“Ano ang ginagawa ng lalaking iyan dito sa pamamahay ko?”
Isang malakas na sigaw ang nakapagpatigil kay Alecxie at Ohru sa kanilang paglalakad. Sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng tinig na iyon at isang lalaki na may katabaan ang sumalubong sa kanila. Nakatayo ito sa harapan ng pintuan kung saan sila pumasok. Habang nasa tabi nito ang isang babae na may mahaba at kulay kahel na buhok katulad ng kay Seren.
Sino naman sila? Could they be? The parents of Lady Seren, perhaps?
Pero... Sa buong kwento ay wala ang mga ito. Mag-isa lang sa bahay si Seren at kahit kailan ay hindi umuwi ang mga magulang nito.
Bakit parang kinakabahan tuloy siya ngayon na naroon ang mga ito. Sa hinuha niya ay may mangyayari na paniguradong hindi niya magugustuhan.
“Magpapaliwanag po ako.” pagbubukas ni Alecxie sabay tingin sa gawi ni Ohru na mukhang alam na, na may masamang mangyayari kaya hindi maipinta ang mukha nito.
“Tama ba ang nakarating sa akin ha? Dito nakikitulog ang lalaking iyan? Dito sa sarili kong pamamahay?” Lalo pang tumaas ang boses ng lalaking matanda.
Mabibigat ang mga hakbang na lumakad ito palapit sa kanila. Kapagdaka'y tumayo ito sa harapan ni Ohru ng magkasalubong ang mga kilay at dinuro ang binata.
“Anong klase ng binata ang gagawa ng ganitong kahiya-hiyang bagay!”
Sandaling napapikit si Alecxie. Ang lapit lang naman kasi sa kanila ng matandang Forsyth pero ang lakas pa ng boses nito. Talagang galit ito. Iyong ugat nito sa leeg ang patunay kung ganoo katindi ang galit nito.
“Kalapastanganan ito sa pangalan ng mga Forsyth. Nasisiraan ka na ba ha Seren?” Lingon sa kaniya ng matanda.
Napayuko na lang si Alecxie. Hindi niya talaga alam ang sasabihin niya nang oras na iyon. Base sa pagkakaalam niya ay malupit ang ama ni Seren kaya natatakot siya sa posibleng mangyari kapag sinagot niya ito. Kapag nangatwiran siya ay siguradong mas lalo lang itong magwawala.
Pero kung mananahimik naman siya, si Ohru. Ano na ang mangyayari dito?
“Patawad po, huwag na po kayong magalit kay Seren. Ako po ang nagpumilit na dito muna tumira, kaya sa akin na lang po kayo magalit.” halos pabulong na sambit ni Ohru.
Mula sa kaniya ay ibinaling ng ama ni Seren ang tingin dito. Kapagdaka'y nagpakawala ng isang malakas na suntok kung saan tinamaan ang mukha ni Ohru. Agad dumugo ang labi nito na bahagyang nagkaroon pa ng lamat.
“Tarantado ka!” muling sigaw ng ama ni Seren.
Pagkatapos ay pinalapit nito ang ilang lalaking tauhan ng pamilya Forsyth.
Isang utos lang ng matanda ay agad kumilos ang mga ito. Iyong dalawa sa mga lalaki ay agad na lumapit sa gawi nila. Hinawakan ng mga ito ang magkabilang braso ni Ohru.
“Itapon ninyo sa labas ang lalaking iyan bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko at makapatay ako ng tao.” matigas na utos nito sa mga tauhan.
Nang simulan nilang hilahin palabas ng bahay si Ohru ay doon lang tila natauhan si Alecxie na natatarantang napasigaw pa. “Pakiusap, Ama. Walang matutuluyan si Ohru. Huwag ninyong gawin ito.”
Isang malakas na sampal mula sa matandang lalaki ang nakapagpatigil sa pagsasalita ni Alecxie. Sa lakas ng naging pagsampal nito ay pumaling ang ulo niya sa ibang direksyon. Ramdam niya rin ang mabilis na pag-init ng pisngi niya. Kasabay niyon ay ang bahagyang paghapdi ng balat niya kung saan tumama ang malapad na kamay ng ama ni Seren.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...