Ang sarap ng naging tulog ko. Malamang, dahil iyon sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon nga ay kinikilig pa rin ako. Para tuloy akong teenager na first time lang na nagmahal. Ang sarap niyon sa pakiramdam. Feeling ko, lalo akong bumata.
Katulad ng usapan namin ni Jetzon ay may date kami ngayong araw. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero ang sabi niya sa text kagabi ay magla-lunch daw kami sa isang espesyal na lugar. I wonder kung saan iyon. Baka sa isang mamahaling restaurant?
Nang tumunog ang buzzer ay tatayo na sana si Kate para buksan iyon pero inawat ko siya at ako na ang tumungo sa pintuan. Kanina pa kasi ako naiinip sa paghihintay at hindi na ako mapakili. Ewan ko ba. Para talagang excited na excited ako sa gagawin naming date ni Jetzon.
Hindi ko na sinilip ang monitor. Basta pinindot ko na lang kaagad ang lock ng pinto at hinila iyon. Katulad ng inaasahan ko ay naroon na nga si Jetzon. Simpleng white polo ang suot nito at shorts na lampas sa tuhod. Mayroon pa siyang shades na nakasabit sa leeg na bahagi ng damit niya. Agad siyang ngumiti nang makita ako.
“Let's go. Malapit ng mag twelve. Siguradong nakahanda na ang pagkain natin.” pag-aya niya.
Bago lumabas ng unit ay kumaway pa ako kay Kate na ang sarap ng pagkakangiti habang nakatitig sa kasama kong binata.
Kanina, sinabi ko sa kaniya na magdi-date kami ni Jetzon. Sinabi ko rin na kagabi ko lang nalaman na ito pala iyong kapitbahay ko. Hindi ko na sinabi sa kaniya ang ibang detalye kung paano kami nagkakilala ng lalaki. Basta ang sabi ko, he's my old friend. Nagulat siya pero sabi niya mukhang pinagtatagpo daw kami ng tadahana kaya support lang siya.
“So, saan nga tayo pupunta?” tanong ko habang naglalakad patungo sa elevator.
“Secret...”
Ilang minuto rin kaming nag biyahe bago narating ang lugar na sinasabi ni Jetzon na kakainan namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makitang dinala niya ako sa bahay na tinitirahan ni mama. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang lugar na iyon.
“Pinagloloko mo ba ako? Dito tayo magdi-date?”
Hindi pa man sinasagot ni Jetzon ang tanong ko ay hinawakan na nito ang kamay ko ay hinila ako papasok sa bahay namin.
Nakasara ang paresan ni mama ng araw na iyon, na tila ba hindi ito nagbukas dahil sa pagpunta namin.
Jetzon knocked. Pinagbuksan naman kami ni mama. She doesn't look surprised, na makita kami. Nang mapansin kong napatingin si mama sa mga kamay namin ng binata at sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero ayaw naman iyong pakawalan ni Jetzon kaya wala akong magawa. Masyadong naman kasi siyang malakas e.
“Hi Mama.” Nakangiting pagbati ni Jetzon kay mama.
Kaloka. Tinatawag niya rin na mama ang mama ko.
Inaya kami ni mama na pumasok sa loob. Tama lang ang dating namin dahil naabutan namin na naghahain na si mama para sa lunch. May tatlong plato ang nakahanda sa lamesa na ang ibig sabihin lang ay alam talaga nitong darating kami. I didn't call her. So malamang na si Jetzon ang nagsabi na darating kami.
Wait... He knew my mom and he has a phone number of her?
Habang kumakain ay doon ko lang nalaman na matagal na palang kumakain sa paresan ni mama si Jetzon. He introduced himself as my fan. Kumakain siya doon kapag may pagkakataon at nakikipag kwentuhan kay mama. Animo'y may plano talaga itong kuhain ang loob ng mama ko.
Kagaling na lalaki, hindi ba? Talagang nauna pa nitong niligawan ang mama ko kaysa nagpakilala sa akin.
“Mama. Ang totoo niyan. Nandito po kami ngayon para sabihin at ipaalam sa inyo na kami na po ni Alecxie. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo kaya sana ay bigyan ninyo ng blessing ang relasyon namin.”
BINABASA MO ANG
HOURGLASS 2: His Villainess
FantasíaAng akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in the body of a villainess. Sa hindi niya malamang dahilan ay napasok siya sa librong katatapos niya lang na basahin. It wa...