Nang pakawalan ako ng lalaki ay hinawakan nito ang suot na maskara at tinanggal iyon kapagdaka.
Parang lalabas ang puso ko nang tumambad akin ang mukha niya. He looks like Cassian but older. Animo'y nag matured na ito. Their eyes color was also different but the way he looked at me, parang si Cassian nga ang pinagmamasdan ko.
Could this be possible?
“I'm Jetzon Villacorta. Nice meeting you Alecxie.” pakilala ng lalaki. Iniunat nito ang kamay.
Hindi ko naman iyon kinuha. I just look at it and look back at his face.
“Do I know you?” kunot-noong tanong ko.
Maliban sa kahawig nito si Cassian ay parang nakita ko na ito sa ibang lugar. Hindi ko lang matandaan kung saan.
“I guess, you forgot about me already. Mukhang ako lang ang hindi nakalimot.” Ramdam ko ang kakaibang lungkot sa tinig niya. Tila nasaktan ko siya sa naging tanong ko.
Binaba na niya ang kamay na hindi ko tinanggap. Again he smiled. Kahit nakangiti siya ay makikita mo sa mga mata niya ang lungkot.
Anong problema niya? Bakit parang masyado siyang apektado na hindi ko siya nakilala? At bakit nga kaya kahawig niya si Cassian?
“Forgot about you? Sino ka ba?” lalo lang dumami ang kulubot sa noo ko. Nalilito na talaga ako sa inaarte ng lalaki.
Pero dahil sa ikinikilos niya ay mas lalo lang akong naku-curious na malaman ang pagkatao niya.
Mayamaya ay biglang pinamulahan ng mukha si Jetzon. Animo'y bigla itong may naalala. Tapos napahawak ito sa batok.
“Actually. Ako 'yong ano. 'Yong lalaking...” Tila hirap na hirap pa itong sabihin ang gusto nitong sabihin.
“Lalaking ano? Pwede ba ayusin mo nga ang pagsasalita mo.” singhal ko sa kaniya.
Nahihiya naman siyang yumuko. Nilapit niya ang labi niya sa tainga ko tsaka sumagot ng pabulong. “Iyong naka one night stand mo.”
Sa narinig ko ay agad namula ang pisngi ko. Ramdam ko ang matinding pag-init ng pisngi ko. Nang bahagya ng lumayo sa akin si Jetzon ay nahihiya ko siyang tinitigan.
Totoo ba ang sinabi niya?
Kaya pala pamilyar siya sa akin. Nagbago lang ang kulay ng buhok niya pero iyong features niya. It was still the same.
Siya ba talaga iyon? Hinanap niya ba ako? Or the destiny put us back together?
Bakit tila gustong lumabas ng puso ko dahil sa nalaman kong iyon?
“I-ikaw iyong?”
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay tumango na si Jetzon.
Shemsss... Siya nga ang lalaking iyon.
Mabilis akong tumalikod kay Jetzon. Ewan pero para unti-unti na akong kinakain ng hiya at hindi ko na siya kaya pang harapin kaya naman agad ko siyang tinalikuran. Pero nang nakaiilang hakbang pa lang ako ay pinatigil na ako niya ako. He hugged me from behind. Pagkatapos ay ibinaon niya ang mukha niya sa likod ko.
Ano bang ginagawa niya? We barely knew each other kaya bakit kung umasta siya ay parang—
“I miss you Seren...” he whispered.
Napamulagat naman ako nang marinig ang pangalan na tinawag niya. Lalo pang nagwala ang puso ko na parang gusto na niyong lumabas sa dibdib ko.
Bakit alam niya ang pangalang iyon? And why is he calling me by that name?
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasyAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...