Is she going to kiss me, earlier?
Naiinis na hinilamusan ni Magnus ang mukha. Kung bakit naman kasi kahit nakita na niyang balak siyang halikan kanina ni Seren ay wala siyang ginawa para patigilin ito. Kung hindi pa dumating si Lady Margareth ay hindi pa siya babalik sa tamang pag-iisip.
Nakatakda na ang kasal nila ni Lady Elizabeth kaya naman wala na siyang dapat na iniisip na ibang babae, bukod dito pero hindi niya mapigilan ang sarili na isipin si Lady Seren. Nagtatanong na nga siya sa sarili kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa dalaga. Kung bakit palagi nitong ginugulo ang utak niya, nitong mga nakaraan.
At iyong kwintas na napulot niya. Tila itinakda iyong mapunta sa kaniya para maibalik sa dalaga.
Bakit nangyari iyon?
Tadhana ba ang tawag doon?
Kung ganoon, bakit pinaglalaruan yata sila ng tadhana?
Napatigil si Magnus sa paglalakad nang may makita siyang mga paa sa daraanan niya. Dahil nakayuko ay marahan niyang itinaas ang tingin para alamin kung sino ang humarang sa kaniya.
Nagtataka siyang napatitig sa mukha ni Cassian. Parang galit ito sa kaniya. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon niya lang ito nakita sa ganoong itsura. Nakakuyom ang mga kamao nito at masamang nakatitig sa kaniya. Para itong lobo na gusto siyang sagpangin sa leeg.
Is this really Cassian? His loving brother?
“Cassian...” tawag niya sa pangalan ng kapatid.
Nanatiling tikom ang bibig ni Cassian. Ipinagpatuloy lang nito ang naudlot na paglalakad. Ramdam niya na sinadya siya nitong banggain na parang may nais itong ipahiwatig.
Ano ba ang problema nito? Galit ba ito sa kaniya? Ano ba ang nagawa niya? May kinalaman ba iyon kay Lady Seren?
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
“Nandito ang ahas!” sigaw ng isang hindi kilalang babae ni Alecxie.
Nakaturo ito sa kaniya kaya naman alam niyang siya ang tinutukoy nitong ahas.
So, ano na naman ba ang nagawa niya ngayon? Ano na naman ang tsismis na nasagap ng mga tsimosang ito?
Mayamaya ay lumabas mula sa isang kwarto ang ilan pang babae na masama ang tingin sa kaniya. Ramdam niya na may masamang mangyayari kaya napaatras siya.
Tumakbo palapit sa kaniya ang apat na babaeng tila galit na galit. Ang isa sa mga ito ay mabilis siyang sinampal na dahil sa pagkabigla ay hindi niya nagawang ilagan. Sapo ang nataamang pisngi ay galit niyang sinamaan ng tingin ang sumampal sa kaniya.
“Ano bang problema mo?” sigaw na rin ni Alecxie.
Tila asar namang napatawa ang apat.
“Ikaw malandi ka talaga. Ang sabi mo ay hindi mo na gusto si Prinsepe Magnus kaya bakit hinalikan mo siya ha?” sigaw ng isa sa kanila.
Bahagyang napaawang ang bibig ni Alecxie dahil sa narinig. Napaka advance naman kasing mag-isip ng mga ito. Hindi pa nga niya iyon nagagawa pero heto at sinasabi na nilang ginawa na niya. Kaloka.
“Excuse me. May katibayan ba kayo na ginawa ko nga iyon ha? Mga imbento kayo ah.” sigaw pabalik ni Alecxie.
Itinuro naman ng isa sa kanila ang suot niyang kwintas. Wala sa loob niya tuloy iyong nahawakan.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...