CHAPTER 52: The Vow

2.3K 86 6
                                    

“Halika, may pagtatanghal oh. Panoorin natin.” Cassian pulled her.

Dinala siya nito sa mga nagtatanghal. Para iyong live-action drama. May ilang upuan na nakapalibot sa mga umaarte. Dahil wala ng mauupuan ay nanatili na lang sila na nakatayo ni Cassian. Sapat lang ang layo nila para marinig ang batuhan ng mga linya ng mga tauhan.

Hindi niya alam na mahilig pala sa ganoon ang binata. Kung alam lang nito na magaling din siyang umarte.

Nanalo na kaya siya ng best actress award sa isang prestigious event.

“Noong bata pa ako, nasubukan kong sumali sa ganito. Nasubukan kong umarte. Drama ang ginagawa ko pero nagtatawanan ang mga tao dahil mali-mali ang mga binibitawan kong salita.” Cassian smiled. Halatang naaalala nito ang kinu-kwento kaya genuine ang pagkakangiti nito.

“Siguro ang cute mo nun. Ilang taon ka na ba nun?”

“I was ten years old. Yeah, ang cute ko nga ng mga panahong iyon.” he giggled.

Ang yabang din e. Sumang-ayon kaagad.

“Alam mo ba na kaya ko ring gawin iyan. Kaya ko ring umarte no.” pagyayabang din ni Alecxie.

Lumingon sa gawi niya si Cassian. Dahil nakatingin rin siya dito ay nakita niya kung paano mag ningning ang mga mata nito. Animo'y manghang-mangha ito sa narinig.

“Talaga?”

“Oo no. Kayang-kaya ko kaya 'yang gawin!” proud niyang sabi.

“Kung ganoon, gusto kitang mapanood. Gusto kong makita kung gaano ka kagaling na umarte.”

“Hayaan mo't magpa-practice ako para sa'yo.”

Napatigil sa pag ngiti si Alecxie nang mapansin ang brooch na nakadikit sa damit ni Cassian. It was the brooch that she once gave to him. Pero ibinalik na iyon sa kaniya ng binata, kaya bakit suot nito iyon? Hindi kaya kinuha nito ang brooch sa drawer niya nang maabutan niya ito sa kwarto niya kanina?

“Teka, iyan ba ang brooch na ibinigay ko sa'yo?” Turo ni Alecxie sa brooch na suot ni Cassian.

Bahagya naman itong yumuko para tingnan iyon. Tapos hinawakan nito ang brooch ng may ngiti sa labi. “Akin ito, hindi ba. Kaya binabawi ko na.”

“Pero sinauli mo na 'yan hindi ba?”

“It was a big mistake. Returning this to you, was a mistake. Dahil ang totoo niyan... Gusto kong tuparin ang hiling mo. Gusto kitang pakasalan at maging asawa, noong unang kita ko pa lang sa'yo.”

Talaga ba? Does love at first sight really exist?

Cassian suddenly grabbed her hand. Hinila siya nito palayo sa nagpapalabas. Habang naglalakad ay nakatingin lang siya sa gawi nito. Hindi na niya kailangan pang tingnan ang nilalakaran nila dahil para itong bodyguard na hinahawi ang mga taong nasasalubong nila.

Saan ba siya nito dadalhin?

Malapit sa nagaganap na festival ay may maliit na burol na nababalutan ng kulay berdeng damo. May mga ilaw sa gilid ng kalsada kaya maliwanag sa gawing iyon kahit walang tao. Sa dulo ng pathway ay malaking puno na napalilibutan ng mga paaliw. Habang sa ibaba niyon ay may nakahandang lamesa na may mga petals ng bulaklak sa ibabaw.

Pinaghandaan niya ba ito?

Alecxie was speechless. Para siyang nananaginip lang.

No. It was really a dream. Alam niya balang araw ay magigising siya mula sa panaginip na iyon.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon