Ang sabi ni Stefan, malapit na daw kami sa pupuntahan namin kaya pinagpalit niya kami ng damit ni Mattie.
We dress just like commoners. Simpleng puting bestida lang ang suot ko. Malayong-malayo sa Seren na una kong nakita at nakilala.
Walang magarang alahas at hindi nakapustura ang buhok. Maliban sa suot kong kwintas na may pendant na hourglass pati na rin iyong singsing na binigay sa akin ni Cassian ay wala na akong ibang alahas.
Ilang araw na kaming nasa barko. Hindi ko alam na ganoon pala kalayo ang pupuntahan namin.
Sa totoo lang, mabigat ang loob ko na kinakailangan kong umalis sa nakasanayan kong lugar, pero alam kong ito ang makabubuti sa akin kaya hindi na rin ako tumutol pa.
Tumingin ako sa malawak na karagatan. Nakikita ko na ang sinasabi ng Isla ni Stefan. Doon daw kami titira. May alam daw siyang matutuluyan namin doon, kaya doon kami pupunta ngayon.
Tinatawag iyong Devils Island. Pangalan pa lang nakakatakot na. Pero sabi naman ni Stefan iyon daw ang pinaka safe na lugar para sa akin. Maraming kawal daw ang tiyak na maghahanap sa akin at iyong lugar na iyon ay siguradong hindi nila paghihinalaan.
Ang sabi ni Stefan, doon daw dinadala ang mga taong patapon na ang buhay. Pati na rin iyong mga walang awa kung pumatay, pero hindi naman daw kami dapat na mag-alala dahil hindi naman daw basta na lang pumapatay ang mga iyon.
Mayroon silang paligsahan na ginaganap sa bayan. Para iyong labanan ng lakas. Walang rules. Ang kailangan lang ay mapasuko mo ang kalaban o mapatay. Doon daw ginagamit ng mga taong iyon ang lakas nila. Malaki daw ang kitaan sa ganoon kaya doon nila inuubos ang oras nila.
I asked him why he knows a lot about the place, kaya naman nalaman ko na doon pala siya nakatira noon. Doon siya ipinangak at lumaki, bago naging kabalyero. It was guarded by some knights at tumakas lang daw siya.
Tumakas lang? Tapos ngayon plano niyang bumalik sa lugar na iyon ng dahil sa akin?
“Ayos ka lang?” Nilingon ko si Stefan na lumakad palapit sa akin.
Tumayo siya sa tabi ko at ipinatong ang dalawang braso sa grills ng barko, bago lumanghap ng sariwang hangin. Naroon kami sa taas kaya medyo mahangin. Katatapos lang naming mag almusal kaya naisip ko na doon magpababa ng kinain.
“Paanong ayos? Ayos dahil buhay pa ako?” tanong ko.
Nilingon naman ako ni Stefan. “I'm sorry.”
“Biro lang, ano ka ba. I'm fine.” No! I should be fine. Kahit alam ko, baka hindi na kami ulit magkita ni Cassian.
“Pasensiya ka na kasi wala akong ibang kayang gawin kung hindi ang itakas ka. I don't have the power to clean your name. But I promise to keep you safe.”
Nakangiti kong binaling ang tingin sa harapan. Nililipad ang ilang hibla ng buhok ko at humarang iyon sa mukha ko kaya naman inipit ko iyon sa tainga.
“Siguro ito talaga ang kapalaran ko. I just have to accept it. Nagpapasalamat pa rin ako at may kasama akong dalawang tao na alam kong pinahahalagahan ako. Kayong dalawa ni Mattie... Nagpapasalamat akong dumating kayo sa buhay ko.”
ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ
Patago kaming pumasok sa isla. Sumabay kami sa kahon kahong mga pagkain na ipinapasok doon, sa tulong na rin ng ilang kilala ni Stefan. Kaya pala, wala kaming ibang kasama sa barko maliban sa mga crew dahil wala talagang nagpupunta doon mula sa labas.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
Viễn tưởngAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...