Dumating na ang araw ng pagtitipon. Ang araw na pinaka kinatatakutan kong dumating. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang dapat kong gawin.
Kung alam ko lang na kamatayan lang pala ang makatutulong sa akin para makabalik ako sa totoong mundo, sana ay matagal ko na iyong ginawa.
Naalala ko pa nang araw na naroon ako sa may lawa sa paaralan. Gusto ko na sanang tumalon roon at magpakalunod, pero natakot lang ako dahil hindi ko naman alam na iyon talaga ang dapat kong gawin. Pero kung tumalon sana ako at nalunod nang araw na iyon, hindi na magiging ganito kabigat ang pag-alis ko sa lugar na iyon.
Hindi na sana ako mapapalapit pa sa mga karakter ng librong iyon. Hindi sana magiging ganito kasakit ang pamamaalam ko.
Pinisil ni Ohru ang kamay ko. Nilingon ko siya. Kanina pa niya pinalalakas ang loob ko. Alam ko gusto na rin niyang makauwi, kaya ang gagawin ko ay hindi lang para sa sarili ko. Para ito sa aming dalawa.
“Lady Seren. Ang ganda mo ngayong gabi.” pagbati sa akin ni Margareth.
Mabilis na binitiwan ni Ohru ang kamay ko atsaka ito nagpaalam. Tila binibigyan ako nito ng pagkakataon na tapusin ng mag-isa ang kwentong iyon. Marapat lang na gawin ko iyon ng tama.
“Pwede ko bang malaman kung bakit galit na galit ka sa akin, Margareth?” tanong ko.
Nakita kong namilog naman ang mga mata ni Margareth. Halatang hindi niya inaasahan ang tanong na iyon.
Wala naman akong masamang hangad kaya ko iyon itinanong. Gusto ko lang talagang malaman dahil naguguluhan ako. If she really hates Seren that much, siguradong may dahilan siya.
“Gusto ko lang malaman. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong idea kung bakit galit ka kay Seren.” dugtong ko pa.
“Ano bang sinasabi mo? I thought we were okay?” Lumingon-lingon pa ito sa paligid na parang natatakot na may makarinig sa pag-uusap namin.
Tama. Nitong nakaraan nga ay naging extrang bait nito sa akin. Kapag nagkikita kami ay hindi na niya ako inaaway. Nagpapadala rin siya ng mga regalo. Alam ko naman kung bakit. Dahil iyon sa plano niyang paglason sa akin ngayong araw. Ayaw niyang mapagdudahan na may kinalaman siya roon kaya kunwari ay mabait na siya.
Kung hindi ko nga alam ang plano niya ay baka maniwala ako na bumait na nga siya. But she's the villainess in my story.
Kadalasan sa ganitong kontrabida ay hindi na nagbabago hanggang sa ending. Kamatayan lang ang nakapagpapatigil sa kanila. Dahil tiyak na hindi magkakaroon ng happy ending ang mga main lead hangga't humihinga pa sila. Lalo't wala ata sa bokabularyo nila ang salitang pagsuko.
“Tama. Nagkapatawaran na nga pala tayo.” Ngiti ko.
Sasaya ka ba talaga kapag nawala na ako sa landas mo, ha Margareth? I wonder.
Awkward na ngumiti naman si Margareth. Inaya na ako nitong pumasok sa malawak na bulwagan.
Pagpasok sa loob ay iniwan niya na ako. Umakyat siya sa kinaroroonan ni Cassian. Doon sa itaas kung nasaan ang kanilang magarang upuan. The special chairs that were only made for the King and Queen.
Kapag may ganitong pagtitipon, ramdam ko na mas mababa ako kaysa kay Margareth. Hindi kasi ako ang nauupo sa tabi ni Cassian. Iyong dalawang upuan na nasa mataas na bahagi ng bulwagan ay para sa Hari at Reyna lang.
Ako ang Reyna sa puso ni Cassian pero hindi sa kahariang iyon.
Ayos lang sana iyon. Pero kapag naiisip kong para lang akong saling-pusa sa kahariang iyon ay may dulot iyong kirot sa puso ko. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang makasama si Cassian na bumuo ng isang simpleng pamilya. Kagaya ng mga tao sa bayan. Kahit walang marangyang kasuotan ay masasabi mong masaya sila at kuntento.
I guess... It was an impossible dream. Hanggang panaginip na lang na hindi na matutupad kahit kailan dahil magtatapos na ang pagsasama namin, ngayong gabi.
“Ladies and gentlemen, the King and Queen of Fordham Empire.” announce ng isang lalaki.
Tumingin sa gawi ko si Cassian. Tila hirap siyang ngitian ako. Marahil inaalala niya ang nararamdaman ko. Palagi siyang ganoon kapag nakaupo siya sa tabi ni Margareth.
Alam ko naman, wala siyang magagawa sa bagay na iyon kaya naiintindihan ko iyon.
Nginitian ko si Cassian. Bahagya rin akong nagyuko ng ulo na parang sinasabing ayos lang ang lahat. Nang makita ang ginawa ko ay ngumiti rin siya, kahit halata na hindi pa rin siya komportable.
Ang pagtitipon na iyon ay para sa pagdiriwang ng matagumpay na pakikipagpalitan ng kalakal mula sa iba't-ibang kaharian. Maraming lahi ang naroon. It was a big event. Dapat masaya ang lahat, pero mamaya lang ay tiyak na masisira ko iyon.
Siguro, dapat kong inumin ang lason ng mag-isa. Mas mainam iyon kaysa masira ko ang naturang kasiyan.
Tumalikod na ako. Sa huling pagkakataon ay gusto ko libutin ang lugar. I want to keep my last memories of it as a good place that I once visited.
Paglabas ng main event hall ay mabagal akong naglakad sa hallway. May ilang tao roon. Kadalasan may ka-kwentuhan. Ako lang yata ang nag-iisa.
Mayamaya ay nakita ko si Ohru. He was heading my way. Tumigil ito sa harapan ko.
“Everything's going to be ok soon, Alecxie.” tipid na ngiti sa akin ni Ohru.
May dala itong wine na inialok sa akin kapagdaka. Tamang-tama dahil kailangan ko ng pampakalma. Nagsisimula na kasing magwala ang puso ko dahil sa kaba. Ang hirap din pala kapag naiisip mong mamamatay ka na. Although alam ko naman na hindi pa talaga iyon ang magiging katapusan ng buhay ko ay nakakaramdam pa rin ako ng takot.
After I drink the wine ay binalik ko ang basong wala ng laman kay Ohru. Tapos tumingin ako sa kaniya.
“I did this to myself.” bumuga ako ng hangin. “Nahihirapan ako ngayon dahil pinili kong mahulog sa kaniya.”
Pwede naman akong umiwas pero ako pa ang gumawa ng paraan para magkalapit kami ni Cassian kaya ako lang ang dapat na sisihin kung bakit ako nahihirapan.
Ohru tap my shoulder. Then he left. Siguro naisip niya rin na gusto kong mapag-isa.
Pagkatapos magpahangin ay bumalik ako sa bulwagan. Wala na sa dating pwesto sina Margareth at Cassian. Nilibot ko ang tingin sa paligid. I can't see Cassian, but I saw Margareth on the table. Nang makita niya ako at masaya niya akong kinawayan. Paglapit ko sa kaniya ay napansin ko ang dalawang empty glass wine na nasa mesa. Binigay niya sa akin ang isa. Naisip ko kaagad ang lason.
“Let's drink together.” Sinimulang salinanan ni Margareth ng wine ang basong nasa harapan namin.
Kalahati lang ang inilagay niya sa bawat baso. Pagkalapag niya ng bote ay tsaka niya binuhat ang isa sa baso. “Para sa maayos nating pagsasama.”
Kinuha ko rin ang basong laan para sa akin. Nanginginig ko iyong binuhat. Siguro dahil alam kong may lason iyon kaya ramdam ko ang kakaibang takot na hawakan iyon.
Margareth drinks her wine. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niyang inumin ang isinalin niyang wine. Dahil pareho lang ang pinagkuhaan niya ng alak ay malamang na may lason rin ang ininom niya. Kaya bakit?
Unless... She has an antidote to the poison.
Pinagmasdan ko ang hawak kong baso. It was like a normal wine to me. Pero dahil sinabi ni Emit ang tungkol sa paglason ay sigurado akong may lason ang alak na iyon.
Dinala ko sa labi ko ang bibig ng baso. Lalo pang lumakas ang panginginig ng kamay ko. Mariin akong napapikit.
Sa pagpikit ko ay tila nabuo ang imahe ni Cassian sa paningin ko. He was crying and begging me to stay. Namumugto ang kaniyang mga mata habang humahagulgol ng pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng awa sa kaniya.
Cassian...
Umiling-iling ako. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay inilapag ko ang hawak kong baso sa lamesa at mabilis na tumalikod.
Hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan si Cassian.
Wala na akong pakialam kung maglaho man kami ni Cassian. Ang gusto ko lang ay makasama siya sa huling pagkakataon.
I'm sorry mama. I'm sorry but I can't go back.
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasíaAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...