Dumating kami sa village na nakasuot ng damit ng mga ordinaryong mamamayan lang. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko, dahil walang gaanong palawit ang damit ko at simple lang iyon.
Isang kulay puti na bestida na hanggang tuhod ang suot ko. May mahabang manggas iyon na naka-off shoulder. Tapos isang kulay pink na vest sa ibabaw. At cute pink flat shoes.
Sa tagal ng pananatili ko sa lugar na iyon, ang pakiramdam ko ay araw araw akong nagko-cosplay. Mabuti na lang at sanay na ako sa pagsusuot ng kung anu-anong klase ng damit dahil sa trabaho ko.
Simpleng damit lang rin ang suot ni Cassian. He was wearing a long sleeve polo na nakatupi ang manggas. Kulay puti iyon. Tapos nakapantalon siya na kulay brown. And a black vest. Habang nakasabit sa katawan niya ang isang espada. For safety precautions, siguro. Lalo pa't wala kaming mga kasamang guards. Tapos naka-boots siya na hindi umaabot sa tuhod.
“This is so exciting...” bulong ko.
Ang tagal na rin simula nang nakaramdam ako ng ganitong klase ng kalayaan. No! Halos isang buwan pa lang naman iyon pero para kasing ang tagal na, since palagi lang akong nasa palasyo.
Bigla ko tuloy na miss ang buhay ko sa Devils Island.
Haysss... Kumusta na kaya sina Stefan at Mattie?
Miss ko na sila pero hindi ko naman magawang ungkatin ang tungkol sa kanila, kay Cassian dahil inaalala ko ang mararamdaman nito. Lalo't hindi maganda ang huli nitong pakitungo kay Stefan. Baka bigla nitong iutos na guluhin ang pananahimik ng dalawa, na ayoko namang mangyari.
Nagulat pa ako nang hawakan ni Cassian ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin at nakangiti siya sa akin. Tapos bahagya niyang itinaas ang mga kamay namin na magkahawak. “Mas mainam kung maglalakad tayong magkahawak kamay, hindi ba?”
Siningkitan ko siya ng mata. I don't believe him. Pakiramdam ko, takot lang siya na mawala ako sa tabi niya.
“Iniisip mo bang tatakasan kita ha?” panliliit ko ng mata habang nakatitig sa kaniya.
“Ayoko lang naman na magkahiwalay tayo. Maraming tao sa plaza kaya baka magkalayo tayo.” pout ni Cassian.
Tsk. Nagpapa-cute na naman ang loko. Buti na lang umuubra iyon sa akin.
“Whatever. Halika na. Gusto kong makita ang plaza.” Hila ko na lang sa kaniya.
Sa totoo lang, gusto ko rin naman ang ginagawa niyang paghawak sa kamay ko. Pakiramdam ko natatakot talaga siyang mawala ako. Ang ibig lang niyong sabihin ay mahal na mahal niya ako...
Pero syempre, siguradong wala pa rin siyang tiwala.
Nang marating ang plaza ay ang daming paninda na bumungad sa amin. Katulad ng sinabi ni Cassian ay marami ngang tao ng araw na iyon. Lahat busy sa kani-kaniyang gawain. May mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa paligid. Nakakalula ang dami ng mga binibenta sa gilid ng kalsada.
I started roaming around. Dahil ako ang mas excited ay ako ang humihila kay Cassian. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko kaya wala siyang choice kung hindi ang sumunod sa bawat tindahan na pinupuntahan ko.
Halos lahat ng kakaibang pagkain na naroon ay sinusubukan ko. Mabuti na lang at maraming dalang pera si Cassian. Para tuloy akong may kasamang sugar daddy na may tagabayad ng mga bagay na itinuturo ko.
I looked at Cassian. Napa-pout ako nang makitang pinagtatawanan niya ako. Hula ko, sinadya niyang hayaan na kainin ko ang kakaibang pagkain na iyon kahit alam niya namang hindi iyon masarap. Katulad noong kumain kami noon sa festival. Hinayaan niya lang na kumain ako ng dila ng baka. Haissst... Kapag naaalala ko iyon ay nasusuka pa rin ako.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...