CHAPTER 55: Aso't Pusa

1.9K 70 1
                                    

“Mattie, Sir Stefan. Nariyan lang pala kayo.”  Kaway sa kanila ni Seren.

Nang makita ay ginantihan rin ito ng kaway ni mattie.

Hinila ni Seren si Cassian patungo sa kinaroroonan ng nila. Nang makalapit ay agad kumunot ang noo ni Seren dahil sa nakitang itsura ni Stefan. Paano'y para itong nalugi sa negosyo. Bagsak ang balikat at nakatitig lang sa hawak na isda. Para pa nga itong maiiyak na.

Siguro napag-isip na nito ang ginawang paggasta.

Ibig matawa ni Mattie habang pinagmamasdan binata, pero pinipigil niya ang sarili. Ayaw niya kasi na lalong sumama ang loob nito.

Loko kasi. Sino ba ang may sabi na ubusin nito ang pera sa larong iyon.

“Ano'ng nangyari? Ayos ka lang ba, Sir Stefan?” tanong ni Seren.

Lalapitan sana nito si Stefan pero agad hinila ni Cassian ang braso nito kaya hindi ito nakalapit sa binata. “Hayaan mo nga 'yan. Baka umaarte lang 'yan. Nagpapaawa dahil hindi nakasama sa amo niya. Arf arf...”

Nag-angat naman ng tingin si Stefan at tumitig kay Seren. Nakakaawa nga ang mukha nito. Halatang tino-totoo nito ang sinabi ni Cassian na nagpapaawa.

Hindi naman kasi ganoon kalala ang itsura nito kanina. Ngayon, para itong batang naagawan ng kendi.

“Lady Seren...” Tatakbuhin sana ni Stefan si Seren pero agad na pina-pwesto ni Cassian si Seren sa likuran, kaya bumangga lang si Stefan sa Prinsepe.

“Ano naman ang balak mong gawin, ha kabalyero? Gusto mo bang ibaon kita riyan sa kinatatayuan mo?” Asik ni Cassian kay Stefan.

Ngumisi lang si Stefan at nakipagtitigan dito. Parang naghahamon lang ng gulo. “Ibaon? Bakit kaya mo ba ha? Porket isa kang Prinsepe, sa tingin mo kaya mo ng gawin ang lahat ha?”

Hindi alam ni Mattie kung saan nakakakuha ng lakas ng loob si Stefan para sagutin ang prinsepe, pero grabe ang tapang nito.

Ipinakilala na si Cassian bilang tunay na prinsepe kaya naman ilag na ang mga tao dito. Lahat ng nakaaalam sa pagkatao nito ay kinakausap ito ng may pag-iingat dahil natatakot sila sa magiging kaparusahan. Pero itong si Stefan... Masyadong pormal makipag-usap sa prinsepe na parang normal na tao lang ang kausap nito.

Ganoon ba ito katapang?

“Gusto mo talagang ibaon kita sa lupa ha kabalyero?” Cassian shouted.

Kinapitan tuloy ito ni Seren na halatang hindi gusto kung saan papunta ang nangyayari.

Samantala, humarap sa kaniya si Stefan at iniabot ang hawak na isda. Nang makuha niya iyon ay muli itong bumalik sa posisyon, tsaka itinaas ang dalawang kamay na parang naghahamon ng suntukan.

“Sige kamahalan. Subukan mo.”

“Talaga namang...”

“Sige na pusa. Lapit!” Stefan smirked. Kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig nito, halatang ginagalit nito si Cassian.

“Pusa? Ako?” Turo ni Cassian sa sarili. Lalo ng hindi maipinta ang mukha nito.

“Oo pusa. Hindi ba't pusa lang ang may ganiyang kulay ng mga mata. Magkaiba ang kulay ng mga mata mo kaya naman isa kang pusa.”

“Aba't lokong 'to ah. Gusto mong kalmutin muna kita bago ibaon?”

“Sige na puro ka naman daldal diyan e. Tara. Fight me!”

Natigil lang ang pagtatalo ng dalawa nang lumiwanag ang kalangitan.

Lahat sila ay napatingala sa langit. Iyong kanina lang na parang aso't pusa ay bigla na lang tumahimik at namamanghang napatitig sa makukulay na mga paputok.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon