New Life
×××
Iyong babaeng sumundo sa kaniya ay si Mattie. Ang kaniyang personal na taga-silbi. Kasama niya ito sa paaralan. Ang totoo'y hindi lang siya ang may kasamang taga-silbi sa paaralan na iyon. Lahat kasi ng nag-aaral doon ay may mga kasamang tauhan na may sariling tambayan sa paaralan. Iyon ang sabi sa kaniya ni Mattie, nang tanungin niya ito kung paano siya nito nahanap.
Halos kaedad niya lang si Mattie. Hindi katulad ng kasuotan niya ay simpleng bestida na kulay puti lang ang suot nito. Ilang patong rin iyon na halos nakasayad na sa lupa ang haba. Nakapusod ang buhok nitong mahaba at walang anomang kolorete sa mukha. Para sa kaniya ay maganda ito lalo't litaw ang tunay nitong ganda dahil sa simpleng postura.
Habang itong si Seren ay kabaliktaran ng babae. Kung bakit naman kasi ang kapal ng make up nito. Natatakpan tuloy ang totoo nitong ganda. Oo maganda naman si Seren.
Habang nasa karwahe ay nanghiram siya ng salamin kay Mattie kaya natitigan niyang muli ang sarili. Unti-unti ng nabubura ang make up niya kaya lumilitaw na ang totoo niyang itsura. Nagtataka nga siya kung bakit kailangang itago ng dalaga ang totoo nitong ganda. O baka dahil iyon sa role niya sa kwentong iyon. Kailangan niya kasing mag mukhang kontrabida.
Namamanghang inilibot ni Alecxie ang tingin sa pinasukan nilang bahay. Halos malula siya sa laki niyon. Animo'y totoo iyong palasyo. Pwede ngang gawing takbuhan ang loob ng bahay dahil sa dami ng espasyo.
Ang daming katulong na nag-asikaso sa kaniya pagpasok niya. Tinulungan pa siya ng mga ito sa pagligo at pagpapalit ng damit. Para siyang isang tunay na prinsesa. Wala iyong sinabi bilang pagiging celebrity niya. Ramdam niya iyong royalty feels na tinatawag.
Sa lugar na iyon ay itinuturing na prinsesa at prinsepe ang anak ng mga taong naka-aangat sa buhay. Katulad ni Seren. Hindi naman talaga ito anak ng hari at reyna pero prinsesa ito sa paningin ng lahat.
Sa hinuha niya ay may mataas na katungkulan ang pamilya ni Seren sa lugar na iyon. Hindi narin masama dahil hindi siya maghihirap. Lahat pwede niyang gawin lalo at may pera siya.
Maingat na tumayo si Alecxie. Humarap siya sa malaking salamin na nasa gilid ng malaking kama. Pinagmasdan niya ng maige ang sarili. Malayong-malayo iyon sa itsura niya bilang si Alecxie. Pakiramdam niya bumata siya ng ilang taon. At least, hindi siya napunta sa katawan ng babaeng may asawa at mga anak na.
Dahil dalaga pa siya ay makapipili siya ng lalaking mamahalin sa lugar na iyon.
Teka... Hindi kaya naroon din ang soulmate niya?
Imbes na isipin niya ang ginawa sa kaniya ng nobyong si Francis ay mainam na mag focus na lang siya sa ibang bagay. Mabuti nga at napunta siya sa lugar na iyon. At least, kahit paano ay mabilis niyang makalilimutan ang panloloko nito. Masyado siyang nae-excite dahil sa mga nangyayari sa kaniya kaya imbes na isipin ito ay iyong mga bagay na nararanasan niya ang iniisip niya.
Siguro paraan na rin iyon ng langit para tulungan siya na mapabilis ang pag mo-move on.
“Lady Seren, nakahanda na po ang hapunan.” Katok sa pintuan ng isa sa mga katulong sa bahay na iyon.
Hindi na ito pinaghintay ni Alecxie ng matagal. Pagkarinig niya sa sinabi ng katulong ay tinungo niya kaagad ang pintuan para buksan iyon.
Isang matamis na ngiti ang ginawad niya sa katulong na halatang hindi makapaniwala. Bahagya kasi itong napanganga at alanganing gumanti ng ngiti.
Bakit? Hindi ba palangiti si Seren?
Tahimik niyang sinundan ang katulong na alanganin pang lumakad. Gusto kasi nitong sa likuran niya pumwesto pero pilit niya itong pinauna para dalhin siya sa dining area. Hindi niya kasi alam kung nasaan iyon.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
Viễn tưởngAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...