Alecxie was so thankful. Kahit isa kasi ay wala pang nagpapadala ng sinasabi ng magulang ni Seren na application ng mga wanna be husband niya. Dahil doon ay normal na lumakad ang araw niya.
Pumasok siya at sinubukan na makipaglapit sa lahat. Today, she was extra nice to everyone. Naisip niya kasi na maganda kung magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan, para naman hindi siya palagi na lang na nag-iisa. Habang naroon sa lugar na iyon ay gusto niyang makita ng mga tao ang kaniyang pagbabago.
Sandaling natigilan si Alecxie nang matanaw na naglalakad si Magnus. Mag-isa lang ito. Tamang-tama para makausap niya. Agad niyang hinabol ang prinsepe.
“Prinsepe Magnus, sandali.”
Lumingon naman ito nang tawagin niya. “Lady Seren? May maipaglilingkod ba ako sa'yo?”
Oo meron.
Nagulat pa si Magnus nang hilahin niya ito palayo sa lugar. Mabuti na lang at sumunod naman ito sa kaniya ng walang pagtutol. Ayaw niya lang kasi na may makakita sa kanila kapag doon sila nag-usap sa hallway kaya dinala niya ito sa library. Bihira lang kasi na may tumatambay doon kaya iyon ang lugar na naisip niyang pagdalhan kay Magnus.
Pilit na pinaupo ni Alecxie si Magnus sa nakita niyang bakanteng upuan tsaka siya naupo sa harapan nito. Sandali niya pa itong tinitigan sa mukha habang iniisip kung paano sisimulan ang pag-uusap na iyon.
“May gusto lang akong malaman.” pagsisimula ni Alecxie.
Seryosong napapatitig lang sa kaniya si Magnus. “Ano naman ang gusto mong malaman?”
“Are you from here?”
Agad napakunot ang noo ni Magnus dahil sa sinabi niya. “From here? Dito sa kaharian? Anong klase ba ng tanong iyan Lady Seren? Syempre, I am from here. Ano bang sinasabi mo?”
“No! Not Magnus Fordham. You. I am talking to you. ”
“What?” Lalo pang dumami ang kulubot sa mukha ni Magnus. Halata na naguguluhan ito sa sinasabi niya. “But— I am Magnus Fordham.”
He was the real Magnus. Ang ibig ba niyong sabihin ay hindi ito ang soulmate niya?
“You are real. Right. Maybe you are not my soul—”
Nagulat at napatigil na lang si Alecxie nang idampi ni Magnus ang palad nito sa noo niya. Pinakiramdaman nito kung mainit ba siya. Napagkamalan pa tuloy na may sakit siya, kaya siya nagsasalita ng kung anu-ano.
“Masama ba ang pakiramdam mo? Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala ka sa sarili e. May nangyari ba? Gusto mo ba na magpatawag ako ng manggagamot?” may pag-aalala pa nitong tanong.
Magkapatid nga sila ni Cassian. Parehas lang kasi silang maalalahanin.
Ito ang lalaking unang nagpakita ng kabutihan kay Seren, kaya siguro nahulog ang loob dito ang dalaga. Siguro kung si Cassian ang unang nakilala nito ay ito ang mamahalin niya. Wala sanang problema kung ganoon ang naging takbo ng kwentong iyon. Kaso lang, masaya talaga ang mga writers kapag gumagawa sila ng kaguluhan sa kwento e.
Kapag naiinis at apektado ang mga readers ay tuwang-tuwa sila. Kaloka.
Kinuha ni Alecxie ang kamay ni Magnus na nakadampi sa noo niya at ibanaba iyon. “Ayos lang ako. Sandali. May tanong pa ako. Iyong kwintas mo? Iyong may palawit na hourglass. Bakit hindi mo yata iyon suot ngayon?”
“That necklace...” Nakangiting ipinasok ni Magnus ang kamay sa bulsa ng kaniyang suot na coat. Mula roon ay may inilabas ito na maliit na kahon. Binuksan iyon ng binata at doon niya nakita ang hourglass pendant na hinahanap niya.
“Paano mo nalaman ang tungkol sa kwintas na ito?” takang tanong ni Magnus.
“Saan mo nakuha ang kwintas na iyan?” tanong naman ni Alecxie.
“Ang totoo niyan. Napulot ko ito sa may kakahuyan noong nakaraan lang. Balak ko na nga sana itong isauli sa may-ari kaya lang hindi ko naman alam kung sino ang pagbabalikan ko nito.”
Napakurap-kurap si Alecxie. Base sa kwento ni Magnus ay posible nga talaga na ito ang soulmate niya. Maaring wala lang itong maalala tungkol sa totoong mundo kaya hindi nito masagot ang unang naging tanong niya. Baka iba ang paraan ng pagdating sa lugar na iyon ng binata?
“Ang totoo niyan. Ako ang nagmamay-ari ng kwintas na iyan.”
Nanlaki na lang ang mga mata ni Magnus nang marinig ang sinabi niya. Napatitig ito sa mga mata niya na para bang inaalam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Halata sa mukha nito na hindi ito makapaniwala.
“Totoo?”
Tumango si Alecxie bilang tugon sa binata. Sumilay tuloy ang matamis na ngiti sa labi nito. Iyong ngiti na may kasamang amusement.
“Hindi ako makapaniwala,” ani Magnus pa.
“Ako nga rin.” awkward na ngiti naman ni Alecxie.
Mula sa kahon ay maingat na inilabas ni Magnus ang nasabing kwintas. “May I?” sabay tanong nito kung pwede ba nitong isuot sa kaniya ang kwintas na iyon.
Tumalikod naman dito si Alecxie at hinawi ang buhok niyang nakalugay upang bigyan ng puwang ang gagawin ni Magnus.
Mayamaya lang ay naramdaman na niyang dumampi sa balat niya ang kwintas. Nang maisuot iyon sa kaniya ng binata at nangingiti niyang hinawakan ang maliit na pendant niyon at tumingin kay Magnus.
“Salamat.”
Pwede niya na ba itong halikan? Paano kung nagkamali siya at hindi pala ito ang soulmate niya? Ano kaya ang gagawin ng binata kung sakali?
Ikakasal na ito kaya siguradong hindi nito magugustuhan ang gagawin niya. Pero ngayon na ang tamang pagkakataon. Kunwari ay halik lang iyon bilang pasasalamat sa pagbabalik nito ng kwintas sa kaniya.
Isang halik na mabilis lang. Asar. Wala naman kasing sinabi si Emit kung anong klase ng halik ba ang kailangan nilang pagsaluhan ng soulmate niya para makabalik na.
Ilang seconds ba dapat?
Ay bahala na nga...
Mariing ipinikit ni Alecxie ang mga mata. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ng binatang nasa harapan niya. She was about to kiss Magnus nang may narinig siyang paparating sa gawi nila.
Si Margareth. Nagtataka itong napatingin sa kanilang dalawa ni Magnus.
“Prinsepe Magnus. Lady Seren.” tawag nito sa mga pangalan nila.
Biglang nakaramdam ng hiya si Alecxie na mabilis na umayos ng upo. “Lady Margareth. Anong ginagawa mo dito?”
“Ah, magkikita kasi kami ni Prinsepe Cassian dito. Kayo ano ang ginagawa ninyo ditong dalawa?” tila may nais ipahiwatig si Margareth sa naging tanong nito. Kakaiba kasi ang naging tono nito. Parang may kasama iyong pagdududa.
Baka iniisip nito na may ginagawa silang kababalaghan ni Magnus.
Ewan siguro kung anu-ano lang ang iniisip niya dahil na rin sa kamuntikan ng may makakita sa gagawin niya. Kapag hindi iyon nag success, yari talaga siya..
“Ah, isinauli ko lang ang napulot kong kwintas ni Lady Seren. Sige, mauna na ako.” Tumayo na si Magnus.
Bahagya itong yumukod sa kaniya at tumalikod na. Hindi na tuloy siya nakapagpasalamat ng maayos dito. Hindi niya rin ito nahalikan. Napaka wrong timing naman kasi nitong si Margareth e.
“Ah, sige kita na lang tayo mamaya Lady Seren. Baka naghihintay na sa akin si Prinsepe Cassian e.” Tumalikod at umalis na rin si Margareth.
Tsaka naalala ni Alecxie ang sinabi ni Margareth. Magkikita raw sila doon ni Cassian.
Kung ganoon, naroon na ba si Cassian?
Tahimik na pinagala ni Alecxie ang tingin sa paligid. Wala naman siyang nakikitang tao. Wala kahit anino.
Malamang wala pa roon ang binata.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...