Suot ang isang kulay itim na eleganteng gown ay sopistikadang naglakad si Alecxie papasok sa entrance ng Judson Villa. Salamat sa kaalaman ni Seren at malinaw sa memorya niya kung paano magmukhang edukada.
Sinadya niyang magsuot ng kulay itim dahil tiyak na may mamamatay ngayong gabi. It was Alecxie's heart. Siguradong magluluksa siya pagkatapos ng event na iyon kaya naghanda na siya.
Margareth's family wealth was tripled to Seren family wealth. Sa labas pa lang ay alam mo na kaagad kung gaano kayaman ang pamilya nito. Parang palasyo kasi ang Judson Villa. May mataas iyong bakod at may kalawakan ang nasasakop na lupain.
She entered the event hall. Pagpasok niya pa lang ay ramdam niyang pinagtitinginan na siya ng mga tao. Maybe because she's wearing all black. Kahit isa wala kang makikita na kapareha niya ang kulay ng suot. Halata na hindi pa uso ang kulay black sa panahong iyon. Kahit sa lamay, wala atang nagsusuot ng ganoon.
Habang naglalakad ay nagulat pa siya nang bigla na lang may humawak sa braso niya. Sinimulan siya nitong hilahin palayo sa mga taong halata namang siya ang pinagbubulungan dahil nakatingin sa gawi niya.
Nang tingnan niya kung sino ang humihila sa kaniya ay nakita niya si Elizabeth. Dinala siya nito sa hallway na walang tao. Medyo madilim sa gawing iyon dahil kaunti lang ang ilaw pero sapat na para mapagmasdan niya ang mukha ni Elizabeth.
“Anong ginagawa mo dito?” bungad ni Elizabeth sa kaniya. Binitawan na siya nito.
Nagtataka siya kung bakit may himig ng pag-aalala ang dalaga. Hindi naman ito nagpapakita ng concern sa kaniya, kaya nagtataka siya kung bakit ganoon ang tono nito.
Ang naiisip niya ay baka may plano ito. Katulad ni Margareth na tinitira siya ng patalikod ay pinagpa-planuhan rin siya nito ng masama.
“I am being invited here. Anong masama kung magpunta ako dito?” Alecxie raised her eyebrows.
Tumingin sa paligid si Elizabeth. Para itong may pinagtataguan. She looks tense too. Halata na hindi ito komportable sa kung saan.
“You shouldn't be here, Lady Seren. You shouldn't trust Margareth,” she said.
Nagsalita ang dapat na pinagkakatiwalaan...
“How about you? Should I trust you, Lady Elizabeth?”
Pareho lang naman sila ni Margareth. Ang akala ata nito ay nakalimutan na niya ang ginawa nitong pagpapakalat ng maling balita tungkol sa kaniya. Iyong nadapa ito dala ng sariling katangahan, na isinisi sa kaniya.
“No. You shouldn't trust me either. Because I am not being nice to you. In my head, I always kill you in different ways. Hindi ako totoong mabuting tao kaya hindi mo rin ako dapat na pinagkakatiwalaan, Lady Seren.” Bahagyang nagyuko ng ulo si Elizabeth. “But I am telling the truth now.”
Para lang itong nagko-confess sa isang pari.
Ano 'to nasa ending na ba sila ng libro? Usually, kapag nagsisimula ng magsisi ang mga kontrabida ng buhay bida ay malapit na ang ending.
“Gusto ko lang bumawi sa'yo that's why I am here to warn you. Kailangan mo ng umalis dito ngayon rin. Bago ka pa makita ni Lady Margareth.”
“Ano bang sinasabi mo?”
Ang dami nitong sinasabi pero wala namang maintindihan si Alecxie kaya balak niya na lang sana itong iwanan nang hawakan nitong muli ang braso niya.
“I drink poisonous tea. Lady Margareth forced me to do it. It will take hours, bago ako bumagsak. She's going to point it to you, so please. Umalis ka na ngayon din. Kung wala ka dito ngayon. She will never succeed.”
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...