I walk slowly. Salamat sa matagal na pagpa-practice ay gamay ko na ang pagdadala ng sarili ko kahit pa may kabigatan ang suot ko.
I am wearing a dark red and black ball gown. The top of it was a heart-shape tube. Ang pang-ibaba niyon ay naka-layered na tila pinagpatong-patong na mga palda. Nakahiwa iyon sa pinakaharapan kaya kita ang pinaka-base ng palda na kulay pula. Sa belt ay may black lace na v-shape na nagbibigay ng magandang korte sa bewang ko.
Dahil strapless ang damit ko ay hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Pina-curl ko iyon. I had a hair piece. Isang rose gold colored jewelry na naka-pin sa bandang gitna ng ulo ko.
Marami ng tao sa lugar nang dumating kami ni Ohru. Like us, they were all wearing old fashioned clothes. Seeing those people, bigla kong naalala ang lugar na pinanggalingan ko.
Inside the story in which the villainess became the main character.
Kapag naiisip ko ang kwentong iyon ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng matinding pangungulila. I kinda miss those people who became part of my life, kahit sabihin pa na mga characters lang sila sa isang libro ay hindi ko mapigilan na bigyan sila ng kani-kaniyang halaga sa buhay ko.
I miss Mattie, Stefan, Argus, Damian, Raymond, Victor, at kahit pa si Levi. I miss them all, lalong-lalo na si Cassian.
If I have given a chance to see them again ay gagawin ko kahit ano pa ang maging kapalit. Gusto ko lang na makapag paalam ng maayos sa kanila. Sa huling pagkakataon ay magawa ko man lang sanang magpasalamat sa lahat ng ginawa nila para sa akin bilang si Seren.
I fake a smile. Kahit medyo nahihirapan ay sinubukan kong ngitian ang mga taong ngumingiti sa akin. Siguro magaling lang talaga ako sa ganito. 'Cause I can still smile kahit pa ayokong gawin iyon.
Habang naglalakad ako papasok sa engrandeng pavilion ay nagsimulang tumugtog ang malamyos na awiting tila para lang sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay para akong ikakasal. Lalo't nakatigil ang lahat habang nakatingin sa gawi ko.
Ano bang meron? Hindi ko naman birthday kaya bakit parang ako ang may kaarawan?
And where is Ohru? Kanina lang nasa likod ko ito, pero bigla naman itong nawala.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang kumpol ng mga taong nakaharang sa daraan ko. Maraming tao sa gawing iyon kaya liliko na lang sana ako para humanap ng ibang mapupuntahan. But to my surprise, para iyong dagat na bigla na lang nahati. Nang mapansin nila ang pagkakatayo ko ay nagsitabi sila na parang binibigyan ako ng sapat na daanan upang makapunta sa harapan.
The music is killing my ears.
Hindi naman iyon pangit pero bigla kasi akong may naalala mula sa mga liriko.
Ain't it funny how loves hit you when you least expect it too. Anytime anyplace it can come right out of the blue.
Bigla kong naalala si Cassian nang marinig iyon.
Ang pagmamahalan namin ay nangyari sa isang hindi inaasahang lugar. Nakakatawa dahil kahit alam ko noong una pa lang na malabo iyong manatili ay pinili kong umasa.
Masama bang umasa?
I thought it was only made for movie screens, then you came along and you changed everything.
Cassian did change my perspective to love. I knew in my heart that he truly loves me. Unlike my past relationship na minsan ramdam kong may kulang.
Cassian completes me. Tila may parte sa puso ko na siya lang ang nakagagawang pumunan niyon.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...