“Please just leave me alone!” sigaw ko mula sa loob ng kwarto.
Cassian kept banging the door. Kanina pa nito gustong pumasok pero ayoko siyang papasukin. Ayoko muna siyang kausapin dahil natatakot ako sa maririnig ko mula sa kaniya. Hindi pa ako handa.
Gusto ko lang munang mapag-isa. Kung may mapupuntahan nga lang ako ay baka kanina pa ako umalis.
“Seren... Let us talk, please.” napapaos na sambit ni Cassian mula sa kabila.
Napapikit ako ng mariin.
Why does he sound like he's hurting? Bakit tila mas nasasaktan pa siya kaysa sa akin? Samantalang ako nga itong nagawa niyang ipagpalit sa iba.
Dumapa ako sa kama at ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Ayoko ng marinig ang sinasabi niya.
Please. Let me be alone...
“Please Seren... Let me in. Mag-usap tayo...” Another loud bang crash my door.
Mas ibinaon ko pa ang mukha ko sa unan. Hoping that everything will go away. Gusto ko ng katahimikan.
Mukhang narinig naman ako ng langit sa hiling kong iyon. Ilang minuto rin kasing tumahimik sa kabila ng pintuan. Inisip ko na baka napagod na si Cassian, kaya umalis na. Lalo lang tuloy akong naiyak. Ang mahina kong paghikbi ay unti-unting lumakas. Basang-basa na ang unan na sumasalo ng lahat ng luhang galing sa mga mata ko.
Alam kong gabi na at dapat na kaming magpahinga pero ang isipin na sinukuan na ako ni Cassian ay nagdudulot ng matinding sakit sa dibdib ko. Ayokong kausapin siya pero ayoko rin namang umalis siya ng ganoon na lang.
Hindi ko na alam. Kahit ako naguguluhan na sa sarili ko.
Mayamaya nakarinig ako ng malakas na pagkabasag. Taranta kong iniangat ang ulo ko. Pinunasan ko rin ang basa kong mukha bago nilingon ang pintuan na patungo sa hardin; kung saan ko narinig ang ingay.
Gawa ang pintuang iyon sa pinaghalong kahoy at salamin. May isang bahagi niyon ang nawasak. Mukhang sinuntok iyon ni Cassian. Naroon kasi siya nakatayo habang duguan ang isang kamay. Ipinasok niya ang kamay na sugatan sa butas at inabot ang doorknob na nasa loob para tanggalin ang pagkaka-lock niyon.
Nakatitig lang ako sa kaniya. I saw tears in his eyes. Halatang hindi lang ako ang umiiyak. Nang humakbang siya palapit sa akin ay nayakap ko ang hawak kong unan.
“Seren... Please...” napapaos niyang sabi.
Ngayon ko lang siya nakita na ganoon kalungkot. Para tuloy gusto ko siyang takbuhin at aluin. I want to help him. I want to make him feel better.
Naisip ko, kung pareho kaming nasasaktan bakit namin iyon ginagawa sa isa't-isa?
Nabigla ako nang makitang lumuhod si Cassian. Tila bigla siyang nawalan ng lakas. Doon talaga siya lumuhod sa ibabaw ng mga nagkalat na basag na salamin. Tapos bumagsak ang balikat niya at napayuko siya na parang hinang-hina.
Nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang mga tuhod kaya naman taranta akong umalis sa kama para lapitan siya. Tumayo ako sa harapan niya. Gusto ko sana siyang hilahin at ialis sa pwesto niya pero niyakap niya ako habang nakaluhod kaya hindi ako nakagalaw.
I thought he was so brave, because he was the villain. But now, he was trembling so much. Ramdam ko ang matinding panginginig ng katawan niya.
“Let us talk, please.” I heard him sobbing.
He was desperate to talk to me. Naluluha kong hinaplos ang likod niya. I can't watch him, hurting like this. Tila nararamdaman ko kasi ang sakit na nararamdaman niya. It was like, we are connected to each other.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...