Hindi inaasahan ni Alecxie na makikita niya sa loob ng kwarto niya si Cassian. Kararating niya lang at pagbukas ng pinto ay ito ang tumambad sa kaniya. Nakatayo ito sa harapan ng kaniyang vanity mirror.
May nakapatong na fresh yellow tulips na tatlong piraso sa vase na naroon. Wala iyon kanina kaya alam niyang dala iyon ng binata. Halatang kinuha lang nito iyon sa hardin ng mga Fordham.
Paano ito nakapasok sa kwarto niya?
Hindi na iyon mahalaga. Naroon ngayon ang binata para bisitahin siya kaya naman dapat niyang ipagpasalamat iyon. Lalo pa't mukhang napakahalaga ng oras nito.
“Ang akala ko, hindi mo na ako bibisitahin e.” may himig ng pagtatampo ang tinig ni Alecxie.
Pagkapasok niya sa silid ay agad niyang isinara ang pinto.
Isang linggo na rin ang nakararaan nang huli niyang nakita si Cassian. Nang araw na may sumundo ditong lalaki ay iyon ang huli nilang pagkikita.
Mabuti at naalala pa nitong nag e-exist siya. Ang akala niya kasi ay nakalimutan na siya nito.
Kapag kasi nagsasalubong sila sa daan nitong huli ay hindi man lang siya nito nilalapitan. Hindi tuloy niya alam ang ire-react.
Hindi na rin niya masyadong maintindihan ang binata dahil minsan ay ang cold nito. Minsan naman sobrang sweet.
“Patawad, Milady.” Humarap sa kaniya ang binata at lumapit.
Imbes na salubungin ito ng may ngiti sa labi ay walang ekspresyon na dumiretso si Alecxie sa kama at naupo roon.
Sinundan naman siya ni Cassian. Naupo rin ito sa tabi niya at tumingin sa gawi niya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. “Galit ka ba?”
“Pasensiya na, pero ano ba talaga tayo ha? Bumibisita ka lang kapag naisipan mo. Pinapansin mo lang ako kapag trip mo. Nitong huli, palagi kitang nakikita na kasama si Margareth. Buti pa siya no nakakasama ka. Samantalang ako, heto hindi ko nga alam kung ano ba ang posisyon ko sa buhay mo.” Nakagat ni Alecxie ang pang-ibabang labi.
Tama bang makaramdam siya ng ganoon? Ano na nga ba ang klase ng relasyon na mayroon sila ni Cassian?
They've kissed already. Sa lugar na iyon, mga magkasintahan lang ang pwedeng maghalikan.
So sila na ba talaga?
She don't think so. Paano’y hindi na muling sinabi ni Cassian na mahal siya nito. Gusto niya iyong marinig ulit para naman masagot niya ito ng pormal. At masabi niya na mahal niya na rin ito.
Kinuha ni Cassian ang kamay niya. Habang hawak iyon ay marahan nitong hinaplos ang pisngi niya gamit ang isa pang kamay. “I'm sorry if you feel that way, Milady. Kung alam mo lang. Matagal ko na rin na gustong bisitahin ka.”
“Eh bakit hindi mo ginawa? Ano bang pinagkakaabalahan mo? Mas mahalaga pa sa akin?”
She doesn't want to be selfish. Ayaw niyang sakalin si Cassian, pero gusto niya ng oras nito.
Hindi naman siguro kalabisan na humingi siya ng kaunting oras.
Ang katahimikan ang nagsasabi kay Alecxie na hindi niya pwedeng malaman ang bagay na iyon. Siguro hindi niya pwedeng malaman. O baka ayaw lang talaga nitong sabihin dahil hindi nito alam kung paano ipapaliwanag iyon sa kaniya.
Bumuga na lang ng malalim na buntong-hininga si Alecxie.
Ngayon lang bumisita ang binata kaya ayaw niya naman na maubos lang ang oras nila sa ganoon.
“Ok. Huwag mo na lang sabihin kung hindi mo kaya. Ayos lang. Pero na miss talaga kita, alam mo ba yun ha? Ako ba hindi mo na miss?”
“Ang totoo niyan. Hindi ko na kaya ang pagka miss ko sa'yo kaya nagpunta na ako kaagad dito. Gusto mo bang mamasyal?”
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasíaAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...