"'YANG mga kutsara, plato, tinidor pati na rin ang mga lalagyan ng mga 'yan hugasan mo!" rinig kong sigaw ni Sabrina sa living room. Naiinis na tinapon ko 'yung mga 'yun sa banggera. Bwisit! "Oo na mahal na reyna!" sagot ko sa kanya.
May lumipad na isang tsinelas at sumapol 'yun sa mukha ko. "Wag mo nga sabi akong tawaging mahal na reyna eh!" Bwisit! Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kamay ko. Kainis! May sabon pala ang kamay ko! Inabot ko 'yung apron at 'yun na lang pinunas ko sa mukha ko. Promise! Maliligo talaga ako mamaya!
Ilang oras pa lang kami nagsasama ni Sabrina, may nabuo na akong isang mahalagang desisyon sa utak ko at 'yun ay ang hindi magandang magsama kami sa isang bubong. Sa kanya, siguro, oo dahil magiging utusan nya ako dito.
May narinig akong malakas na sigaw ng isang babae na sumisigaw ng 'help' sa sala kaya napaikot ako ng mata. Sigurado akong isa na naman 'yun sa mga bidang pinapanood ni Sabrina, 'yung 'final destination'. Pangatlo na nya 'yun. Marami kasi daw part ang movie na 'yun eh. At bilib rin ako sa sikmura ng babaeng 'yun. Habang nanonod kasi sya, ay kumakain sya ng french fries na nilalagyan nya ng maraming catsup!
'Wag na kayong magtaka sa kanya, kanina nga hinamon nya akong manood ng Saw habang kumakain ng spaghetti at kung sino ang sumuka, maglilinis ng buong bahay at ang magdedesisyon kung kailan matatapos ang paglilinis ng natalo ay mangagaling sa taong hindi sumuka... At sya 'yun! Bakit ba kasi pumayag-payag pa ako sa pustahang 'yun?! Ito tuloy ang umabot sa akin.... taga-linis ng bahay, taga-laba ng damit nya at taga-hugas ng pinggan!
May isa pa kaming pustahan at 'yun ay kung sino ang unang uuwi sa mga bahay namin ay magbabayad ng Five milllion dollars sa magtatagal sa bahay na 'to. Dollars talaga! At kung tatanungin nyo kung sino ulit ang nag-set noon ay walang iba kundi si Sabrina! At ang nakakainis mas nauna ang pustahang Five Million Dollars doon sa maglilinis ng buong bahay! Kaya sobrang panalo ang babaeng 'yun!
Kaya sya ang may control ngayon sa loob ng mansyon!
Kainis!
Hindi naman ako makapalag dahil inilalapit nya sa akin 'yung alaga nyang sawa sa akin tuwing pumapalag ako. Oo may alagang sawa ang babaeng 'yun! Isang malaking sawa at kasama ng babaeng 'yun sa panonood ng final destination sa loob. Ipinagmalaki pa nga nya sa akin na may Tiger din daw sya kaso nasa bahay nya sa Italya.
At 'yung ahas na lang daw nya 'yung dinala dito ay dahil baka kasi daw may masamang tao ang pumasok sa bahay namin kaya kaysa ipakulong namin 'yun at makakagawa pa ng issue na gugulo sa buhay namin. Ipapakain na lang daw nya 'yun kay 'Lee', pangalan ng ahas nya.
"Hoy bilisan mo dyan alila, lilinisin mo pa 'yung kwartong tutulugan ko." napalingon ako sa likuran ko at masamang tinitigan si Sabrina. Hindi ba nya nakikita na nanghuhugas ako? Sya kaya ang may pakana ng lahat na ito. Sinabihan ko na syang malinis na 'tong mga gamit sa mansyon dahil pinapalinis 'to nila daddy everyday pero ayaw naman nyang maniwala sa akin. Kesyo daw ba na papayagan nyang magkaroon ng germs sa loob ng bahay at maging sanhi ng pagkasakit ng fiancee ko na walang iba kundi sya.
"Hindi mo ba kayang gawin 'yun?" tanong ko sa kanya
"Hahayaan mo bang mapagod ang fiancee mo?" Ito na naman po tayo sa linyang 'yan. Sasagot sana ako ng oo when she glared at me. "Kapag um-oo ka ililibing kita ng buhay. May malaking bakanteng lupa doon sa likod, gusto mo?" Napalunok na lang ako at tinuon ko na lang ang attensyon ko sa paghugas ng pinggan. "Oo, lilinisin ko" sagot ko sa kanya. Ang malas ko naman!
"Good" narinig ko syang naglakad paalis sa likuran ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng pagsulyap ko ulit sa likuran ko ay wala na sya. Nagngingitngit na tinitigan ko 'yung pinggan. Kinuha ko 'yun at hinugasan ng hindi ko na sinasabunan 'tapos ay diniretso kong nilagay sa kabinet. Bahala sya!

BINABASA MO ANG
Bloody Marriage
ChickLit"Makinig ka sa akin kutong lupa! Akin ka dahil pagmamay-ari na kita! Ikaw ang magiging CEO ng kumpanya ng lolo mo at ako ang magiging first lady mo! Naiintindihan mo? Ako lang at wala ng iba! I will never give you to her without a fight. Tandaan mo...