Chapter One

8.1K 208 13
                                        



"So anong ginagawa mo ngayon Sab?" napatigil ako sa pagsubo at tumingin kay Cecilia, nanay daw ni Luke, so sya ang future mother-in-law ko. Tinaasan ko sya ng kilay at tumingin doon sa kutsara ko. Seriously?! Tinatanong nya ang obvious? I just rolled my eyes.


Siniko ako ng lolo kaya napatingin ako sa kanya "What?" mahinang tanong ko sa kanya. Pinandilatan lang nya ako ng mata. "Fine!" sabi ko na lang. Tumingin ulit ako kay Cecilia na nakangiti.


 "She is studying." sagot ng lolo ko sa kanya. At nagpalitan sila ng conversation na wala akong pakialam kung ano man 'yun. Kumuha ulit ako ng pagkain na kanina ko pa kinakain.



"You like the kare-kare, Sab?" tanong ulit ng magiging mother-in-law ko. So kare-kare pala ang pangalan nito. Again, she is asking the obvious. Malamang gusto ko. Kakainin ko ba 'yun kung hindi? Duh?! Gamitin nya kaya ang utak nya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya lahat ng naiisip ko pero tinikom ko na lang ang bibig ko at tumango. Makakatikim pa ako sa lolo ko 'pag nagkataon. Naglagay ako sa plato ko ng kare-kare. Grabe! Ang sarap talaga nito! Ipapaluto ko nga 'to sa cook namin.



Naramdaman kong may masamang malignong nakatingin sa akin at naka-upo sa may harapan ko kaya tiningnan ko 'yun at sumalubong sa akin ang nakakunot-noong mukha ng fiancee ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay at binigyan ng 'Problema-mo-'tol'  look pero nag-iwas lang sya ng tingin sa akin at umiling-iling.  



Good! Wala naman palang problema! At kahit naman may problema sa pagitan namin aayusin ko agad 'yun dahil I decided kanina na sasakyan ko ang trip ng  pamilyang nya at ng lolo ko! At kahit anong mangyari ako ang magiging asawa nya. Marami pa namang pera ang gagong 'yun at nararamdaman kung hindi nya alam kung paano gagamitin 'yun kaya 'wag na syang dapat mamroblema pa. Tutulungan ko syang lustayin ang pera nya. SA TAMANG PARAAN!



Atsaka isa pa, hindi naman masagwang pakinggan ang 'Mrs. Sabrina Xenon Buenavista-Black' ayos nga pakinggan eh at dapat ngayon pa lang masanay na ako. Dahil gagamitin ko 'yun sa loob ng isang taon. Isang taon lang ang itatagal ng kasal namin, dahil mabubyuda ako pagsapit ng 1st anniversary namin. Ngayon pa lang kasi parang gusto ng magpakamatay ng gagong 'to eh!



Napangiti ako!



Ako ang magiging Mrs. Black! Itaga mo 'yan sa utak mo Luke! Kaya kung may mga flings ka. Humanda sila sa akin. 




Sabrina Xenon Leron Buenavista, 'yan pala ang buong pangalan ng babaeng 'to. Napa-smirk ako. Sabrina Xenon Leron Buenavista, humanda ka sa akin. Tingin mo ba papayagan kita sa gusto mo? No way! No Freaking way! Isang tao lang ang may karapatdapat na maging Mrs. Black at 'yun ay si Leila at hindi ikaw!



"Wow! You are just 19 ng mag graduate ka sa kursong Bachelor of Science in Business Management major in Marketing? Just wow!" namamanghang bulalas ng mama ko. Napatingin ako kay Sabrina. 19? Graduate na sya sa edad na 'yun... Galing! Eh ako nga 23,  'tapos fourth year pa rin hanggang ngayon pero graduating na ako ngayong March ha!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon