Chapter Sixty-five

1.3K 34 23
                                    


Sab's POV

MY DREAM WEDDING. Simple. 'Yung pamilya ko lang, mga kaibigan ng mapapangasawa ko at close na family friends lang ang bisita 'tapos sa simbahan ako ikakasal. 'Yung reception naman sa isang hotel para pagkatapos ng plastikan, mare-relax ang mga magulang ko dahil magliliwaliw sila sa activity ng hotel at ako na rin. 'Tapos 'yung wedding dress ko, simple lang basta bagay sa akin 'yung hindi ako magmumukhang ewan kapag sinuot ko.

'Tapos 'yung wedding ring ko, gusto ko mahal 'yung sobrang mahal pero simple lang ang desinyo. 'Yung tipong kung titingnan mo parang tag-150 lang pero 1 milyon pala ang halaga. Kasi pratikal lang ako. Gusto ko na hindi mahihipnotismo ang sinumang magnanakaw na makilala ko at kilala ko na nakawin 'yun 'tapos kapag naubos na ang yaman ko na impossibleng mangyari ay pwedeng kong masangla ang singsing na 'yun!

At higit sa lahat, 'yung lalaking pakakasalan ko mahal ako at mahal ko rin siya...... 'Yun ang dream wedding ko. Wala na akong pakialam sa dapat pang problemahin ng isang bride sa kasal niya dahil 'yun lang ang bagay na importante sa akin. 'YUN LANG ANG CONCERN KO. Bahala na ang magiging asawa ko ang mamoroblema nung ibang dapat problemahin!

Pero ang dream wedding ko? Hindi na 'yun mangyayari!

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

I'm wearing a simple white dress. Inilugay ko lang ang maikling buhok ko 'tapos kinulot ko ang dulo nito. Naglagay ako ng lipstick na pink at 'yun lang. Tipid na ngumiti ako sa sarili ko at lumabas sa kwartong pinagpalitan ko ng damit. Huminga na lang ako ng malalim. Bakit ganun feeling ko ninakawan ako ng Limang Daang Milyon kahit hindi naman! Tsk!

Wedding.

Sabi nila ito daw ang pinakamasayang araw sa isang babae. Sinungaling! Bakit hindi ako masaya ngayon? Natatakot ako na kinakabahan at higit sa lahat nalulungkot ako. Leche!

Natatakot ako na kapag nalaman ni mama 'to, papatayin niya ako. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos nito bukod sa pupuntahan namin ang mga magulang namin at i-announce sa mukha ng tatay ni Luke at nanay ko na kasal na kami ni Luke kaya tigilan na nila ang relasyon nila at higit sa lahat nalulungkot ako. Maybe, I really don't deserve to be loved. Siguro makuntento na lang ako sa pagmamahal na binibigay sa akin ng mga magulang, kapatid, sisters-in-law, butler and maids pati na rin ang mga pamangkin ko at tigilan na rin ang pananaginip ng gising na may isang lalaki na darating sa buhay ko na mamahalin ako at aalagaan ako kahit na ang sama ng ugali ko.

Yeah...

Diba nakakagulat na ang isang tulad ko. Maldita. Walang kwentang anak. Manloloko. Sinungaling at masamang tao. Ang isang tulad ko na ganun ay naniniwala sa fairy tales, sa happily ever after, sa knight in shining armor damn! Umiling na lang ako. Ang tanga ko noh, dahil naniniwala ako sa  mga ganun! Ang tanga ko! Kainis!

Siguro deserve ko 'to!

Masama kasi ako!

Atsaka ako pa nga ang nag-isip nito diba? And I really hate myself for that!

Nakita ko si Luke na naghihintay sa akin at kausap niya 'yung pesteng judge. Katabi ni Luke sina Teban, Kyle at Sandro-ang mga pesteng witness namin. Nakita kong siniko siya ni Teban na parang sira na nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at napatitig ng ilang segundo. Napatitig naman ako sa mukha niya. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya aside sa manghang-manghang siya sa kagandahan ko. Napatitig din ako sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim.

Kanina nang nagpapalit ako ng damit, ginusto kong tumalon sa bintana at tumakas pero ngayon... Ngumiti lang ako sa kanya at lumapit.

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon