“One woman! You are looking for only just one woman, pero hindi ninyo pa rin makita? Mga wala kayong silbi!” Maririnig ang malakas na sigaw na iyon kahit sa labas ng silid.
Dahil doon, hindi mapigilan na makaramdam ng takot ng mga tagasilbing nakatayo lang sa labas ng silid. Naroon sila upang pagsilbihan ang Hari kung kailangan nito ng serbisyo nila.
Mayamaya ay maririnig na ang mga gamit na nagliliparan sa loob.
Nagwawala na naman ang demonyo. Iyon ang palihim na tawag sa kaniya ng mga naninilbihan sa palasyo. Pero dahil takot ay nagagawa lang nila iyon sa mga isip nila. Hindi iyon maaring isatinig dahil tiyak na may kalalagyan sila.
“Mga inutil!”
Napayuko si Margareth nang makita ang kulay pulang bigla na lang kumalat sa ilalim ng nakasarang pintuan. Ang akala niya ay dugo iyon ng taong pinatay na naman ni Cassian dahil sa pagiging bugnutin nito.
Hindi na niya alam ang gagawin dito. Ang akala niya kapag naging mag-asawa na sila ay makukuha niya ang puso nito pero nagkamali siya.
Mahigit isang taon na silang kasal pero kahit minsan ay hindi pa ito dumadalaw sa tinutuluyan niya. Pinag-uusapan na nga siya ng mga tagasilbi dahil sa kakaibang set up nila. She was a Queen but not a real Queen to his heart. Dahil doon lalo siyang nagagalit sa Seren na iyon.
Bakit kahit wala na ito ay ito pa rin ang mahigpit na karibal niya.
“Kamahalan, narito po ang Mahal na Reyna.” sigaw ng isa sa tauhan ng Hari na nakatayo sa labas.
Hindi na nag-intay si Margareth na pagbuksan siya nito ng pinto. Siya na mismo ang tumulak doon at pumasok sa kwarto.
Pagpasok ay tumambad kaagad sa kaniya ang nagkalat na mga gamit sa paligid. Pati na rin ang basag na bote ng wine na nasa harapan ng pintuan. At ang tatlong lalaki na mga nakayuko na pare-parehong may mga sugat sa katawan.
Nilingon niya si Cassian. Inutusan niyang lumabas ang lahat ng naroon sa kwartong iyon na agad naman siyang sinunod.
Nang maiwan silang dalawa ng Hari sa silid ay tsaka siya lumapit dito.
“You looked pathetic...” usal niya.
Nilingon siya ni Cassian at tinapunan ng may pagbabantang tingin. He was such an evil person.
Hindi niya inakala na magiging demonyo ito sa loob lang ng isang taon.
“Anong ginagawa mo dito? Hindi naman kita pinapatawag.” malamig na sagot nito sa kaniya.
Halatang wala ito sa mood na makipag-usap ngayon. Psh! Palagi naman e.
“Hindi ka pa ba napapagod sa paghahanap sa babaeng iyon ha? Baka naman kaya hindi mo siya mahanap ay dahil patay na siya—” Napatigil si Margareth sa pagsasalita nang may lumipad na dagger patungo sa kaniya.
Pasalamat siya at asintado si Cassian na halatang sadya siyang hindi pinatamaan. Pero ramdam na ramdam niya ang hangin na dulot ng dumaang dagger sa mukha niya kaya mabilis ang naging pagtahip ng dibdib niya.
Talaga bang kaya siyang patayin nito? Siya na tumulong para makamit nito ang posisyong hawak nito ngayon.
“This is all your fault! You framed her. Kung hindi dahil sa ginawa mo ay hindi siya mapipilitan na umalis sa lugar na ito!” Mariing sambit ni Cassian habang nagtatagis ang bagang dala ng matinding galit.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantezieAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...