CHAPTER 96: I Know Everything

2K 67 4
                                    

“Ano'ng nangyari sa mukha mo?” tanong ni Argus.

Napasinghap lang si Levi.

Pagkatapos niyang sabihin kay Cassian ang kasinungalingang sinabi niya kay Seren patungkol kay Lady Gwyneth ay heto ang natamo niya; sugat at pasa mula sa kamao nito.

Bagay lang ito sa kaniya. 'Buti nga, hindi siya nilumpo ni Cassian. Madalas kapag galit ito ay hindi nito nakokontrol ang sarili. But this time, he did. Maswerte siya at nagawa nitong awatin ang sarili nang walang umaawat dito.

He was not mad at him. Kahit kaunti ay wala siyang sama ng loob dito dahil alam niya naman na mali talaga ang ginawa niya. Kahit ano pa ang dahilan niya ay hindi dapat siya nagsinungaling. Kahit pa sabihin na gusto niya lang subukin si Seren. Gusto niya lang makita kung paano ito mag re-react kapag nalaman nitong may ibang babae si Cassian.

A lie is a lie.

“Go away.” Talikod niya kay Argus.

Tuloy-tuloy siyang lumakad palayo dito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa chamber ni Seren. Baka inutusan rin ito ni Cassian na magbantay. Malamang nabawasan ang tiwala nito sa kaniya pagkatapos ng ginawa niya.

Tumungo siya sa hardin. Mabuti na lang at hindi siya nito sinundan. Gusto niya talagang mapag-isa ngayon dahil gusto niyang makapag-isip ng maayos.

It's so stressful for him to keep these kinds of secrets to himself. Hindi niya naman magawang sabihin kay Cassian ang mga nalaman niya dahil inaalala niya ang pwedeng maidulot niyon dito.

Ano na ba ang gagawin niya?

Napatigil si Levi nang matanaw mula sa salaming pintuan sina Ohru at Alecxie. They were standing in front of a whole body mirror.

Agad kumunot ang noo niya. Tinungo niya ang pintuan ng kwarto. Maingat at walang ingay siyang lumakad upang hindi makatawag ng atensyon.

Pagtayo niya sa gilid ng pinto ay tanging ulo niya lang ang inilabas niya upang masilip ang nangyayari sa loob ng silid.

Para lang siyang nanonood ng isang mahiwagang pagtatanghal. Hindi niya maipaliwanag kung anong klase ng salamangka ang nakikita niya, pero alam niyang totoo ang nangyayari at hindi siya basta nananaginip lang.

Alecxie and Ohru were talking to someone. Malinaw niyang nababasa ang mga salitang bigla na lang lumalabas mula sa salamin.

Nakamamangha...

“How about Cassian? I don't wanna leave him here. I can't leave him.”

Bakas sa tinig ni Alecxie ang kakaibang lungkot ng sabihin nito ang mga salitang iyon.

She is leaving.

Hindi alam ni Levi kung bakit parang mabigat ang loob niya dahil sa sinabing iyon ng dalaga. Siguro dahil iniisip niya si Cassian. Kapag naiwan na naman ito ay baka tuluyan na itong mawala sa katinuan.

Isa siya sa nakakita kung paano hinarap ni Cassian ang naging pagkawala ni Seren noon. Nang itakas ito ni Stefan ay parang naging ibang tao si Cassian. Napakabilis uminit ng ulo nito. Lahat na lang ay inaaway nito at naging palaging bugnutin. Bumalik lang ito sa dati, nang dumating muli si Seren. Kaya kapag nawala na naman ang babae. Hindi na niya alam kung ano pa ang magagawa ni Cassian.

Natatakot siya sa mga pwedeng mangyari. Kaya nga gusto niya ring makasiguro sa intensyon ng babae. Now he knows that she doesn't have bad intentions to Cassian. Ngayon naman ito aalis. Hindi iyon tama.

Inabot ni Levi ang door knob. Mabuti na lang at hindi naka-lock ang pinto kaya nagawa niya iyong buksan. Sabay na napatingin sa gawi niya sina Ohru ay Alecxie nang marinig nila ang paglangitngit ng pintuan. Halata sa mga mukha nila ang gulat.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon