“Te-teka... D-dito ka matutulog ngayon?” nauutal kong tanong habang umaatras patungo sa kabilang dulo ng kama.
Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon? Dahil masyado akong naging focus sa pagiging pangalawang asawa ng Hari ay nakalimutan ko ang bagay na ginagawa ng mga bagong kasal.
Ang honeymoon.
Kaya nga nagulat pa ako nang dumating si Cassian sa silid ko. Ang tanging suot niya lang ay kulay puting roba katulad nang minsan ko siyang nabungaran pag gising ko. Naka-overlap iyon sa katawan nito at tanging makapal na tali lang ang nagsisilbi niyong lock. Oras na matanggal ang pagkakabuhol ng taling iyon ay tiyak na malalantad na ang itinatago nitong kaibigan.
At dahil bigla ko iyong naisip ay hindi ko napigilan ang makaramdam ng matinding hiya. Kailangan ba kasi talaga naming gawin ang bagay na iyon? Hindi pa ako handa.
Sa bawat pag-atras ko ay lumalapit naman si Cassian kaya narating ko na ang dulo ng kama. Kamuntikan pa akong mahulog. Mabuti na lang at nakapitan ni Cassian ang bewang ko at mabilis akong nahila pabalik sa gitna ng kama. Natataranta ko naman siyang itinulak nang maramdaman ko ang mainit niyang katawan.
Sumimangot tuloy si Cassian. Tapos mula sa pagkakaharap sa akin ay bigla na lang itong tumalikod.
“Gusto ko lang namang matulog sa tabi mo. Bakit para namang may nakakadiri akong sakit. Grabe ka naman sa'kin...” may himig ng pagtatampong sabi niya.
Umaarte ba siya? O nasaktan ko talaga ang loob niya?
Mahabang katahimikan ang sunod na namagitan sa amin ni Cassian. Nanatili siyang nakatalikod sa akin kaya hindi ko magawang basahin ang mukha niya pero ramdam kong nagtatampo nga siya.
After a few minutes, he finally talked again. “Hindi mo talaga ako susuyuin no?”
Muling humarap sa akin si Cassian. Doon ko nakita ang luhang bumasa sa pisngi niya. He was pouting like a child.
Seryoso? Dahil lang sa pagtulak ko sa kaniya ay umiyak na siya?
I don't know that he was this softly. Napaka sensitive niya pala. Maybe because he was expecting us to cuddle.
“Seryoso? Luha ba talaga 'yan?” I reached his face. Talagang basa iyon ng luha. Pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko.
Habang hawak ko ang pisngi niya ay kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Then he sadly smiled. “Let me sleep here please. Promise, matutulog lang tayo. Wala akong gagawin na hindi mo gusto.”
I examined his face. Mukha naman siyang sincere sa sinabi niya. He lets his puppy eyes show how sincere he is. Para siyang tutang namamalimos ng pagmamahal. Kulang na lang ay mag wiggle ng buntot; kung meron man siya.
“Fine! Matutulog lang tayo ah.” Hila ko sa kamay ko.
Tumango-tango naman si Cassian. Although he agreed to what I said, I saw the smile he did. Animo'y may kalokohan itong iniisip.
If he forced me to do it, wala akong magagawa kung hindi ang lumaban. Bahala na kung isa pa siyang hari basta hindi niya mapagagawa sa akin ang bagay na ayokong gawin.
Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya pero mahigpit ang kapit niya sa katawan ko na parang lintang nakadikit.
“Ano ba'ng ginagawa mo? Sabi mo matutulog lang tayo.” reklamo ko.
“Gusto kong matulog na nakayakap sa'yo.”
“Pero hindi iyon—”
“Shhh... Tulog na tayo, Seren.” Cassian closed his eyes.
Magkadikit ang mga katawan namin kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkailang.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...