TUMIKHIM ang mommy ko kaya napatingin kaming dalawa ni Sabrina sa kanya. Ngumiti lang sya sa amin. Inilagay nya 'yung kutsara nya at tinidor sa plato...
"Well, nadesisyonan namin ng lolo mo Sab na pagkatapos ng graduation ni Luke, bibigyan ka ng super-duper gandang engagement party!" napatigil ako sa pagsubo sa sinabi nya. Napatingin ako kay Sabrina na ngayon ay naktitig sa mommy ko.
"Kailangan pa po ba 'yun?" tanong nya.
"Oo naman!" eksaheradong sagot ng nanay ko. Tumayo pa ito sa kinakaupuan nya at tumingin kay Sabrina. "Para malaman ng buong mundo na ikaw ang magiging Mrs. Luke Black!" nakangiting sabi nya. Sorry Sab! Ganyan lang talaga 'yan 'pag excited na excited sya sa isang bagay. Kumuha na lang ulit ako ng ulam at pinagpatuloy 'yung pagkain ko. "Pagkatapos nun, magiging busy na tayo sa wedding nyo!"
"I see..." rinig kong wika ni Sabrina. Napailing na lang ako. Hindi ko man nakikita ang mukha nya alam kong nakagiti ng malaki si Sabrina ngayon...
"Kaya dapat papuntahin mo ang nanay mo rito para makapag-usap na kami sa dapat gawin sa engagement party nyo...." masayang saad nya. Agad na napatingin ako kay Sabrina sa sinabi ng mommy ko. Mum naman eh?! Hindi ba nakakaramdam ang nanay ko na hindi close si Sabrina at ang nanay nya?
"Close po ba kayo?" tanong nya. Hindi ko alam kong seryoso ba sya sa tanong nya o sarcastic ba 'yun. Seryoso kasi ang pagkakatanong nya pero may himig ng pagka-sarcastic 'yung tono pero 'yung mukha nya parang wala lang. Walang ka-emosyon-emosyon!
"Sad to say... Hindi..." sagot ng nanay ko. "Pero kasi sya 'yung nakakaalam sa mga gusto mo d--"
"Mum!" putol ko sa sasabihin nya. Humarap sa akin si mommy at tinitigan ako. Ang daldal nya! Ngayon ko lang syang nakitang ganito! Never ko kasi syang nakitang naging kadaldal kay Leila.
"What?" tanong nya.
Pinandilatan ko lang sya ng mata.
Narinig naming huminga ng malalim si Sabrina kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.
"Kailangan ba talaga sya?" tanong nya.
"Oo!" masayang sagot ng mommy ko. Huminga lang ulit ng malalim si Sabrina 'tapos tumingin sa kanya.
Napakamot sa ulo si Sabrina at nakangiwing tumingin kay mommy. "Baka sa kasal na sila makapunta dito tita at baka doon nyo na rin sila makilala sa personal, kaya tayo na lang pong dalawa ang magplano, masyado kasing busy ang nanay kong 'yun..." sabi nya.
"Ano naman ang ginagawa nya?" curious na tanong ni mommy
"Ano nga ba..." nangalumbaba si Sabrina na para bang iniisip nya talaga kung ano ang ginagawa ng nanay nya 'tapos biglang kumunot ang noo nya. "Tama!" sigaw nya. Sumandal pa sya sa upuan nya 'tapos tumingin sa mommy ko. "Busy sila sa pag-aayos sa ginawa kong sira sa kumpanya..." sagot nya.
BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...