“Dali na Cassian, tikman mo ang iniluto ko. Ahhhh...” Unat ni Alecxie sa kamay niya na may hawak na brownies.
Gusto niyang ipatikim iyon sa binata dahil specialty niya iyon. Mabuti na lang at kumpleto ang ingredients sa kusina ni aling Dorothy. Nalaman niya na ipinamamalengke pala ito ng anak. Minsan sa isang linggo ay may nagdadala sa mag-asawa ng mga kailangan nila sa bahay.
Nahihiya pa pero marahang ibinuka ni Cassian ang bibig para pagbigyan siya. Para itong masunuring bata. Walang mapaglagyan ang saya niya nang kumagat ito sa hawak niyang brownies.
“Sige na. Nguyain mo. Tapos sabihin mo kung ano ang lasa.”
Sandaling pumikit si Cassian. Marahan nitong nginuya ang isinubo niya. Tila ninanamnam nitong maige ang kinakain. Nang malunok iyon ay tsaka ito nagdilat ng mata.
Hindi niya maipinta ang naging reaksiyon ng mukha nito. Natikman niya ang brownies kanina kaya naman alam niyang masarap iyon. Nagustuhan nga rin iyon ni Dorothy nang ipatikim niya dito.
Kaya bakit ganoon ang mukha ni Cassian? Hindi ba ito mahilig sa mga matatamis na pagkain?
Oo nga wala pa siyang gaanong alam sa lalaki. Bukod sa alam niyang mapagkakatiwalaan ito at wagas magmahal ay wala na siyang alam dito. Kasalanan iyon ng writer na hindi man lang ito binigyan ng sapat na halaga.
“Hindi mo nagustuhan?” may pag-aalalang tanong ni Alecxie.
“Ano bang klaseng pagkain iyan. Hindi ko maintindihan ang lasa.” reklamo ni Cassian.
Agad nalungkot si Alecxie nang marinig iyon. Pinaghirapan niya iyong gawin kaya pinike man lang sana nito at sinabing masarap kahit hindi naman talaga. Napa-pout na lang tuloy siya.
Napaka walang modong prinsepe naman. Wala man lang konsidirasyon. Hindi man lang na appreciate ang effort niy—
Nagulat na lang si Alecxie nang agawin ni Cassian ang nasa kamay niya at isinubo iyong lahat ng binata. Tapos nahiga ito sa lap niya at tumingin sa mukha niya.
“Para akong nasa langit, grabe. Teka. Anghel ka ba?” Sabay unat nito ng kamay.
Kunwari ay pilit nitong inaabot ang pisngi niya.
May pagka-pilyo rin pala ito. Ang inis niya ay napalitan ng tuwa dahil sa mga sinabi nito.
“Nagustuhan mo?”
“Oo naman. Unang beses kong nakatikim ng ganito. Kasing tamis ng ngiti mo pero hindi nakakaumay.”
Anebe Cassian. Huwag ganon.
“Ay sus. Itong dalawang ito oh parang ube sa lagkit.” natatawang singit ni Dorothy.
“Aba'y parang wala nga tayong dalawa dito at hindi nakikita.” tawa rin ni Melvin.
Oo nga. Sa sobrang focus niya kay Cassian ay nalimutan niyang nanonood pala sa kanila ang dalawa. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya.
Mukhang ganoon din si Cassian na mabilis na bumangon at umayos ng upo. Napayuko ito at napahawak pa sa batok.
“Naiinggit ka ba mahal? Halika susubuan rin kita,” ani Melvin. Lumapit ito sa asawa habang hawak ang isang hiwa ng brownies.
Kapagdaka'y nahiga ito sa kandungan ni Dorothy at iniuna ang kamay para subuan ito.
Pagkatapos gawin iyon ay ito naman ang ngumanga. “Subuan mo rin ako mahal, dali na. Para kang anghel.”
Sa cute ng mag-asawa ay agad napangiti si Alecxie. Nang lingunin niya si Cassian ay para itong naging hinog na kamatis sa pula. Lalo tuloy lumuwag ang pagkakangiti niya.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...