Hindi niya naman alam na napakalayo pala ng bayan kung nasaan nanunuluyan ngayon ang ina ni Mattie. Tatlong oras na silang nasa karwahe pero hindi pa rin sila humihinto. Ilang bayan na ang nalampasan nila.
Pero ang makita na masaya si Mattie. Kahit paano alam niyang worth naman ang kalalabasan niyon.
“Matagal na rin simula nang makalabas ako ng ganito kalayo.” kahit ang tinig nito ay punong-puno ng pananabik.
Napangiti na lang si Alecxie habang pinagmamasdan ang dalaga. Nakasilip ito sa labas ng bintana at namamangha sa nakikita. Ganoon rin naman siya. Kanina pa siya natutulala sa ganda ng tanawin sa paligid nila. Lalo na sa tuwing daraan sila sa mga pamilihin. Busog na busog ang mga mata niya.
“Nananabik ka na sigurong makita ang iyong ina.”
Lumingon sa kaniya si Mattie at ngumiti. Isang napakatamis na ngiti na ngayon niya lang nakita simula ng dumating siya sa lugar na iyon.
“Maraming salamat Lady Seren. Hindi ko alam kung paano makagaganti sa pabor na ito. Pangako mas pagbubutihin ko pa ang aking trabaho.”
Nagulat at parehong napakapit sa katawan ng karwahe sina Alecxie at Mattie nang bigla iyong huminto. Para iyong dumaan sa matinding lubak at napatigil. Mayamaya ay nakarinig ng komosyon sa labas ang dalawa. Nagtatakang pinadulas ni Alecxie ang bintana na nasa gawi niya at inilabas ang kaniyang ulo para tingnan kung ano ang mayroon sa labas. Ganoon din ang ginawa ni Mattie.
Doon nila nakita na may mga lalaking humarang sa sinasakyan nila. May mga dala silang armas na bigla na lang sinugod ang mga kasama nilang tauhan. Ang alam niya ay marunong lumaban ang ilan sa mga kasama nila na nagpapatakbo ng karwahe. May mga kasama rin silang naka-kabayo na nasa likuran na kaagad bumaba para tumulong sa kaguluhan.
“Mga bandido.” Takot na napakapit sa kaniya si Mattie. “Sandali. Hindi sila mukhang mga simpleng bandido lang.”
“Huh?” naguguluhan siyang napalingon kay Mattie. Titig na titig ito sa unahan. Nang mapagtanto ang sasabihin ay tsaka ito pumaling ng tingin sa kaniya.
“Mukha silang mga bayarang mamatay tao.”
Ramdam ni Alecxie ang kakaibang takot sa tinig nig dalaga. Para tuloy siyang nahawa dito. Ang dibdib niya ay malakas na tumambol sa isipin na may mga taong maaari silang patayin.
Takte naman... Sinusundan ba siya ng kamatayan? Bakit may gustong mamatay siya?
“Sa tingin ko hindi tayo ligtas kung mananatili lang tayo dito, Lady Seren. Mukhang kailangan nating lumabas. Madali!” Tensyonadong turan ni Mattie. Panay ang sulyap nito sa labas na tila sinisigurado ang nakikita.
Sang-ayon siya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay iyon nga ang tama nilang gawin lalo't isa-isa ng bumabagsak ang mga tauhan na ipinasama ng ama ni Seren sa kanila. Doon pa lang alam niya na, na hindi basta-bastang mga magnanakaw lang ang humarang sa kanila. Magaling silang humawak ng sandata at makipaglaban kaya baka nga tama si Mattie.
“Halika na.” Maingat na binuksan ni Mattie ang pintuan ng karwahe. Puro kalansing ng espada ang maririnig sa paligid. Takot man ay nilakasan ni Alecxie ang loob na sumunod sa pagbaba ni Mattie. Hawak kamay silang tumakbo hanggang sa may makapansin sa kanila.
“Tumatakas ang Binibini.” sigaw ng isa sa mga bandido.
Dahil doon ay mas binilisan pa nila ang pagtakbo. Pumasok sila sa kakahuyan. Pareho nilang alam na kung sa kalsada lang sila tatakbo ay madali silang masusundan, kaya iyon ang ginawa nila.
Kahit hindi alam ang pupuntahan tumakbo sila ng tumakbo. Ang nasa isip nilang dalawa ay makalayo sa mga masasamang tao na iyon.
Hanggang sa bigla na lang bumagsak si Mattie sa lupa. Napangiwi ito sa sakit at napatingin sa kanang binti. Tinamaan ito ng palaso. Nanginginig na napatitig sa kahoy na bala ng pana ang dalaga nang makita na nagsisimulang umagos ang sariling dugo.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...