Pagkatapos kong tanggalin sa katawan ni Argus ang mga palaso ay sinimulan ko na ang paghahanap sa iba. At dahil wala namang pupuntahan si Argus ay naisipan nitong sumunod na lang sa akin.
Salamat sa tulong niya dahil nang makita niya ang nakausling buntot ng tigre sa likod ng matabang puno ay agad itong ngumuso kaya nakita ko.
Dahil hindi ko gaanong makita ang katawan ni Damian mula sa kinatatayuan ko at tahimik akong umikot para makaharap sa kaniya. Habang si Argus at nanatili lang sa kinatatayuan niya. Para itong batang excited mula sa pinapanood na palabas. Kitang-kita mo ang kakaibang kislap sa mga mata nito.
“Gotcha!” I greeted Damian. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita ako na nasa malapit na.
Mula sa pagkakasandal sa puno ay pumorma siya na parang tigreng susugurin ako. He even shows his full teeth.
“Rawr...” he groaned.
Ibig kong matawa pero pinigil ko lang ang sarili ko.
Unang beses kong nakasama ng ganito si Damian kaya ngayon ko lang nalaman na mabilis pala itong sumakay sa mga trip ni Cassian. Halata kasi na game na game ito sa ginawa namin ngayon. Paano'y umaarte pa ito na parang totoong tigre.
It was far from his image as a member of Royal Dark Knights.
I shoot Damian to his chest. Nang makita niyang dumikit ang palaso sa dibdib niya ay hinawakan niya iyon at naiiyak na tumingin sa akin. He made a puppy with a teary eyes.
“Mama tiger... Papa tiger... I am sorry. I can't fulfill my promise anymore.” akala mo'y unti-unti na itong nawawalan ng lakas na mabagal na humiga sa madamong lupa. I must say, he was good at acting. Para lang kasi itong nasa play na umarteng unti-unting namamatay.
Ilang segundo rin itong nanatiling nakapikit lang bago ito nagdilat ng mata at nag thumbs up sa akin.
“You got me, Your Majesty.” Damian smiled.
Mabilis na itong tumayo at hinugot ang palaso na nakadikit sa costume nito bago iniabot iyon sa akin. Tapos itinaas nito ang kamay at itinuro ang pinagtataguan ni Raymond.
“Kill that turtle for me, Your Majesty. But please, be gentle to him. Pagong lang siya. He is innocent. Pure and a brave little turtle.” ani Damian.
I just nodded.
Wala na akong sinayang na oras. Agad kong nilapitan si Raymond. Nang mapagmasdan ko ito ay tsaka lang ako natawa dahil biglang pumasok sa isip ko na, ano ba ang ginagawa ng pagong sa hunting ground? Hindi naman kasi ito wild animal. Like Damian said, this turtle looks so innocent.
How can I kill an innocent animal? Of course I can't do it. I am not that bad.
“Ok, I spare you turtle. You don't deserve to die.” I tap Raymond shoulder.
Nakita kong nalaglag ang panga ni Raymond dahil sa narinig. Nginitian ko lang siya tsaka tinalikuran.
May mga huhulihin pa kasi ako. I need to hunt that bunny, deer, and my lion.
Narinig kong inaasar nina Argus at Damian si Raymond dahil sa pagpapalaya ko dito kaya palihim na lang akong natawa.
Talaga pa lang close ang bawat miyembro ng Royal Dark Knights. Sa mundo ko, para silang mga grupo ng astig na lalaki. Mga gangster ganoon. Kapag kasi nasa labas sila ay napaka se-seryoso nila. Pero kapag magkakasama naman ay lumalabas ang kani-kaniya nilang kulit. I was so happy to know that Cassian have them. At least, nalaman ko na may mga kaibigan pala siya.
When I saw something brown in the bush ay agad kong itinaas ang hawak kong espesyal na pana. Itinapat ko iyon sa direksyon ng deer at nang makahanap ako ng magandang anggulo ay agad ko iyong pinakawalan.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...