Nang makita ang kakaibang lungkot sa mga mata ni Seren ay naikuyom ni Cassian ang kamao. Seeing how Seren reacts to what she saw. Alam niyang nasaktan niya ang damdamin nito.
Hindi niya alam na ganito pala siya kasama.
Ano ba kasing inaasahan niya? Dapat ba itong magdiwang dahil ang lalaking nangako na mamahalin siya habang buhay ay magpapakasal naman sa iba.
“That's life brother. You only have to choose one...” Magnus smirked at him.
Mula sa direksyon na tinahak nina Seren at Margareth ay nilingon niya ang kapatid. Galit niya itong nilapitan at kinuwelyuhan.
“What the hell are you doing, Magnus?” mariin niyang tanong.
Hindi siya tanga para hindi malaman na may nais itong ipahiwatig sa dalaga, sa pamamagitan ng mga regalong ibinigay nito.
Lalo lang lumuwag ang pagkakangisi ni Magnus. Hinawakan nito ang kamay niya at marahas na inalis iyon sa kinakapitan.
“I'm doing the right thing, Cassian. Ito ang bagay na dapat noon ko pa ginawa.” his eyes were full of determination.
Kahit ano pa ang sabihin niya ay tiyak na wala itong plano na tigilan si Seren.
Talaga bang gusto nito na maging karibal siya?
“So you are going to pursue, Lady Seren? Nasisiraan ka na ba ha? Ikakasal ka na Magnus!” 'Di mapigalang magtagis ang kaniyang bagang.
He wanted to punch his brother pero pinipilit niyang labanan ang sarili. Naroon sila sa labas kaya tiyak may makakakita sa kaniya, kapag ginawa iyon. He can't let his anger do stupid stuff. He also can't risk his name, kaya pinilit niyang kontrolin ang sariling galit.
“Ikakasal ka na rin di ba? So why do you look so pissed?” Magnus asked.
Nakarating na pala dito ang balita. Talaga ngang marami itong resources.
“Ilabas mo si Seren sa kalokohang pina-plano mo. I am warning you, Magnus! Baka makalimutan ko na kapatid kita.”
“Kalokohan? Paano mo nasabing kalokohan lang ang isang 'to ha? I am backing out at my own wedding...”
“You what?”
“Now. Sino sa tingin mo ang dapat na mas lumapit kay Lady Seren?”
Magnus left him with those words. Ramdam niyang may katotohanan sa mga binitiwan nitong salita, pero hindi niya iyon matanggap. He can't accept the fact that between Seren and the Kingdom, his priority would be the second.
While Magnus was his opposite. He is going to throw away everything for Seren.
Why can't he be like that?
Eksaktong pagkaalis ni Magnus ay dumating naman si Stefan. Mukhang naihatid na nito sa Seren sa kwarto nito. And now he's back. Siguradong may gusto itong malaman mula sa kaniya.
Pagkatapat sa kaniya ni Stefan ay sandali itong bumulong at nagpatuloy sa paglalakad. “Sumunod ka sa'kin.”
He followed Stefan. Tumungo sila sa kakahuyan na malapit lang sa paaralan. The place where he first saw Seren. Parang kailan lang.
He can still remember the day.
It was magical.
He was swimming, and then he saw something about his peripheral vision. When he turned his gaze, he saw this goddess standing by the rocks. She was looking at him. There is something in her eyes that caught his whole attention.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...