CHAPTER 29: Iniiwasan Mo Ba Ako?

3.6K 101 5
                                    

“Iniiwasan mo ba ako?”

Napatalon na lang si Alecxie dala ng pagkabigla nang marinig ang boses na iyon. Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago dinala ang paningin sa kanan niya kung saan nagmula ang tinig. Naroon si Cassian. Mukhang kanina pa siya nito iniintay sa gawing iyon ng hallway. Nakasandal ito sa pader at nakatingin sa gawi niya.

Mabagal itong lumakad palapit sa kaniya.

“I-iniiwasan? B-bakit n-naman kita iiwasan?” nauutal na sagot ni Alecxie.

Sanay siyang umarte sa harapan ng camera at magpakita ng kung anu-anong emosyon depende sa hinihingi ng sitwasyon, pero nang sandaling iyon hindi niya magawang itago ang nararamdaman niya. Ramdam niya ang kakaibang kaba na dulot ng paghaharap nila ni Cassian.

Ilang araw na rin ang nakararaan simula ng malaman niya ang dapat niyang gawin pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas ng loob para harapin ang binata at sabihin na huwag na itong umasa sa kaniya. Hindi niya kasi kaya na siya mismo ang bumasag sa puso nito, lalo't alam niya kung gaano kalungkot ang buhay nito.

Pero alam niya rin naman na kailangan niya iyong gawin dahil doon rin naman sila pupunta. Maghihiwalay rin ang mga landas nila kaya dapat niyang lakasan ang loob para kausapin ito ng masinsinan.

And today was the right time.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alecxie bago tumingin ng diretso sa mga mata ni Cassian.

“May kailangan akong sabihin sa'yo, Prinsepe Cassian.” may paggalang na wika niya.

Nang marinig iyon ni Cassian ay napatigil ito sa paghakbang at ngumiti ng malungkot. Wala pa man itong sinasabi ay alam niya kaagad na nagdulot ng kalungkutan ang paraan ng pagtawag niya sa pangalan nito. Hindi naman kasi siya ganoon kapormal na makipag-usap dito noon.

Ngayon ay halata ang pagbibigay niya ng distansiya sa kanilang dalawa. Katulad ng pakikitungo ng iba dito ay binibigyan niya rin ito ng sapat na paggalang.

“Prinsepe Cassian...” Malungkot na ngumiti si Cassian. Ramdam niya ang pagkadurog ng puso nito.

Ganoon siguro ka-big deal dito ang bagay na iyon. Malamang dahil iniisip nito na magkaibigan na sila, pero heto siya at tinatalikuran ito ng ganoon na lang.

Wala naman siyang pagpipilian. Anuman ang gawin niya ay tiyak na masasaktan ito.

“Kaya mo ba ako iniiwasan ay dahil nalaman mo na ang totoo kong pagkatao? Na isa akong walang kwentang Prinsepe na walang maipakitang karangalan. Hindi katulad ni Magnus na kayang ipagyabang na isa siyang Fordham.” napapaos na sambit ni Cassian. Ramdam niya iyong bigat ng mga binitawan nitong salita.

Ilang araw na yata itong nag-iisip ng kung anu-ano patungkol sa dahilan ng pag-iwas niya dito, kaya kung anu-ano na rin ang sinasabi nito.

“Hindi ganoon iyon.”

“Kung ganoon, dahil ba iyon sa sinabi ko nang nakaraan. Hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko para sa'yo dahil may iba ka ng mahal, tama ba?”

Napayuko si Alecxie.

Paano niya naman kasi masasabi dito ang totoo nilang sitwasyon. Siguradong hindi nito maiintindihan kaya mainam na rin siguro na ganoon na lang ang isipin nito. Mas madali kasi iyong maintindihan kaysa ipaliwanag niya ang totoong dahilan kung bakit hindi sila pwedeng magsama.

“Patawad, Cassian.” Tumalikod na si Alecxie.

Mariin siyang pumukit para pigilan ang pagtulo ng luhang nasa sulok na ng kaniyang mga mata. Hindi niya masabi kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon