa kaniya.

Tipid na ngiti lang ang tinugon ni Alecxie sa lalaki. Naupo ito sa tabi niya at nag order rin ng maiinom. Dalawa iyon na ang isa ay ibinigay nito sa kaniya.

“I’m Ohru.” pakilala nito.

So what? Gusto niya sana itong sungitan pero iniisip niya ang image niya kaya isang pekeng ngiti ang ginawa niya bilang tugon dito.

Nanatili lang siyang tahimik. Ayaw niyang bigyan ng maling senyales ang lalaki kaya iniiwasan niyang makipagpalagayan dito ng loob. May boyfriend na siya at alam niya ang kaniyang limitasyon.

“Hindi ka man lang ba magsasalita diyan? Can’t you see I am being nice here.” Ngisi ni Ohru.

She was about to open her lips nang magkaroon ng kumosyon sa dance floor na nakapagpatayo kay Ohru. “Haist! Ang mga kabataan talaga, masyadong mga wild.”

Dahil umalis na ito sa tabi niya ay nanatiling tikom ang bibig niya na sinundan ito ng tingin. Pinanood niya ang ginagawa nito mula sa kaniyang pwesto. Ang lakas ng loob nitong pumagitna sa gulo. Halatang seryoso ito sa ginagawang pag-awat sa dalawang lalaki na nagbabanggaan.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon