CHAPTER 53: Nakamamangha

2.1K 68 3
                                    

“Alam ko naman na hindi mo gusto na kasama ako ngayon. Patawad, Sir Stefan.”

Bumalik sa tamang wisyo si Stefan nang marinig ang sinabi ng kasama niyang dalaga. Binaling niya ang tingin kay Mattie. Nakayuko ito at nakatingin sa mga paa.

Hindi talaga siya magaling sa ganito. He was not a socialized person. Kung tutuusin nga mas gusto niya pa ang mag-isa kesa makisama sa ibang tao. Siguro dahil na rin lumaki siyang nag-iisa. Nasanay siyang walang sinumang sinasandalan kaya hindi siya umaasa sa iba.

Itong si Cassian lang talaga ang napalapit sa kaniya dahil para naman itong tutang bumubuntot sa kaniya noon kaya napilitan siyang kaibiganin ito.

“I’m sorry. H-hindi naman sa ganoon, Mattie.” naiilang na wika ni Stefan.

Alam niya naman kung paano makisama sa tao kaya lang hindi niya iyon alam gawin ng tama.

“Ayos lang. Hindi naman natin kailangang magustuhan ang isa't-isa e. Hindi naman ito totoong date.” kagat-labing sambit ni Mattie tsaka ito tumalikod at humakbang palayo.

Natataranta naman siyang hinabol ni Stefan. Baka naisip nitong nasaktan ang damdamin niya.

“Mattie, sandali...” Habol sa kaniya ni Stefan.

Imbes na intayin ito ay nagpatuloy lang si Mattie sa paglalakad. Animo'y wala siyang naririnig.

Hindi naman siya galit dito. Malungkot lang siya dahil akala niya ay magde-date nga sila.

Alam niya naman na hindi totoong date ang gagawin nila pero gusto niya lang kasi sanang maranasan ang bagay na iyon. Gusto niyang malaman ang pakiramdam na may ka-date na isang knight.

Isang knight. Tama. Hindi dapat siya naghahangad ng masyadong mataas.

Dapat ibaba niya ang standards niya sa lalaki kung gusto niyang makapag-asawa.

“Sandali naman.” Hinawakan siya ni Stefan sa braso kaya naman napilitang tumigil sa paghakbang si Mattie.

Nilingon niya ang binata. Nang makita ni Stefan ang basang pisngi niya dahil sa luha ay bigla nitong nabitiwan ang braso niya. Mababakas sa mga mata nito ang pagkabahala.

Dahil sa hiya ay napayuko na lang si Mattie.

“Umiiyak ka ba?” Stefan asked halata ang pagkabalisa sa tinig nito.

Baka iniisip nitong siya ang dahilan ng pag-iyak niya.

“H-hindi. A-ano lang. Na-napuwing lang ako.” pagdadahilan ni Mattie. Agad niyang pinahid ang pisngi at ngumiti bago itinaas ang tingin.

Naiilang man ay pinilit niyang harapin si Stefan.

Tinitigan naman siya ni Stefan. Mukhang hindi ito kombinsido sa sinabi niya kaya nanatili itong tahimik na nakatitig lang sa kaniya.

Muli tuloy siyang napayuko.

“Pasensiya na. Wala naman itong kinalaman sa'yo. May naisip lang akong nakakaiyak kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. Pasensiya na talaga.” paliwanag ni Mattie.

Paulit-ulit pa siyang nagyuko ng ulo bilang paghingi ng pasensiya dito.

Ayaw niyang magka-ilangan sila ni Stefan lalo't pareho ang pinagsisilbihan nila kaya hindi siya komportableng nag-iisip ito ng kung ano sa kaniya.

“Pasensiya ka na rin. Kasama kita pero kung saan saan lumilipad ang isip ko.”

Lumilipad nga talaga ang isip nito.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon