Chapter Three

5.4K 177 9
                                        

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos, Luke?" lumingon ako sa kanan ko at nakita ko ang mukha ni Steven. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Nakatulog ako ng maayos 'yun nga lang kulang!

Kainis na Sabrinang 'yun! Bakit ba hindi ko naisip na may masamang motibo 'yun kagabi. Bago kasi ako pumasok sa kwarto ko kagabi pagkatapos naming maghapunan binigyan nya ako ng alarm clock para magising daw ako ng maaga para sa klase ko ngayon at ako namang tanga tinanggap ko agad 'yung alarm clock ng walang pagdadalawang-isip. Sabi nya kasi, "Wala 'yang battery kaya ikaw na lang ang maglagay, wala kasi ako." -'yun ang sabi nya.  Kaya pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay inilagay ko 'yun sa lalagyan ng mga sapatos ko. May cellphone naman kasi ako at may alarm doon kaya 'yun na lang! Nakakarindi kasi ang alarm clock! Buti pa sa cellphone hindi! Kasi pwedeng music ang gamiting pang alarm.

Pero ang nakakainis!

Nagulat na lang ako kaninang mga 3:30 ng biglang tumunog 'yun. At ang nakakainis pa! 'Yung alarm clock na pala 'yun ay gumagalaw at umikot-ikot sa loob ng kwarto ko! Kaya ng mahuli ko 'yun nawala ang antok ko. Kaya inihanda 'yung sarili ko sa school.

 Ang aga-aga ko tuloy! Mas nauna pa nga ako sa guard ng school eh! Ako pa na ang nag-open ng classroom namin.

Kaya ngayon inaantok ako! Bwisit! Hindi ako sanay gumising ng maaga! Kaya nga nagulat ang teacher ko sa subject na 'to, dahil sobrang aga ko daw.

30 minutes late kasi ako kung pumapasok! Kaya himala daw. Kinongrats nga ako ng mga kaklase ko dahil nagbabagong buhay na daw ako. Kung alam lang nila ang kamalasang nagyayari sa buhay ko!   

At kung tinatanong nyo ako tungkol kay Sabrina, nandoon sya sa bahay at hinihintay 'yung katulong ipapadala ng papa ko. Nakadagdag din sa pagkabadtrip ko ngayon ang babaeng 'yun. Nang kumain kasi kami ng almusal parang wala lang...'Yung tipong ordinaryong araw lang sa kanya 'yun kahit na may ginawa syang 'di maganda. In short hindi sya nakonsensya sa ginawa nya! 

"Nga pala Luke, kamusta 'yung fiancee mo?" tanong sa akin ni Steven kaya napalingon ako sa  kanya. Tinaas-taas pa nya 'yung kilay nya. Napangiwi ako. Nga naman pala alam nya tungkol doon kay Sabrina.. Pero sya lang dapat ang makaalam tungkol kay Sabrina at wala ng iba pa! Humarap ako sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang balikat. Nagulat naman yata sya sa ginawa.

"Luke..." kinakabahang tawag nya sa pangalan ko.

"Steven, 'wag mong makukwento 'yun sa i--

"Luke pare!" naputol ako sa sasabiihin ko ng may sumigaw sa pangalan ko ng sobrang lakas. Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang mga kabarkada ko slash ka-teamates ko kaya biglang nagsitilian naman ang mga babae kong kaklase.

Naman oh! Lantaran silang maglandi ha!

Bakit ba ang mga babae ngayon hindi tulad ng kay Sabrina? Napaisip ako, kung lahat ng babae ay katulad kay Sabrina, kawawa naman ang mga lalaking katulad ko.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon