CHAPTER 100: Paggising Ni Alecxie

2.4K 86 5
                                    

I slowly open my eyes. Nilinga ko kaagad ang tingin ko sa paligid. I was in a not familiar room. The curtains, the paint, and everything was so plain and simple.

Suddenly I smell the scent of alcohol. Doon ko lang na realize kung nasaan ako. I was in the hospital.

I tried to sit but my body was drained. Wala akong sapat na lakas para gawain iyon kaya nanatili na lang akong nakahiga. And then I saw the machine beeping on my side. Ang dami ring tubo na hindi ko namalayan na nakakabit pala sa katawan ko.

I touch my face. Basa iyon ng luhang nagsimulang umaagos mula sa mga mata ko. Parang may binibiyak sa loob ko. It was the pain I felt when I saw Cassian cry and beg me to stay alive.

Nang maalala ko iyon ay lalong dumami ang luhang bumabasa sa pisngi ko. Na para bang isa iyong lawa ng kalungkutan na nagsimulang nagkaroon ng bukal sa mga mata ko.

Nakabalik na ako, pero bakit hindi ko magawang magsaya?

I continue crying. Nang may nagbukas ng pinto ay hindi na ako nag-abala pa na tingnan kung sino ang dumating. But I heard her call my name. Nang makita ni mama ang pag-iyak ko ay tinakbo niya ako para aluin. Hinaplos niya ang likod ko, pero hindi ko naman maramdaman na nakakatulong iyon upang mapagaan ang bigat ng pakiramdam ko.

Para akong namatayan ng minamahal. No. I am the one who died, pero bakit si Cassian ang naglaho?

“Gising ka na, anak ko...” her voice cracked a little. Bakas ko ang kakaibang saya sa tinig niya na may kahalong pag-aalala.

Sandali akong iniwan ni mama. Pagbalik niya ay muli niya akong nilapitan at ipinagpatuloy ang naudlot na paghaplos sa likod ko.

Nagtataka siguro siya kung bakit ako umiiyak. But she didn't bother to ask. Ipinaparamdam niya lang na naroon siya para sa akin.

Mayamaya dumating na ang doktor at ilang nurse na tinawag pala ni mama. They were surprised to see me awake. Akala yata nila hindi na ako magigising.

The doctor examines me. He explains to my mom kung ano sa tingin niya ang dahilan ng pag-iyak ko. He talks a lot. Akala mo'y alam na alam niya ang mga sinasabi niya, kahit ang totoo ay wala naman siyang idea sa mga pinagdaanan ko habang narito sa ospital ang katawan ko.

Dahil hindi ako mapatigil sa pag-iyak ay binigyan ako ng pampakalma ng doktor. He injected it to me. Dahil doon ay nakaramdam ako ng panghihina at kalauna'y nakatulog ako.

Paggising ko. Naroon pa rin si mama sa tabi ko. She looked at me with a worried face.

“Ayos ka na ba Alecxie?” Hinaplos ni mama ang buhok ko.

Alecxie...

Parang naninibago ako sa sarili kong pangalan.

I wanted to be called by Seren again. Ang isipin na iyon ay nakapagpaparamdam sa akin ng pagka-guilty. Lalo pa't naroon ang aking ina na grabe ang pag-aalala sa akin.

Tears begin to fall on my mother's cheeks. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan iyon.

“Mama.” may pag-aalala kong tawag sa kaniya.

Bigla akong niyakap ni mama. I can feel that she misses me so much.

How can I be so selfish para isipin ang sarili kong kalungkutan at hindi ang sa mama ko. Siguradong matagal na niyang iniintay na magising ako, pagkatapos hindi naman iyon ang iniisip ko.

I fake a smile. Ayokong pag-alalahanin pa si mama kaya naman pinilit kong labanan ang nararamdaman kong kalungkutan. Dapat maging masaya ako dahil nagising na ako. Kailangan ko iyong ipakita sa kaniya. Kailangan kong magpanggap na masaya.

Kahit sa harapan lang ni mama kailangan kong magpanggap.

ᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐᚐ

“Gusto mo bang bisitahin ang lalaking nagligtas sa'yo?”

Napatigil ako sa pagbabalat ng orange nang magtanong si Ronnie; my manager.

Naroon pa rin ako sa ospital. Gusto ko na nga sanang lumabas pero hindi pa raw pwede sabi ng doktor ko. He said, they still need to monitor me. Naging mahina kasi ang katawan ko, kaya kinailangan ko munang i-recover ang lakas na nawala sa akin.

“I heard he was also here at the hospital. Gusto mo bang personal na magpasalamat sa kaniya? Sasamahan kita.” he continued.

He must be my soulmate... Ang wala kong mukhang soulmate ay magkakaroon na ngayon. Psh! So what? I'm not interested.

Para sa akin, si Cassian lang ang soulmate ko. Kahit hindi man siya ang totoo, ay siya lang ang gusto kong isipin na soulmate ko.

My soulmate whom I meant to meet, but not meant to be.

“Padalhan mo na lang siya ng mga bulaklak. Say my thank you in a letter. Ayos na iyon.” walang pakialam kong sabi.

Agad umasim ang mukha ni Ronnie nang marinig iyon. Parang kaya niya akong kainin ng buhay sa biglang pagsama ng hilatsa ng mukha niya. “Hello, Alecxie. He saved you. Sa tingin mo tama na bulaklak lang ang ibigay mo sa kaniya ha? Nalagay din sa panganib ang buhay niya.”

“Edi bigyan mo ng bagong kotse. I will pay for it.”

“Alecxie naman!”

“Sino ba kasi ang may sabing iligtas niya ako ha?” Irap ko kay Ronnie.

Ayokong makita ang lalaking iyon at ayokong malaman kung sino siya kaya hinding-hindi ko siya pupuntahan.

“Haissst... Ewan ko sa'yo. Bahala ka nga!” Bumuga ng hangin si Ronnie. Halatang pinakakawalan niya ang stress na binibigay ko sa kaniya.

Tsk! Ewan ko lang kung kaya niya pa ulit sabihin na, miss niya ako. Palagi ko na lang kaya pinasasakit ang ulo niya. But still, I am his favorite artist. Siguro dahil ako ang nagpapasok ng malaking pera sa kaniya.

“Kung ganoon, ako na lang ang pupunta sa kaniya. I will give him your favorite flowers. Para naman kahit paano ay mag mukhang sincere ang pasasalamat mo.”

“Whatever...”

Wala akong pakialam.

I looked at the yellow tulips na nasa vase. My favorite flowers.

Naalala ko pa nung una akong makatanggap ng ganitong klase ng bulaklak.

Noong nagsisimula pa lang ako sa pag-aartista. May nagpadala sa bahay ng isang bouquet ng yellow tulips.

Simula noon, palagi na akong nakatatanggap ng ganoong klase ng bulaklak. 'Pag galing ko sa premiere night. Kapag may isini-celebrate ako. Kapag may event na pinupuntahan. I always received that kind of flower. She or he is my first ever fan, kaya naman naging espesyal ang tingin ko sa mga yellow tulips. It became my favorite.

Noon. Ang wala kong mukhang fan ang naiisip ko kapag nakakakita ako ng yellow tulips. Pero ngayon hindi na. Si Cassian na ang naalala ko. 'Cause he used to give me these kinds of flowers too. It was his favorite and so did I.

Kapag naalala ko si Cassian ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng matinding pangungulila. Wala naman akong masabihan ng tungkol sa kaniya dahil tiyak na walang maniniwala sa akin.

Maliban na lang kay Ohru.

He has never visited me since I came back. I wonder. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Sa totoo lang, hindi ako galit sa kaniya. I understand him. Alam ko naman na iniisip niya lang ang kalagayan ko kaya niya ginawa iyon. Mas masama pa nga ang loob ko dahil hindi niya ako binibisita.

That assh*le! Oras na magkaroon ako ng sapat na lakas ay kakalbuhin ko talaga siya.

HOURGLASS 2: His VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon