Napatingin si Mattie sa suot niyang pulseras at napangiti. Iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng isang bagay mula sa isang lalaki, tuloy ay ang saya niya.
Babayaran niya na sana iyon kanina pero nagpilit si Stefan na ito na ang magbabayad bilang pambawi daw nito. Kaya lumalabas na bigay iyon ng binata. Nakakatuwa.
"Salamat nga pala sa pagtatanggol mo sa'kin." sambit ni Mattie bago kumagat sa tinapay na may palamang matamis sa loob. Iyon yung binili kanina ni Stefan nang akala niya ay umalis na ito.
Habang ngumunguya ay nilingon niya si Stefan na kasabay niyang naglalakad ng mabagal.
"Wala iyon. Sa totoo lang, nakita ko nga na kahit hindi ako dumating ay tiyak na kayang-kaya mong protektahan ang sarili mo."
"Aba syempre naman. Tama naman sigurong ipagtanggol ko ang sarili ko 'no. Ako naman talaga ang nauna dito sa pulseras e." sagot ni Mattie na may kasama pang pagyayabang.
Totoo naman na kahit hindi dumating si Stefan kanina ay kaya niyang ipagtanggol ang sarili sa babaeng iyon. Pero masaya siya na hindi siya nito iniwan.
Dahil nakafocus ng tingin kay Stefan ay hindi namalayan ni Mattie ang isang bola na mabilis na lumipad patungo sa direksyon niya. Tumama iyon sa mukha niya kaya naman agad siyang napapikit. At dahil sa gulat ay nabitiwan niya ang kinakain. Mabuti na lang at hindi gaanong masakit ang pagtama ng bolo dahil gawa lang iyon sa malambot na goma at may kagaangan.
"Mattie..." may pag-aalala siyang dinaluhan ni Stefan.
Mayamaya lang ay naroon na ang dalawang bata na may-ari ng bola. Yumuko ang mga ito sa harapan niya.
"Pasensiya na po. Hindi po namin sinasadya." paghingi ng tawad ng batang dumampot ng bolo kapagdaka.
"Patawad po, Binibini." sabi rin ng isa. Tapos tumakbo na sila palayo.
Mga bata nga talaga...
"Ayos ka lang, Mattie?" titig sa kaniya ni Stefan.
Tinapunan niya naman ito ng tingin at nginitian.
"Ayos lang. Hindi naman gaanong masakit." pag-amin niya.
Napatitig si Stefan sa mukha niya. Para itong may nakitang kung ano roon. Bahagya pang napaawang ang labi nito na parang may gustong sabihin na hindi masabi.
"Naku nabura ang mukha mo." Turo ni Stefan sa mukha niya.
"Na-nabura ang mukha?" Tarantang hinaplos ni Mattie ang mukha. Inaalam kung ano ba ang nangyari roon, pero maayos naman ang mukha niya. Naroon pa rin ang ilong, labi, at mga mata niya.
Napatawa tuloy si Stefan. Doon niya lang napagtanto na nagbibiro lang pala ito.
Ang mahinang pagtawa ng binata ay naging isang matamis na pagtawa.
Ang lalaking akala niya ay hindi marunong ngumiti ay humahalakhak ngayon sa harapan niya. She was amazed. Lalo pa nang makita kung gaano katotoo ang pagtawa nito. Sobrang saya ng tawang ipinapakita nito sa kaniya.
Gusto niya itong panoorin habang buhay.
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
"Cute..." Stefan suddenly pinched her nose.
Natigilan ang binata nang mapagtanto ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...